Chapter 27 - Red Light

1.9K 36 2
                                    

Mel: Sav papunta ka na ba?

Natanggap ko ang text ni Mel. Papauwi na ako sa condo galing sa photoshoot. Umuwi muna ako para magbihis at para rin iuwi ang mga gamit ko. 

Me: I'll be there in a bit, Mel. Magbubus lang ako hehe congrats in advance! :)

Mel: Sige Sav! I'll just inform your team na dadalo ka and to save you a seat, tsaka thanks huhuhu this is it!

Dumiretso na ako sa kumpanya pagkatapos kong magbihis. May naabutan pa naman ako sa program ng event. Nandoon ang buong team namin, ako lang ang na-late dahil on leave sana ako today, umattend lang ako sa event dahil kay Mel.

Nasa iisang table ang team namin at doon na rin ako umupo. Hindi ko masabi kung iniiwasan parin ba ako ni Trevor. Hindi pa kami nagkausap simula noong photoshoot last Saturday. Nagleave din kasi ako kahapon kaya hindi kami nagkita sa opisina. Hindi ko rin naman siya nakasalubong sa condo building.

 Magkalayo ang upuan namin ni Trevor. As usual, si Beatrice ang katabi niya. Hindi niya ba napansin na dumating ako o sadyang hindi lang siya tumitingin sa akin?

"Sav!!!" Sigaw ni Mel habang palapit sa upuan ko, "Friend, buti nakapunta ka!" Yumakap siya sa akin. Binati ko siya sa promotion niya. Nakatingin ang buong team sa aming dalawa dahil sa lakas ng boses ni Mel. Pati ibang team sa ibang table napatingin din.

"Sige Sav, dun muna ako. Kain ka muna dyan." Sabi ni Mel at pagkatapos ay lumipat na sa ibang table. Bago ako makaupo ay may tumawag na naman sa pangalan ko.

"Savannah? Van?" Tawag niya, "Dito ka pala nagtatrabaho?" 

"Nathan? You work here too?" Binati ko siya at nagbeso kami. Si Nathan ay kaklase ko noong college na binasted ko rin. I wouldn't be surprised kung marami talaga akong kakilala sa kumpanya since they mostly hire people who graduated from Granity.

"Part ako ng Illustration Team dito. Ngayon lang kita nakita sa kumpanya, ah?" Sabi niya.

"Ako rin! Nako ang laki kasi ng kumpanya kaya siguro ngayon lang tayo nagkita!" Tumawa ako.

"Huhulaan ko, wala ka paring boyfriend, noh?"

"Ha?"

Tumawa si Nathan. "Biro lang. 'Di ba nung college, ayaw mo talagang magpaligaw?" Tanong niya, "Hindi ka parin nagbago, noh?"

Hindi ako nakasagot kaagad. Tumingin siya sa mga kasama ko sa team, "Guys, may boyfriend na ba 'tong team mate niyo?" Tanong niya sa buong team. Napatingin ako kay Trevor na nakasimangot lang sa upuan niya. Hindi ko inasahan na gagawin ni Nathan iyon.

Tinulak ko siya ng pabiro at pinaalis, "Bumalik ka na nga sa team mo!"

"Yiiiiie, ate Savannah, sino 'yon?"

Bumalik na ako sa pagkaupo sa table, "Wala, kaklase ko lang nung college." Sagot ko.

"Ate Savannah, wala ka pa palang boyfriend? Sa gandang mong 'yan?"

"Baka naman may special someone na si ate Sav kaya hindi nagpapaligaw."

Naghiyawan ang buong team para tuksuhin ako.

"Alam niyo guys, relationships aren't really for me kaya 'wag niyo na akong tuksuhin. Hindi ako madadala. I don't do love and all those cringe-worthy bullshit." Pinatahamik ko sila.

"Tigilan niyo na nga si Savannah. We all have our choice naman eh." Nagsalita si Beatrice para ipagtanggol ako. Himala!

"Eh ikaw ate Bea? Baka may tinatago kang relasyon dyan? Share ka naman."

"Hoy, ba't napunta sakin ang usapan?" Sabi ni Beatrice na halatang nagpipigil ng kilig.

"Yiiiiiie!"

"Halata nga namin na close na close kayo ni sir Trevor."

"Baka may ligawan nang nagaganap, hindi lang natin alam."

"Yiiiiie!"

"Tumigil na nga kayo, kunting respeto naman sa Team Lead niyo." Pabirong sinagot ni Beatrice ang mga kantiyawan ng buong team. Hindi nagbigay ng reaksyon si Trevor. Tumayo lang siya at tumungo sa table nina sir Cris.

 "Hala si sir Trevor, umalis. Halatang guilty."

"Hoy, tumigil ka na nga." 

I think this seals the deal—Beatrice and Trevor are the official loveteam sa team na ito. Ang saya naman, ang saya-saya.

Umuwi na ang lahat pagkatapos ng program. Bumati ulit ako kay Mel at nagpaalam na. Nadatnan ko ang buong team sa entrance ng building. Mukhang nag-aantay sila sa mga sundo nila. Nandun din sina Beatrice at Trevor. Plano ko sanang mauna at dumiretso na sa bus stop pero nakita nila ako at tinawag.

"Ate Sav, may susundo ba sa'yo?"

"Nako, wala. Magbubus lang ako." Sagot ko.

"Eh ikaw, ate Bea? Ihahatid ka ni sir Trevor, noh?"

Tumingin ako kay Trevor, hindi parin siya kumikibo.

"Nako, guys. May dala akong sasakyan kaya ako ang maghahatid sa sarili ko." Tumawa si Beatrice.

"Baka naman si ate Bea ang maghahatid kay sir Trevor?"

Tumingin silang lahat kay Trevor. "I also brought my car, sorry." Sinabi ni Trevor ng mahina.

"Sige guys, mauna na ako." Sabi ko sa kanila. Hindi ko na gustong marinig ang mga kantiyawan nila sa namumuong loveteam.

Matagal-tagal bago dumating ang bus. Sumakay agad ako pagdating nito. Naghanap ako ng upuan sa likuran. Nang akmang uupo na ako ay nakita kong nakasunod pala si Trevor sa likod. Hindi siya tumabi sa akin, ni hindi man niya ako tiningnan. Umupo siya sa kabilang upuan. 

"Akala ko ba nagdala ka ng sasakyan?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, sa halip ay sinuot niya ang kanyang earphones. Hindi na ako nagsalita. 

Tahimik kami buong biyahe. Natulog siya sa kanyang upuan, or maybe just pretending to. Bumaba na kami paghinto ng bus. Nakatayo kaming dalawa sa sidewalk para hintayin ang red light. May space sa pagitan namin. Hindi niya parin ako kinakausap.

Hindi ako tumawid nang nagred light na. Hinintay ko siya na mauna. Hindi siya humakbang, mukhang nag-aantay din siya na mauna ako. Hindi ko na napigilang magsalita.

"Bakit mo ba ako iniiwasan?" Tanong ko. Madilim na at wala na masyadong tao sa kalsada.

"Hindi kita iniiwasan." Sagot niya.

"Talaga? Eh ba't hindi mo ako kinakausap?"

"Busy lang."

"Busy ka? Talaga? Hindi ka nga makatingin sa akin, ni hindi ka tumabi sa bus."

Hindi siya nakasagot. Tahimik na ulit ang paligid. Nag-green light na ulit. Hindi ulit kami makatawid. Nakatingin lang kami pareho sa harap. 

"So you don't do love and all those cringe-worthy bullshit pala?" Bigla siyang nagtanong. Naalala ko ang sinabi ko kanina. 

"Bakit ba? I've always been like this. I wasn't born to fall in love and be stuck in a relationship." Sagot ko.

"So paano mo ipapaliwanag ang nangyari noong Sabado? Wala lang 'yon para sa'yo?"

Humarap ako sa kanya. "You were the one who kissed me first!"

"But you kissed back!" Humarap din siya sa akin, "Tsaka pano yung sa bar? You were the one who kissed me first!" 

I knew it, the kiss that night was real. "So umamin ka rin na may nangyari sa bar sa gabing 'yun?"

Iniwas niya ulit ang kanyang tingin. "That's not the point," Sabi niya, "Baka isisi mo rin sa alak kung bakit mo nagawa 'yun. Ganyan ka naman palagi, eh. Tatakbuhan at tatakbuhan mo rin ako. Hindi mo kayang panindigan ang nararamdam mo."

Hindi ako nakasagot. Tumawid na si Trevor nang nagred light na. Hindi ako sumunod. Naiwan lang akong nakatayo sa sidewalk.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Where stories live. Discover now