Chapter 20 - Friends

1.9K 33 0
                                    

"Uy, late ka kanina, ah? Traffic ba?" Tanong ni Mel habang nilalapag ang kanyang tray sa lamesa.

Umupo ako sa tapat niya, "Hindi naman masyado, antagal lang kasing nakaalis ng bus. Medyo late na rin kasi akong nakalabas ng condo."

"Buti nalang nagkasabay kayo ni Trevor at late din siya. Kung ikaw lang 'yung na-late, siguradong mapapagalitan ka na naman nun."

"Hindi naman siguro, late lang naman kami ng mga limang minuto."

"Hay nako, 'wag mo nang ipagtanggol," Sabi ni Mel habang nginunguya ang kanyang pagkain, "Ewan ko ba sa batang 'yan. Akala ko pa naman mabait 'yan. Nabigla nga ako nung ipinahiya ka niya sa harap ng buong opisina." Dagdag ni Mel.

"'Wag na nating pag-usapan 'yun. Okay naman na kami." Sabi ko.

Hindi na ako tumambay sa 7-Eleven at dumiresto na sa bus stop. Siguradong nag-oovertime na naman si Trevor.

"Seryoso natin ngayon, ah?" 

Lumingon ako. Nasa likod ko na agad si Trevor.

"Maaga ka ata ngayon?" Tanong ko.

"Anong maaga? It's almost 5:30 na kaya." Sabi niya.

"Yeah, I know. Pero 'di ba late ka palaging umuuwi? Minsan nga alas-otso ka na lumalabas."

"Huh? Ba't mo alam?"

Napatigil ako. "Ha? Uh, ano..." Nauutal akong nagpaliwanag, "Kasi nga ano...nagkukwento kasi 'yung ano...'yung security guard. Sabi niya daw palagi kang matagal umuwi."

"Talaga?" Tanong niya.

"Oo nga." Sabi ko. Nataranta ako at mabilis na sumakay ng bus. Hindi ko na siya hinintay. Umupo ako sa likod, tumabi naman siya. Hindi kami nag-usap, nakakatitig lang siya sa akin.

Humarap ako sa kanya, "Ano?" Tanong ko.

"Hinihintay mo ba ako pauwi?"

"Ha? Hindi ah!"

Nakatitig parin siya. "Hindi talaga?" Tanong niya.

"Pa-ulit ulit tayo dito? Hindi nga sabi eh." Sabi ko at tinulak ang mukha niya palayo.

"Savannah, sorry na," Iyan na naman ang boses niyang nanlalambing. "Hindi ko naman kasi alam na hinihintay mo ako."

"Hindi nga kita hinihintay." 

"Hindi talaga? Promise?" 

"Hindi nga." 

"So san ka tumatambay habang naghihintay sa akin?" Tanong niya.

"Sa 7-Eleven."

"So hinihintay mo nga ako?"

"Ha?" Shit. Nabuking ako. 

Tumawa siya. Tinapik niya ng mahina ang ulo ko. "Cute-cute mo namang magsinungaling," Ngumisi siya, "So...bati na tayo?"

"Anong bati? Nag-away ba tayo?" Tanong ko.

"Oo."

"Kelan?"

"Mga five years ago." Sagot niya. Napatigil ako. "Sabi mo nga sakin, ayaw mo na akong makita."

"Talaga? Sinabi ko 'yun?"

"Hmm, not really the exact words pero parang ganun ang sinabi mo." Sabi niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagpatuloy, "Teka, hanapin ko lang ang last text mo sa akin."

Me: Don't ever show your face to me again.

Pinabasa niya sa akin 'yun. Tinignan ko siya, "Ba't di mo pa binura?"

"Para hindi kita mamiss. Para maalala ko ang galit ko sa iyo noon at hindi dapat kita namimiss." Sabi niya.

"So...galit ka parin ba sa akin?" Tanong ko.

"Noon, oo. Kaya nga pinahiya kita, 'di ba? Hindi 'yun dahil sa pagkakamali mo sa trabaho. Hindi naman kasi ako ganun mag-react sa mga baguhan sa team ko. Galit na galit kasi ako sa sinabi mo sa akin noon. Kaya ayun..." Paliwanag niya. Tumingin siya sa akin, nagmamakaawa ang kanyang mga mata. "Sorry na, please?"

Nabigla ako sa ipinagtapat niya. Yumuko ako, "Sorry din sa sinabi ko."

"Okay lang 'yun. Napatawad na kita. Hindi ko naman kasi mapilit na ayaw mo sa akin noon." Sabi niya.

"Pasensya na talaga. Hindi ko talaga kasing gustong magkarelasyon."

"It's okay, I understand. Tsaka, naka-move on naman na ako sa'yo." Tumawa siya, "I already got rid of my feelings for you. Yung galit lang talaga ang hindi ko maalis nun."

Tumango nalang ako. 

"So ano...friends?" Inabot niya ang kanyang kamay sa akin. Sa halip na tanggapin ang kanyang kamay ay yinakap ko siya. Yinakap niya rin ako.

"Trev, sorry talaga ah," Sabi ko habang nakayap parin sa kanya.

"Okay na Sav, wala na 'yun." Sabi niya.

Pumakawala na ako sa yakap niya at inabot ang kamay niya. Nakipagkamayan ako, "Okay, friends." Sabi ko.

Sabay na kaming naghapunan sa restaurant sa tapat ng condo building namin. Madilim na nang natapos kaming kumain.

"Same parin number mo?" Tanong ni Trevor habang nag-aantay kami na mag-red light upang makatawid sa daanan. 

"Yeah, same parin." Sagot ko.

"Hindi mo ba blinock ang number ko?"

"Hindi. Same parin pala number mo?"

"Yep."

"Pahingi," Sabi ko, "Dinelete ko kasi." Nag-peace sign ako sa kanya.

"Naalala mo 'yung in-edit mo ang mukha mo sa graduation picture ko?" Tanong niya.

"Ay oo nga pala. Naalala ko pa 'yun."

"Maybe we should take a new photo together? Yung totoo na at hindi edit?" Alok niya. 

Tumingin ako sa kanya.

"You know what, okay lang kung hindi mo gusto." Sabi niya, "Tara na, tumawid na tayo."

"Teka lang," Sabi ko, hinila ko siya pabalik sa sidewalk. Inangat ko ang phone ko at binuksan ang camera.

"Smile!"

Madilim sa paligid pero nakita naman ang aming mga mukha dahil sa flash. It was our first real photo together. 

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Where stories live. Discover now