Chapter 31 - Cringe

1.9K 33 3
                                    

"Yiiiie, si ate Savannah may manliligaw."

"Valentine's ba ngayon?"

"Haba ng hair, ah?"

"Kanino daw galing, ate Sav?"

Pinalibutan ng buong team ang lamesa ko dahil sa bouquet of flowers na iniwan sa aking workstation. May taga ibang team rin ang lumapit para maki-chismis.

"Walang nakalagay na pangalan sa card, eh." Sabi ko. 

"Eh, si ate Bea kaya? Kailan kaya bibigyan ni sir Trevor ng flowers?"

"Yiiiie!"

"Hay nako! Ako na naman?" Reklamo ni Beatrice. Nagtawanan ang buong team.

"Guys, please go back to your seats," Tumayo na si Trevor para pagsabihan ang buong team, "Mamaya na kayong magkwentuhan during break. It's time for work."

Bumalik na ang lahat sa kani-kanilang upuan. Tinabi ko na rin ang flowers para simulan na ang pagtrabaho.

Trevor: sinong nagbigay sayo ng flowers?

Biglang nagtext si Trevor. Akala ko ba time for work, sir? 

Me: Hindi ko rin alam. Walang namang name sa card.

Trevor: sa tingin mo sino? :))))))))))

Me: Wala akong idea eh :/ Ikaw may idea ka ba?

Trevor: Hmmmmmmm

Me: Sino nga???

Trevor: ewan ko :)))) wala rin akong alam :)))))

Tinabi ko na ang phone ko, ayokong may makahalata sa akin na nangingisay sa kilig.

All day long, ang daming nagtatanong kung sino ba ang manliligaw ko. Ang sinasabi ko lang sa kanila ay hindi pa ito nagpapakilala sa akin.

"Friend, ang aga ng pa-bouquet kanina, ah? Mukhang bigtime 'yang manliligaw mo," Sabi ni Mel, "Sinong hula mo?"

"Wala talaga akong idea," Sagot ko habang sumubo ng pagkain.

"Sino bang nagpaparamdam sa'yo ngayon?"

"Wala naman eh," Sabi ko, "Siguro dense lang ako pero tingin ko wala namang nagpaparamdam sakin."

Lumipas ang araw na hindi kami nagpansinan ni Trevor. Hindi ko siya tinanong kung sabay ba kami umuwi, hindi rin naman siya nagtetext. Medyo natagalan ako sa pag-uwi dahil sa dami ng nagtatanong tungkol sa manliligaw ko, ang iba nagpapapicture pa sa bouquet.

Sumakay na ako sa bus habang kinakarga ang malaking bouquet. Nagbabakasakali akong magkasabay kami sa bus. Nag-aantay pa ng ibang pasahero ang driver at hindi pa ito umaandar. Chineck ko ang phone ko, hindi siya tumawag o nagtext. Nakatingin parin ako sa pintuan ng bus. 

Maya-maya ay sumakay  na rin sa bus ang taong kanina ko pang hinihintay. Hinihingal siya. Agad niya naman akong nahanap at umupo siya sa tabi ko. 

"Ang ganda naman ng bouquet mo, sinong nagbigay nyan?" Tanong niya sa akin habang nakangisi. Ang babyface talaga nitong si Trevor kahit kailan.

"Hindi ko rin alam, may crush siguro sakin ang nagbigay nito." Sabi ko sa kanya. He smiled my favorite smile. 

Kinuha niya ang bouquet sa kamay ko, "Akin na, baka nabibigatan ka na." Sabi niya. Pagkatapos niyang kunin ang bulaklak, hinawakan niya ang kamay ko at nagnakaw ng halik sa akin. Tumatumbling na naman ang puso ko.

"Ay sorry," Sabi niya, "Masyadong bang cringey?"

"I love you so much I'd do cringey stuff with you." Ngumiti ako sa kanya.

"Ano ba 'yan, Savannah. Na-in love ka lang, ang corny mo na manalita." Inasar niya ako. Kinurot ko naman ang tenga niya. Ang ingay-ingay namin sa buong biyahe.

Magkahawak kamay kaming umakyat sa condo. Doon na siya sa condo ko naghapunan.

"Ako nang maghugas ng plato," Alok niya pagkatapos naming kumain.

"Ako na," Sabi ko.

"Sige na, I wanna help." Sabi niya at pumunta sa tabi ko.

"Okay, just wipe the plates nalang after I wash them."

"Okay po," Kinurot niya ang pisngi ko at nagnakaw na naman ng halik.

"Nakarami ka na, ah." Sabi ko.

"Sorry na. Kanina pa kasi ako sabik na sabik sa'yo. Hindi naman ako makalapit sa'yo sa office." Sambit niya habang nagpupunas ng plato. "Maybe we'll just break the news." Dagdag niya.

"What news?"

"Na tayo na."

Napatingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin. "They might hate me." Sabi ko.

"Ha? Bakit naman?"

"Eh 'di ba? They want Beatrice for you."

Tumigil siya sa pagpunas at inilapag ang plato. Pumunta siya sa likod ko at pinalupot ang kanyang kamay sa bewang ko. "Alam mo Sav, hindi naman kasi importante ang gusto ng iba. Ang importante, ikaw ang gusto ko." He smiled and kissed my head.

"Alam ko naman 'yun. Ang akin lang, 'wag mo silang biglain."

"Okay, fine. I'll take it slow." Sabi niya, "But eventually, I'd have to tell them the truth."

---

"Our top performer for this month is Savannah Fischer. Please get your certificate dito sa harap." Ipinahayag ni Trevor sa harap ng buong team. "This is her third consecutive month as a top performer!" Dagdag niya.

Pumunta na ako sa harap para kunin ang certificate.

"Ang galing, ate Sav! Top Performer na sa trabaho, winner pa sa lovelife!"

"Wow, double congrats pala, Savannah!" Bati ni Trevor. Hindi na ako sumagot at bumalik na ulit sa upuan.

"Oh, baka mapunta na naman sakin ang usapan, ah?" Sabi ni Bea.

"Luh, wala pa kaming sinasabi."

"Sir Trevor, nagpaparinig po si ate Bea."

"Yiiiiie."

"Guys, please stop with all the teasing. I'm already in a relationship with someone else." Sabi ni Trevor.

Natahimik ang buong team, ang iba lumingon kay Beatrice.

"Matagal ko nang alam, guys." Sabi ni Beatrice, "Kayo kasi, ayaw niyong tumigil."

Trevor did tell me na alam na ni Beatrice ang tungkol sa amin. Akala ko magkakagulo, pero chill lang naman pala itong si Bea. Wala naman kasing namamagitan sa kanilang dalawa, they are nothing but old friends.

Nabawasan ng tinik ang aking dibdib dahil sa pag amin ni Trevor sa buong team, kahit na hindi niya direktang sinabi na ako ang karelasyon niya. We're taking it slow, one step at a time. Eventually, I'd have to tell everyone else who knows me. Alam ko na there's gonna be a lot of incoming cringe-worthy teasing but I have to suck it up. I have no choice, na-inlove ako eh.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon