Chapter 6 - Bus Ride

2.2K 31 0
                                    

"Anong year ka na?" Tanong ko sa kanya. It was the third time this week na nagkasabay kami sa bus.

"Graduating," Sabi ni TJ.

"Wow, thesis season pala sa'yo ngayon? Stressful ba?"

"Halata ba?"

"Nope, not at all."

"Seriously?" Napaangat siya sa upuan niya at humarap sakin, "Wala kaya akong tulog halos araw-araw! 'Di ba obvious?"

"Hindi talaga eh. Hindi ko napapansin. Mukha ka lang ano..." Nag-isip ako kung paano ko ilalarawan sa kanya, "Mukha ka lang bata na inaantok pero hindi ka naman mukhang stressed eh."

Ngumiti siya at napakagat sa labi niya. "So I guess it's true, I do have a baby face."

"Ah talaga?" Napaangat ako sa upuan ko, "'San banda ang baby face dyan?" Biro ko.

"Ewan ko sa'yo! Sabi mo kanina mukha akong bata eh."

We've only met a few times and it's never planned. We didn't exchange numbers or social media accounts, sa bus lang talaga kami nagkikita. Pero ewan ko ba't ang gaan-gaan ng pakiradam ko sa kanya. He's like my long lost barkada. Nagclick kami kaagad. We didn't have to exert much effort in generating our conversations.

"Mahirap ba makapasok sa Eastside Sands? How's their entrance exam?" Tanong ko kay TJ.

"Hindi naman. Actually yung two options ko talaga for college was Eastside Sands at Granity pero Granity's not offering Industrial Design so I went with Eastside nalang."

"Wow! So if pinili mo pala ang Granity, we could have been schoolmates!" Sabi ko.

We had numerous random conversations. We mostly geek out about similar interests. We share a love for basketball and even have heated conversations about NBA.

"Sinong paborito mo sa NBA?" Tanong niya sa akin.

"Bean." Sagot ko.

"Bean?" Tanong niya, "Do you mean the father or the son?"

"The son syempre. Hindi ko kaya naabutang maglaro ang papa niya."

"Nice, great choice."

"Paborito mo rin siya?" Tanong ko.

"Hmmm, not really. Sometimes I hate him," Sabi ni TJ. Napatingin ako sa sinabi niya. "Relax, okay? I have nothing but respect for the Mamba."

"Buti naman," Umirap ako sa kanya. "So sinong favorite mo?"

"Hmmm...I'd have to say Steph...or maybe si KD rin."

"Bandwagon ka pala eh, hay nako."

"Oy, hindi ah! I've been a fan of Golden State even before Steph came in."

Huminto na ang bus, it was time for him to get off. "Bye TJ, see you when I see you!" Sinabi ko sa kanya habang pabirong tinulak siya sa kanyang upuan.

"Shit, I forgot to tell you."

"Huh? Ano?" Nagtataka ako kung anong ibig nyang sabihin.

"Samahan mo muna akong bumaba, please?"

"Huh? Bakit?"

"There's no time to explain." Sabi ni TJ at hinala ako pababa ng bus.

Humarap ako sa kanya pagkatapos umalis ng bus, "What's going on?"

"For the next few weeks, I will be on my final phase sa thesis namin. After that, I'm gonna submit it and then after that, I'll deal with our thesis defense." Ipinaliwanag niya sa akin.

"And then after that, gagraduate ka na?" Ngumiti ako sa kanya, "Oh my god TJ, I'm so proud of you! Good job!" I gave him two thumbs up.

"Yeah...thanks. But that's not the point."

"Ano ba kasi yun?"

"Magiging sobrang busy na ako. I will be driving myself to school, hindi na ako magcocommute. It's easier din kasi to bring my projects to school if daldalhin ko ang sasakyan ko."

"Ahhh" Tumango ako.

"I'm telling you this kasi baka magtaka ka na hindi mo na ako makikita sa bus."

"Hay nako, akala ko naman kung ano! Okay lang naman sa akin," Sabi ko, "Ang OA mo ha? Kinaladkad mo pa talaga ako pababa ng bus para lang sabihin 'to sakin."

"Ang daldal mo kasi kanina kaya nakalimutan kong sabihin sa bus." Tinapik niya ng mahina ang noo ko.

"Pwede mo naman kasing-"

"Ano? Itext sa'yo? Remind ko lang ah, hindi ka pa nagbibigay ng number mo." Pabiro nya akong pinagalitan.

"Eh hindi mo naman hinihingi." Mahina kong sinabi.

"Bakit? Ibibigay mo ba?"

"Oo."

"Weh?"

"Oo nga." Napalakas ang boses ko.

"Sabi mo hindi ka basta-bastang nagbibigay ng number mo?"

"Eh sabi mo baka hindi na tayo magkita 'di ba?"

Ngumiti siya. Parang baliw 'tong 'sang to. "Okay." Sabi niya.

Nakangiti parin siya habang tinatype ko ang number ko sa phone niya.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Where stories live. Discover now