Chapter 3 - Stalk

2.7K 37 1
                                    

"Uuwi ka na ba? Kain muna tayo." Aya ni Cathy sa akin habang inaayos ang kanyang libro. It's my 7PM class, my last class for the day. Kakatapos lang namin sa aming midterm exam.

"Mauna na ako, Cath. Sa bahay nalang ako kakain." Sagot ko. Pagod na ako at gusto ko ng umuwi agad. 

Paglabas ko ng classroom, I saw someone na nakaantay malapit sa pintuan. He was leaning his back on the wall. He smiled when he saw me. Siya na naman? Ba't siya nandito?

"Hi, Van! Kumusta 'yung exam nyo?" Tanong ni Lucas. Hindi ko siya sinagot at patuloy na naglakad. Hindi nya parin ako tinatantanan, he wants to get my phone number so bad. Masyadong desperado.

"Last class mo na ba 'to? Uwi ka na?" Tanong niya habang bumababa kami ng hagdanan. Diretso lang ang paglalakad ko.

"Yep, I'm going home. If you need anything, bukas nalang." Sabi ko.

"Hindi ka ba kakain muna?"

"Sa bahay na ako kakain."

"Magcocommute ka ba? Pwede kitang ihatid. I brought my car today. San ba 'yung sa inyo?"

"Thanks, but no thanks. Magbubus ako," Lumabas na kami sa portal ng campus. Sumunod parin siya sa akin hanggang sa bus stop.

"Sure ka ba na may bus pa sa oras na 'to?" Tanong ni Lucas.

"Meron pang bus ngayon. It's still 8, around 11 ang biyahe ng last bus." Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya? Can't he just leave me alone? 

Mabuti nalang at parating na ang bus na sasakyan ko pauwi, I can finally get away from him.

"Mauna na ako, Lucas." Humakbang ako sa hagdanan ng bus at hindi ko na siya liningon.

I was still trying to find a seat nang nakita ko syang nakasakay na sa bus. He smiled at me. Biglang nanghina ang tuhod ko. Malakas ang pagkabog ng aking puso, nararamdaman ko ring namumutla ako.

Bakit siya sumakay ng bus? Ano ito, sinusundan niya ba ako? Paano kung may gagawin siya masama sa akin? Paano kung.... 

Hindi na ako nag-aatubiling maghanap ng mauupuan na may katabi. Ayokong mapag-isa kasama si Lucas. Umupo kaagad ako sa may likuran ng bus na may nakaupong lalaki with his earphones. Mahina akong umupo sa tabi niya para hindi maisturbo ang tulog niya. Wala na masyadong tao sa loob ng bus kaya mabilis nakahanap si Lucas ng upuan malapit sa akin. He sat a seat next to me sa kabila. Aisle lang ang nakapaghiwalay sa aming dalawa.

"Ba't ka sumakay ng bus? Akala ko ba may sasakyan ka?" I tried to sound calm.

"Sabi ko sa'yo, 'di ba? Ihahatid kita." Ngumiti siya sa akin. Tumango lang ako. Kinuha ko ang phone ko and secretly texted my mom. 

Me: Mom san na kayo?

Mom: still stuck in traffic. pauwi na rin kami anak! tumawag na rin ako sa bahay, nakaluto na si manang ng hapunan.

Me: Can you send someone sa bus stop? I need help.

Mom: marami ka bang dala? teka tatawag lang ako sa bahay para may susundo sayo dun.

Me: Mom, dont freak out okay? Its just a hunch but I think someones stalking me. I cant be alone pagbaba ko sa bus stop. 

Hindi nagtext back ang mom ko sa puntong iyon. She must be calling someone sa bahay.

"Sino ba 'yang tinitext mo?" Biglang nagsalita si Lucas. Inadjust ko kaagad ang brightness ng phone ko para hindi niya mabasa kung ano man ang makita niya sa screen ko.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Where stories live. Discover now