Chapter 22 - Grab

1.8K 30 2
                                    

"Sir, may malapit po ditong restaurant na may Samgyupsal, pwede po tayo dun." Rekumenda ng isa kong team mate. It's Friday at patapos na ang araw. Ngayon gaganapin ang aming team celebration.

"Saan? 'Yung katabi ng 7-Eleven? Nako 'wag po dun sir, ang daming tao tapos ang init-init pa. Wala silang aircon dun." Iminungkahi ng isa.

"Dun nalang tayo sa paanan ng Cypress Heights," Nagsalita si Beatrice, "'Di ba maraming restobars dun na open magdamag?"

"May samgyupsal ba 'dun?" May nagtanong sa team.

"Meron! Actually maraming pwedeng pagpilian dun kaya tara na!" Sabi ni Beatrice.

"Bea, hindi ba masyadong malayo ang Cypress Heights?" Tanong ni Trevor.

"May sasakyan naman ang mga tao dito, 'di ba?" Tanong niya, "Kaya let's go." Wala ng nagreklamo kaya sumunod na ang lahat sa kanya pababa at nagtungo sa parking lot.

"So who's riding with who?"

"Kay Trevor ako sasakay," Sabi ni Beatrice. Napatingin si Trevor sa kanya. "I didn't bring my car kasi today, Trev." Dagdag niya.

Nagsalita na rin ang iba kung saan sila sasakay. Wala naman akong ka-close sa buong team kaya hindi ako nakaimik. Unti-unti na silang pumasok sa kani-kanilang sasakyan. Nakasakay na si Beatrice sa frontseat ng sasakyan ni Trevor.

"Savannah, dito ka nalang sumabay sa amin." Sabi ni Trevor. Nagmamadali siyang pumasok sa driver's seat at pinaandar ang kanyang sasakyan. I was facing the passenger's seat kaya di ko siya makita.

"Trev, puno na tayo dito," Sabi ni Beatrice kay Trevor at pagkatapos ay humarap sa akin, "Sav, dun ka nalang sumabay kina Jelly, puno na kami dito eh."

'Sav'?  Excuse me, hindi tayo close. "Sige, no problem. Mauna na kayo, para makapwesto kayo agad doon." Sabi ko.

"Sure ka ba, Sav?" Tanong ni Trevor.

"Oo. Sige na, mauna na kayo." Sabi ko at humakbang papunta sa sasakyan nila ni Jelly.

"Ate Savannah, puno na kami dito," Sabi ni Jelly.

"Ah ganun ba?" Ano ba naman 'to? Nagmumukha na akong kawawa dito. Wag nalang kaya akong pumunta? "Ah, sige Jel. Mauna nalang kayo. Magbobook nalang ako ng Grab." Sabi ko sa kanila. 

Umalis na silang lahat, ako nalang ang naiwan. Pumunta ako sa harap ng building para mag-antay ng binook ko na Grab.

3, 250 php ang pamasahe papuntang Cypress Heights. Mabuti sana kung mayaman ako noh? Kasalanan talaga ito ni Beatrice eh. Ang layo-layo pa talaga ng sinuggest na kainan eh marami namang mas malapit dito sa syudad. Shit, ito na naman ako't naninisi. I really should stop this.

Mga naka-anim na missed calls sa akin si Trevor. Ayoko siyang makausap kaya hindi ko sinasagot ang mga tawag niya.

Trevor: san ka na?

Trevor: bat hindi ka sumakay kina Jelly?

Trevor: papunta ka na ba?

Trevor: ikaw nalang ang wala dito :( hindi kami kakain kapag wala ka pa :(

Trevor: san ka na ngayon? sunduin kita

Hindi ko rin sinsagot ang mga text niya. Ewan ko sa'yo, magutom kayo dyan!

"Kuya, dito nalang po." Sinabi ko sa Grab driver habang inabot sa kanya ang pamasahe. Mag-aalas otso imedya na. Bumaba na ako at pumunta sa restaurant na tinext sa akin ni Trevor.

"Yey! Finally, nandito na si ate Savannah!"

"Orayts! It's time to eat!"

Lumapit ako sa kanilang table. Tinawag ako ni Trevor na tumabi sa kanya. Nakaupo siya sa dulo ng table. Katabi niya rin si Beatrice.

"Sige Trev, dito nalang ako." Sinabi ko sa kanya at pagkatapos ay umupo nalang sa kabilang dulo ng table, malapit sa may pintuan.

Nagsimula na kaming kumain. Napaka-ingay sa table namin. Madaming halakhakan at kung anu-ano pa. Hindi ako nakisali sa mga pinapag-usapan nila, kain lang ako ng kain. Naramdaman kong nakatingin sa akin si Trevor, o baka feeling ko lang 'yun. Hindi ko masabi kasi hindi naman ako nakatingin sa kanya o sa kahit sino. Nasa pagkain lang ang mga mata ko.

"Alam nyo ba itong Team Lead natin ay marunong kumanta?" Sabi ni Beatrice, nagsigawan na naman ang lahat. "Kapag may nililigawan siya nung college ay hinaharanahan niya talaga." Dagdag niya.

"Loverboy pala itong si sir, eh!"

"Sample! Sample! Sample!"

"'Wag na, nakakahiya dito." Sabi ni Trevor. Pinilit parin siya ng buong team.

"Oy, wala akong kasalanan diyan ah?!" Sabi ni Beatrice.

"Next time nalang, guys. Sige kapag may major event sa kumpanya, kakanta ako." Pangangatwiran ni Trevor. Hindi na sila nagreklamo.

Ang dami parin nilang pinag-usapan, mostly ang mga reklamo nila sa mga nakakairitang clients. Chineck ko nalang ang phone ko since tapos na akong kumain. Ang dami ko na palang natanggap na text galing kay Trevor.

Trevor: hinay hinay lang sa pag kain :)

Trevor: parang malungkot ka? :( tabi ka kasi dito sakin :(

Trevor: masyado ba kaming maingay? sorry pinapakisamahan ko lang ang mga bata, baka sabihin nila na KJ ako na Team Lead hahaha

Trevor: pagod ka ba? gusto mo na bang umuwi?

Trevor: ako maghahatid sayo ah? sakin ka na sumakay

Hindi ko parin siya sinagot. Tama siya, pagod na ako. Ayoko na dito at gusto ko nang umuwi. Binaba ko ang phone sa lamesa at tumayo sa aking upuan, "Guys, pwede bang mauna na ako? Medyo pagod na rin ako eh." Sabi ko sa grupo.

"Mabuti pa nga na umuwi na tayong lahat, gabing-gabi na," Sabi ni Trevor na tumayo din sa kanyang upuan, "Tapos na ba kumain ang lahat?" Tanong niya.

"Sir, maaga pa po! Bago pa lang nag-10."

"Mahaba ang byahe natin pabalik kaya kailangan na nating umuwi." Sagot niya.

Sumakay na silang lahat sa kung saan man sila nakasakay kanina.

"Savannah, sumabay ka na sa amin." Sabi ni Trevor.

"Trev, 'di ba puno na tayo?" Tanong ni Beatrice.

"Malaki pa naman ang lugar sa front seat eh, umusog ka nalang Bea, magtabi kayo sa frontseat."

Nakita kong nainis si Beatrice sa sinabi ni Trevor kaya nagsalita na ako. "Trev, sige na, mauna na kayo. Magbobook nalang ako ng Grab."

"Ha? Hindi ba masyadong magastos 'yun?" Tanong ni Trevor.

"Hindi, okay lang. May dadaanan din kasi ako." Sabi ko para makumbinsi siya.

"Okay na daw, Trev. Tayo na!" Sabi ni Beatrice. Nag-aalala parin siyang nakatingin sa akin habang na sa driver's seat.

"Sige na Trev, mauna na kayo. Tingnan mo oh," Inangat ko ang phone ko at ipinakita sa kanya. "Nakabook na ako. Papunta na 'yung Grab dito." Nakumbinsi ko naman siya. Umalis na sila at ako na naman ang naiwan.

Nag-expect ako na susuyuin niya ako, na kokontrahin niya si Beatrice at pipilitin niya ako na sumabay sa kanila. Pero hindi niya ginawa. 

Napatingin ako sa phone ko, at napatingin din ako sa paligid. Mas maganda pala ang lugar na ito kapag gabi. Tinanaw ko ang mga nakalinyang restobars na bukas pa sa oras na ito. Naalala ko noong una naming bisita dito sa Cypress Heights. Hindi ko napansin ang mga restobars dati. Siguro dahil sarado pa ang mga ito dahil maaga kaming dumating sa lugar noon.

Tumingin ako sa taas ng bundok. Ano kaya ang itsura ng Nature's Park sa taas kapag gabi? Kinuha ko ulit ang phone ko at kinancel ang aking booking sa Grab. Naisipan kong umakyat sa Nature's Park at tumambay muna sandali doon.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя