Chapter 17 - Trevor

2K 35 0
                                    

"Mel, I'll take it from here." Tinapik ni Trevor si Mel.

"Sige Trev," Sabi ni Mel, "Sav, kita nalang tayo this lunch." Kumaway na siya sa akin at lumipat na sa workspace ng team niya.

Lumapit si Trevor sa desk ko. Umupo na ako. Iba pala talaga ang epekto nitong eye contact. Napansin ko kaagad na hindi siya tumitingin sa aking mga mata. Humila siya ng isang office chair at tumabi sa akin.

"May tinuro na ba si Mel sa'yo tungkol sa work process namin dito?" Tanong niya habang kinuha ang mouse ng computer ko. Nakatingin lang siya sa monitor.

"Sabi niya ikaw daw 'yung magti-train sa akin. Umikot lang kami sa buong kumpanya last week. She mostly just introduced me to some people. 'Yun lang." Sagot ko sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. "Sabi ko naman sa kanya ituro sa'yo ang basics eh, tss." Bulong niya sa sarili, na parang nagpaparinig din sa akin.

"Ah, okay lang! Magpapatulong nalang ako kay Mel. Teka, tatawagin ko lang siya⁠—"

"'Wag na," Sabi niya. Patayo na sana ako, at umupo nalang ulit nang nagsalita siya.

"So...paano 'yan? Wala pa akong alam sa proseso dito."

"'Wag mo nang guluhin si Mel, busy 'yung tao," Sabi ni Trevor, "Besides, nandito na ako. Hindi na kita pwedeng pakawalan."

"Ha?" Napatingin ako sa kanya.

Umiling siya, halatang nairita sa reaksyon ko. "What I mean is, hindi na kita pwedeng pakawalan. You're directly reporting to me. I can't let you go around the building under unauthorized break. Nandito tayo para magtrabaho, hindi para mamasyal."

Wow, daming sinabi. "Defensive neto," napabulong ako.

Tinuruan niya ako kung paano at kung saan mag-upload ng finished projects at kung saan din magdownload ng raw files. Medyo nalilito parin ako kasi ang dami niyang tinuro sa first half ng araw. Hindi ko kaagad na absorb ang mga tinuro niya. Lagot ako nito.

"Kumusta ang training natin, Sav?" Tanong ni Mel habang nakaupo kami at kumakain.

"Medyo naguguluhan pa ako," Sabi ko, "Mel, pwede bang ikaw nalang ang magturo sa akin?"

"Ha? Bakit? Nako 'wag kang ma-intimidate dyan kay Trevor. Kahit hindi yan ngumingiti, mabait na bata 'yan! Itanong mo nalang ulit sa kanya kung saang parte ka nalilito. Hindi naman 'yan magagalit. He'll be more than happy to help you."

Tumango nalang ako. Naalala ko ang sinabi ni Trevor. May hinahandle din na team si Mel, malamang busy talaga siya.

Nag-assign na si Trevor ng pinakauna kong project. Hindi na siya lumapit sa akin. Busy na rin kasi siya sa pagtulong ng iba sa team namin.

Hapon na ng natapos ko ang aking unang proyekto. Nagsimula nang magsilabasan ang mga tao. 9-5 lang ang schedule namin. It's already 5:17PM. Pwede namang manatili pa after 5PM kung may tinatapos pa. Tapos naman na ako, i-uupload ko nalang ito. Hindi parin ako sigurado kung saan dapat mag-upload ng finished projects. Gusto ko sanang magtanong sa teammates ko pero umuwi na sila. Hinanap ko rin si Trevor sa desk niya pero wala siya doon.

In-upload ko nalang ang project kung saan ay sa tingin ko ang tama. Pagkatapos na-upload ng files ay umuwi na ako kaagad.

---

Marami-rami na rin ang binibigay na projects ni Trevor sa akin. Nasanay na rin ako sa trabaho at naging mas mabilis ang aking proseso.

 Tinatrabaho ko ang pangalawang project ko for the day ng lumapit si Trevor sa akin. "'San mo in-upload ang projects na natapos mo?" Tanong niya, ni-hindi man lang niya tinawag ang aking pangalan.

Nataranta ako, "Ha? Uh, teka," Hinanap ko yung site kung saan ako nag-upload. "Dito." Sabi ko at ipinakita sa kanya ang site.

"What? You're uploading the files on the wrong drive!" Napasigaw si Trevor. Napatigil ang lahat ng nasa office at napatingin sa amin. Shit, this is the disadvantage of an open workspace. Kung may eskandalo, nadadamay ang lahat.

"Ha? 'San ba dapat...?" Nanghina ako.

Hinilot niya ang kanyang noo at nag-igting ang kanyang panga. He looks completely pissed off.

"Tinuro ko sa'yo, hindi ba?" Sabi niya at inagaw ang mouse sa kamay ko. Nagtype siya ng mabilis sa site address at ipinakita sa akin. "Dito ka mag-upload! Hindi ka ba nakikinig? Akala ko ba cum laude ka? Ang dami mong sablay!" Pinagalitan ako ni Trevor. Nakatutok lang ako sa monitor. Ayokong makita ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao.

Nagkulong ako sa CR sa buong tanghali. Doon ako naglunch break. Hindi ako kumain. Sinabi ko lang kay Mel na sumakit ang tiyan ko. Gusto ko lang mapag-isa.

Hindi ako iiyak. Hindi dapat ako iiyak, pero may namumuong luha sa aking mga mata dahil sa galit. Pinunasan ko nalang ang aking pisngi at inayos ang buhok ko. Ni-retouch ko ang aking makeup at bumalik na rin sa station ko.

--

It was a Saturday at may shoot ako with a coffee brand. Late na kaming natapos sa photoshoot. Masaya ang shoot today, madami kasi kaming kasama na bading sa set. Nagpahatid ako sa kaibigan kong bading sa condo kasi ang dami kong dala. Nagpaalam na rin siya ng nakapasok na ako sa building.

Mabilis akong naglakad patungo sa elevator lobby, gutom na rin kasi ako. It's half past 9 at hindi pa ako naghapunan. Habang naghihintay ako na bumaba ang elevator, naabutan ako ni Trevor sa lobby. Nag-aantay din siya ng elevator. Hindi kami nagpansinan.

Pumasok na siya agad pagbukas ng elevator. Sasabay ba ako sa kanya?

"Aren't you coming?" Tanong niya nang nakitang hindi pa ako sumakay.

"Ah, hindi na. May nakalimutan kasi ako." Sabi ko. Nagpanggap akong umalis. Nung nakita ko na na nagsara na ang elevator ay bumalik na ako kaagad sa pag-aantay.

"'San ka ba galing?" May bumulong sa likod ko.

"Putangina!" Napamura ako sa gulat. Natapon ko tuloy ang mga dinadala ko. It was Trevor. Hindi ba siya sumakay ng elevator?

"Tss." Umirap ako. Hindi na ako nagsalita. Pinulot ko nalang ang mga natapon kong gamit. Lumuhod din siya para tumulong sa pagpulot.

"Ako na," Sabi ko sa kanya at hinablot ang mga pinulot niya. "Cum laude ako, 'di ba? Kaya ko na 'to. Di ko kailangan ang tulong mo." 

Natapon ko ulit ang mga pinulot ko dahil sa inis. Ba't ba palaging nahuhulog 'tong mga dinadala ko? Mag-cooperate naman kayo, oh?! Tumulong ulit si Trevor. Hindi na ako nag reklamo.

Bumukas ang elevator. Sumakay na agad ako. Wala na akong pake kung magkasabay man kami. Gutom na ako. Pinindot ko na agad ang 7th floor. Walang nagsalita sa amin habang paakyat ang elevator.

Sumunod siya sa akin paglabas ko ng elevator. Dala niya parin ang mga pinulot niya. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Akin na." Sinabi ko ng mahina.

"Hindi, okay lang. Pwede naman kitang tulungan⁠—"

"Akin na sabi eh!" Sinigawan ko siya. Linagay na niya ang mga napulot niya sa kamay ko.

"Umalis ka na." Sabi ko. Mahinahon siyang tumalikod. Hindi parin ako umalis sa kinatatayuan ko hangga't hindi siya nakasakay ng elevator. 

Nang nakasakay na sya, binitawan ko na agad ang mga dinadala ko. I broke down and cry.

Galit, gutom, pagod, hiya...lahat ng ito ang nakapagpa-iyak sa akin. Kanina lang ay tumatawa ako sa set. This was supposed to be a happy day, ang bilis nagbago. How could he ruin it so effortlessly?

Eto na naman ako, naninisi. Kasalanan ko naman talaga 'to, kasalanan ko ang lahat, as usual.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Where stories live. Discover now