Epilogue

2.7K 37 1
                                    

"Mom, please show Baby Dirk to the camera. I miss him already." Nagvivideo call kami ng mom ko habang nakahiga ako sa kama.

"Eto oh, tulog na tulog." Sabi ni Mom habang hinaharap ang mukha ng anak ko sa camera.

"Kailan ulit kayo uuwi, anak?" Tanong ni Mom.

"This Friday na po." Sagot ko.

"Sige, matulog na kayo dyan. Matutulog na rin ako dito baka magising pa itong alaga ko."

"Okay sige, Mom. Goodnight, love you!"

 Tinabi ko ang phone ko at humiga na sa kama. Maya-maya ay lumabas na si Trevor sa CR habang pinapatuyo ang kanyang buhok.

"Last day na ng convention kanina, 'di ba?" Tanong ko sa kanya. Nasa Japan kami para dumalo sa isang design convention. Tatlong araw lang ang convention but we extended for another three days para mamasyal sa Japan.

"Yep, last day na today. Pwede na tayong mamasyal bukas." Sagot niya. Pinatay na niya ang ilaw at humiga sa tabi ko.

"Nagkausap ba kayo ni mama? Kumusta daw si Baby Dirk?" Tanong niya habang nakapalupot ang kanyang kamay sa aking bewang.

"Ayon, tulog na tulog." Sagot ko.

"Mabuti naman at hindi niya pinapahirapan ang lola niya." Tumawa siya. Pumikit na ako para matulog.

"Mahal?" Bulong niya sa akin.

"Hmm?"

"Wala naman na tayong dadaluhan na convention bukas, 'di ba?"

"Oo, bakit?" Tanong ko.

"Gusto mong sundan si Baby Dirk?"

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Dinukot ko ang mga labi niya at pumasok kami sa kumot. Baka mapupuyat na naman kami sa gabing ito.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Where stories live. Discover now