Chapter 1 - Savannah

5K 46 0
                                    

"Hello everyone, my name is Savannah Fischer. I hate it when people call me Savannah so please just call me Van. I'm currently on my second year as an Advertising Arts student and...uh..." Napatingin ako sa aking mga kaibigan na kanina pa nagpipigil ng kanilang tawa, "...graphic design is my passion."

--

"Ok, nasaan na ang 500 ko?" Tanong ko sa kanila pagkatapos kong magsalita sa harap ng klase. Nilahad ko ang aking palad habang nag-aantay ng unang magbigay sa akin ng 500php.

"Char Van ah, I really wasn't expecting you to say that," Sabi ni Angel habang nakangisi. Siya ang unang nag-abot ng 500php bill.

"Graphic design is my passion," Tawang-tawa si Jake habang ginagaya ang sinabi ko kanina, "Ang ganda pa ng pagkadeliver kanina! With emotions pa talaga, hanep!"

"You can't win on a bet against Van, lalo na kapag dare kasi hindi talaga nyan uurangan ang kahit anong hamon." Dugtong ni Gab na tumatawa din.

It's the first day of school. Medyo magulo pa ang mga classes namin. Minsan, hindi kami sinisipot ng Prof. Kapag sinipot naman, hanggang introduction lang sa isa't isa bago kami ididismiss ng maaga. Kaya marami kaming oras ng mga kaibigan ko para tumambay sa iba't ibang sulok ng campus.

"Psst, Van. Tignan mo oh, may gwapo." Kinalabit ako ni Angel habang busy akong nagti-Twitter sa phone. "Ngayon ko lang naaninag ang mukha niya, freshman siguro? O di kaya transferee?"

"Hay nako! Asa ka pa dyan kay Van, eh hindi yan nagkakagusto sa lalaki." Sabi ni Jake habang nilalaro ang kamay sa gitara niya.

"Baka naman kasi babae ang hanap nyan!" Dagdag namin ni Gab.

"Hoy, tumigil nga kayo!" Pagtanggol ni Angel habang nagtatawanan sina Jake and Gab, "Boyish lang si Van pero for sure nagkakagusto parin yan sa lalaki."

"Ano ka ba Angel, chicks hanap ng kaibigan natin, hindi lalaki! Ano, panibagong bet?" Lumingon si Jake kay Gab, "Ano, Gab? Magkanong ipupusta mo?"

"Guys, excuse lang ah? Baka nakalimutan nyung nandito pa ako. Rinig na rinig ko kayo dito," Umirap ako sa kanila. 

Nagbabangayan na naman kami pero sa huli, nagtawanan lang kaming apat.

I love my friends, pero minsan nakaka-offend iyong mga assumptions nila sa sexual orientation ko. I prefer not to label it. Yeah sure, I dress and act boyish but that's because I'm more comfortable with dressing simple. I even wear makeup at times, but not as frequent as everyday. Siguro nasasabi nilang 'boyish' ang mannerism ko kasi hindi ako madaldal. Siguro minsan nagiging madaldal din ako kapag ang napapag-usapan ay patungkol sa basketball. Other than that, I'm usually lowkey.

Sa aming apat na magbabarkada, si Angel ang nagsisilbing muse sa amin, which means I am one of the boys. But still, Angel treats me like how she normally treats her female friends. Siya din ang pinaka-close ko sa tatlo. Alam niya na there was a time I got a crush on a bunch of guys, and when there was a time na nagka-crush din ako sa babae. They weren't all that serious, really. It was all in high school.

Alam din ni Angel na marami na ang nanligaw sa akin, isa na si Jake doon. At alam din niya na ni-isa, wala akong sinagot. Jake and I are cool now, and mas naging matalik pa kaming magkaibigan noong nabuo ang barkada namin during our senior year in high school.

"Mauna na ako guys, may klase pa ako." Tumayo na ako at naglakad sa next class ko. Medyo nahuli ako sa pag-enroll ng ibang subjects kaya hindi ko makakasama ang mga kaibigan ko sa ibang classes. 

Nang makapasok na ako sa classroom, agad akong naghanap ng mauupuan sa likuran. Unti-unti naring nagsidatingan ang mga kaklase ko.

"Hi miss, may nakaupo ba dito?"

Napatingala ako sa lalaking kumausap sa akin. Tinuturo niya ang arm chair sa tabi ko. 

"Ah, wala." Absent-minded na pagkasagot ko.

"Nice. May I sit here?" Tanong niya. Ang sarap sabihin na ayoko, pero tumango ako. Sana lang hindi siya ang type ng lalaki na naglalagay agad ng malisya sa mga simpleng bagay. Allergic ako sa mga ganun.

"Nathan nga pala." Sabi niya sabay abot ng kanyang kamay. 

"Van," Sagot ko at tumango lang, iniwan ang kanyang kamay sa ere. Hindi ko siya tiningnan.

"Nice, hard-to-get," Napabulong siya sa kanyang sarili, as if hindi ko maririnig. Sinasabi ko na nga ba eh, may malisya na naman ang pagtabi niya sa akin. 

God, I don't want to break any more hearts. Alam kong basted din ang kinahihinatnan nito.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Where stories live. Discover now