Chapter 8 - Fifth

2.2K 33 0
                                    

"TJ, this is Gab and Jake," Ipinakilala ko si TJ sa dalawa. "Siguradong magkakasundo kayo netong si Jake. Paborito niya rin kasi si Kevin Durant."

"Wow, paborito niya rin pala si KD?" Tanong ni Jake sa akin. Humarap siya kay TJ para ilahad ang kanyang kamay, "Hi kuya, nice to mechuu." Humarap si TJ kay Jake para makipagkamayan. Bahagyang ngumingisi ang dalawa.

"Anong kuya? OA mo Jake ah." Sabi ko.

"Bakit? Sabi mo graduating na siya?" Tanong ni Jake.

"So? Kung makapag-'kuya' ka naman kala mo ang tanda neto," Sinungitan ko siya, "Binibaby ko pa nga 'to eh." Ginulo ko ng kaunti ang buhok ni TJ habang sinasabi yun.

"Binibaby?" Tanong ni Gab. Natulala ang mga kaibigan ko.

"Mali ang iniisip 'nyo, okay?" Sabi ko, "Ang ibig kong sabihin, literal na bata ang tingin ko sa kanya. Para ko naring nakababatang kapatid 'to eh. Tingnan mo oh, baby na baby ang mukha."

"Relax ka lang Van, 'wag masyadong defensive!" Sabi ni Jake, inirapan ko siya.

"So inaamin mo na na babyface ako?" Malambing na bulong ni TJ habang linalapit ang mukha niya sa akin. Inirapan ko din siya at mahinang tinulak ang mukha niya palayo.

Tumikhim si Gab ng malakas.

"Si Gab naman," Ipinagpatuloy ko, "Magkakasundo kayo kasi pareho kayong conyo."

"Ako? Conyo?" Tanong ni Gab.

"Oo nga, Gab. Conyo mo minsan," Sabi ni Jake, "Bawasan mo kasi ang pag-ienglish."

"Anyways, eto naman si Angel. She's our muse," Sabi ko kay TJ, "I'm one of the boys kasi." Dagdag ko.

"Hi TJ, nice to meet you." Sabi ni Angel. Tumango si TJ at nakipagkamayan sa kanya.

"So guys, si TJ yung kinukwento ko sa inyo na taga-Eastside at nakakasabay ko sa bus." Sabi ko.

"Maganda bang mag-aral sa Eastside? Marami bang gwapo dun?" Tanong ni Angel. Tumawa lang ng mahina si TJ.

"Ano ba yan, Angel! Lalaki nalang ba palagi ang iniisip mo?" Tanong ni Gab.

Walang pasok ngayon. Sa café lang kami tumatambay. Naisip ko munang panandali-ang iwanan si TJ sa mga kaibigan ko para kilalanin nila ang isa't isa ng mabuti. Awkward if nandito ako. Sa akin lang kasi nakikipag-usap si TJ. Parang nahihiya pa siya sa mga kaibigan ko. Ganoon din sila Angel, Gab and Jake, nahihiya din silang makipag-usap kay TJ kahit extroverted ang mga ito. It takes time, I guess. First time pa naman nilang na-meet ang isa't isa. I should just be patient.

Paalis na kami ng café. Nasa table pa kaming apat para hintayin si TJ na nasa counter. He's paying our bill since libre niya naman ito.

"Guys, thank you talaga at dumating kayo," Sabi ko sa mga kaibigan ko, "I know medyo awkward kasi nagkakahiyaan pa kayo."

"Medyo intimidating din kasi siya tingnan kapag hindi nakasmile, Van." Bulong ni Jake.

"Hindi naman siya intimidating, matangos lang talaga ang ilong niya kaya siguro na-iintimidate ka." Biro ni Angel. Tumawa kaming apat.

"Alam mo Van, para hindi na magkahiyaan, bunyagan nalang natin siya." Sabi ni Gab.

"Oo nga noh," Humarap si Angel kina Gab, "Nawawala ang hiyaan if we're under the influence of alcohol."

"Yes naman, let's get drunk!" Pumalakpak si Jake.

"Anong bunyag? Mga ulol! Mas matanda pa nga yan sa atin eh, baka mas may experience pa yan sa inuman." Mahina kong sinabi sa kanila. Tumingin ako sa harapan nang nakita kong papunta na si TJ sa table namin.

Tumayo ako, "Ano, tara?"

"Tara." Sabi ni TJ.

"Dude, teka." Sabi ni Gab. Humarap sa kanya si TJ.

"Ano 'yun?"

"Libre ka ba bukas? Let's go drink tomorrow night, para na rin...you know..." Tumangin siya sa amin at humarap ulit kay TJ, "So we can get to know each other better."

"Sure, sounds cool!" Sabi ni TJ.

The last time I got drunk was during my 18th birthday. Low tolerance ako pagdating sa alak. Ilang baso lang, tumba agad ako. Pero hindi ko tinatanggihan kapag nag-aaya ang mga kaibigan ko. Masaya palagi ang inuman kapag sila ang kasama.

It's my second glass of beer. Nahihilo na ako. Hindi ko alam kung bakit ako tumatawa pero nakakatawa talaga ang mukha ni Jake. Sa labas kami ng restobar nag-iinuman. Ang ingay ng mga kaibigan ko. Tawa lang ako ng tawa. Si TJ naman, nakahawak lang ng baso niya na para bang hindi tinatablan ng alak. Nakatingin siya kay Gab at tumatawa din.

"Trevor Lopez," Malakas ang boses ni Gab, halatang lasing na, "Yun ba yung pangalan mo, dude?" Tanong niya kay TJ.

"Junior," sabi ni TJ, "May 'Junior' sa huli."

"Okay! Trevor Jr. Lopez, A.K.A. TJ," Natawa nalang si TJ kasi mali parin ang pangalan niya. Ipinapatuloy ni Gab, "I now officially pronounce you as the fifth member of our barkada!" Tinaas ni Gab ang kanyang baso at nakipagcheers sa mga kaibigan ko. Parang baliw lang.

Tumunog na ang alarm ng phone ko, it's 10:30PM. "Guys, uwi na tayo. I need to be home by 11." Sabi ko habang nahihilo parin.

"May nagsasalita ba?" Tanong ni Jake na sabog na rin.

"I can't hear anything, man." Sagot naman ni Gab.

"Bakit ba ang pangit mo, Jake?" Umiiyak si Angel. Iba talaga ang naiidulot ng alak sa mga kaibigan ko. Gusto kong matawa pero nahihilo na talaga ako.

"Mauna na kami, guys." Biglang tumayo si TJ at pumunta sa akin, "Tara na? Kaya mo pa bang maglakad?"

"Umiikot ang earth." Hindi ko na naintidihan ang sinabi ko. Medyo hindi ko na natandaan ang nangyari. Nakita ko nalang na kinakarga na ako ni TJ pagdilat ko. Pinaupo niya ako sa frontseat ng sasakyan niya at linagyan ng seatbelt.

"TJ, I need to be home before 11." Mahina kung sabi sa kanya habang umiikot parin ang mundo ko. 

"Shit!" Napamura siya habang nakaupo na sa driver's seat, "Van, we have a problem."

"Ano?" Tanong ko habang nakapikit.

"I don't know where you live." He rummaged through his phone, "Can you locate sa Google Map kung saan ang bahay nyo?"

Pinindut-pindot ko lang phone niya, I can't focus. Napabuntong-hininga siya and lowered his head. "This isn't working." Sabi niya.

He finally started the car, "Ihahatid nalang kita sa bus stop malapit sa inyo. We'll just figure things out pagdating natin dun." That was the last thing I heard him say bago ako nakatulog.

I went in and out of consciousness dahil sa sakit ng ulo ko, hindi ako makatulog ng mahimbing.

"Van, we're here." Marahan niya akong tinapik. I was still half-asleep. He sighed at bumaba na sa sasakyan at binuksan ang pinto ko. Inalis niya ang seatbelt ko at muli akong kinarga. I faintly heard him lock the door and continued walking. 

Tumigil siya sa paglalakad, "Magandang gabi po, pwede pong magtanong?" Narinig kong sabi niya. "Saan po dito ang bahay ni Savannah Fischer?"

"Bahay nino daw?" May narinig ako nagsalita.

"Bahay nila Sir Fischer siguro."

"Dumiresto ka lang hijo tapos kumaliwa ka sa pangalawang iskinita. Yung unang bahay na malaki na may itim na gate, sa kanila yun."

"Okay, maraming salamat po!"

Yun lang ang natadaan ko. Pagdilat ko, nasa kama na ako. Kinumutan ko nalang ang aking sarili at pinagpatuloy ang aking pagtulog.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Where stories live. Discover now