Chapter 28 - Achiever

1.9K 37 2
                                    

"Let's all congratulate Savannah Fischer, she is our Top Performer for this month," Ipinahayag ni Trevor sa harap ng buong team habang nakahawak sa certificate, "Savannah, please get your certificate dito sa harap."

Tumayo na ako at kinuha ang certificate. Nagpalakpakan ang lahat. I've been working so hard all month para makuha ang inaasam kong Monthly Top Performer award. And I'm not satisfied, masusundan pa ito. I want to be the overall Top Performer for the whole year. Sounds ambitious pero ganito naman talaga ang mindset ko kahit noong nag-aaral pa ako. I hate to be second best. And I can only achieve all these if I stay away from distractions. Hindi na ako nagpapaapekto kay Trevor at sa kung ano man ang meron kami.

"Bea, anong oras ka uuwi today? Mag-oovertime ka ba?" Tanong ni Trevor.

"Hindi naman, bakit?" Sagot ni Beatrice.

May inaayos siya sa kanyang desk at sumagot, "Sabay na tayo umuwi." 

"Yiiiiiiie!"

"Shet, kinilig ako!"

"Date na 'yan!"

Nope, I guess mali ako. Naaapektuhan parin ako. Sana may switch nalang itong puso ko, I want to turn off these unwanted feelings for good.

Angel: Van! Hi!

Biglang nagpop-up si Angel sa aking Facebook Messenger. Sinagot ko kaagad.

Me: Hello Gel! :)

Angel: may itatanong sana ako sayo Van wag ka sanang mabigla

Me: Sige ano yun?

Angel: uuwi sina Gab at Jake dito sa Pinas, ok ba sayo na magkita tayong apat? lets hang out and catch up! pero syempre pwede ka namang tumanggi haha i'll understand

Me: Sige sure! Sama ako! :)

Angel: TALAGA???? walang bawian yan ah!

Me: Bat ko naman babawiin? I miss hanging out with you guys! :)

Angel: awwwe :( we miss you too :((( sge Van i'll just text you, pakibigay nalang din ng number mo :) SEE YOU <3 :))

Namiss ko sila pero kinakabahan parin ako. Nakipagtalo ako sa kanila the last time we saw each other. We never had any closure. Mag-iba kaya ang pakikitungo nila sa akin ngayon? Most definitely. 


"Hoy!!! Kumusta na kayo!" Hindi ko mapigilang yakapin sila. Akala ko ay magiging mapanglaw ang pakikitungo nila sa akin pero sabik din silang makita ako. Maingay kaming nagkakamustahan at inalala ang lagay ng aming mga pamilya. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari sa dad ko at kung ano ang nangyari sa Germany. Buti nalang at hindi ako naiyak sa harap nila. 

"Buti naman at nakahanap ka kaagad ng stable na trabaho pag-uwi mo, Van." Sabi ni Jake.

"Nako, pangarap ko talaga dati na makapagtrabaho sa Hues & Selec. Balita ko ang ganda ng facilities nila." Sabi ni Gab, "Totoo ba 'yun, Van?"

"Yep, malaki talaga ang kumpanya at napaka-spacious ng opisina. Libre pa ang pagkain sa cafeteria!"

"Hoy, talaga? Gusto na tuloy lumipat sa kumpanya niyo." Sabi ni Angel.

"OMG! Sige Gel, subukan mong mag-apply sa kumpanya para araw-araw na tayong magkita! Sige na, Gel! Apply ka na, please?" Kinumbinsi ko si Angel.

"Hindi ba parang mahirap makapasok sa kumpanyang 'yan? Balita ko around 3 months 'yung hiring process nila." Sabi ni Angel.

"Nako, guys, eto dapat niyong malaman. Pina-prioritize nila ang mga graduate sa Granity, kaya nga mabilis lang akong nakapasok sa kanila eh," Sabi ko, "Inside info 'yan guys, ah? secret lang natin 'yan."

"Whoa, talaga?"

"Hindi ba mahirap ang trabaho niyo dyan?" Tanong ni Gab.

"Hindi naman. Top Performer nga ako this month, eh." Sabi ko. Naiisingit ko pa talaga. Naghiyawan sila.

"Naks! Kahit san ka talaga ilagay, Van, you always remain an achiever!" Sabi ni Gab.

"Kahit ano namang gawin nitong si Van, gagalingan niya. Winner talaga to kahit saan," Sabi ni Jake, "Sa lovelife lang 'to kulelat, eh!"

Napatigil si Gab at Angel. Binatukan ni Gab si Jake dahil sa sinabi niya.

"Tama naman si Jake, guys," Tumawa ako para mapagaan ulit ang usapan. "Ako yata ang huling ikakasal sa ating apat. In fact, I might never end up getting married. Hindi na siguro ako magbabago."

Tinapik ni Jake ang aking balikat, "Okay lang yan, Van. Kahit anong magiging desisyon mo sa buhay, susuportahan ka namin. We will still be here for you kahit magiging matandang dalaga ka pa!" Ngumiti si Jake, ngumiti rin ako sa kanya.

"Tama si Jake, Van," Nagsalita si Angel, "We will always be here for you kahit hindi na tayo palaging nagkikita. Kaya lang, just like how you should not force yourself to change for others, hindi rin tama na pigilan ang sarili mo na magbago. Change is part of life, we should be able to fully embrace it." Ngumiti rin si Angel.

"Ano ba 'yan, mag-iiyakan ba tayo dito?" Tanong ni Gab. Sa halip na maiyak ay nagtawanan kami. I know I can never bring back our closeness, but I'm thankful na nagkaayos kaming lahat.

"Para palang superhero itong si Van, eh noh? Hindi talaga natatablan ang puso." Biro ni Jake.

Binatukan ulit siya ni Gab. "Nakadalawa ka na. Awat na sa mga biro!"

"Guys?" Tinawag ko ang atensyon nila. "Sa totoo lang...may hindi ako naiintindihan sa sarili ko ngayon."

"Bakit? Anong problema?" Tanong ni Angel.

"Hindi ako sigurado nito pero ano...I kinda...like someone."

"HA???"

"Holy Shit!"

"Oh my god!"

Iba-iba ang reaksyon nila but they all seem to be very happy. Ang laki ng kanilang mga ngiti.

"Guys, relax lang nga kayo. 'Wag kayong sumigaw, nakakahiya." Sabi ko.

"Oh my god, oh my god! Sino ba 'to?" Tanong ni Angel.

"Pakilala mo naman sa amin, Van!" Sabi ni Jake.

"Kayo na ba? Sinagot mo na ba?" Tanong ni Gab.

"Eh 'yun nga ang problema." Sabi ko.

"Bakit, hindi ka ba niya gusto?" Tanong nila.

"Well, it's kinda complicated." Sagot ko, "Linigawan na niya ako dati tapos binasted ko. Actually hindi—hindi niya ako linigawan. Pero inamin niya noon na may gusto siya sakin. Tapos ngayon nagkita ulit kami tapos nagkagusto ako sa kanya at napakita ko naman 'yun sa kanya pero iba ang sinasabi ko. I told him I was the same as I was before, na hindi ko parin gustong magkarelasyon. Ngayon narealize ko na siguro natatakot lang akong aminin sa sarili ko na gusto ko siya. And now I feel like he's running away from me kasi ayaw na niyang masaktan ulit."

Huminga ako ng malalim. It felt so good to finally vent out how I felt and to put to words all these thoughts bugging my mind.

"Awwe, I'm so proud of you, girl." Hinawakan ni Angel ang kamay ko, "It takes guts to say everything you just said." Ngumiti uli siya sa akin.

"Alam mo Van, ang mapapayo ko lang sa'yo, treat it like it's competition," Sabi ni Jake. Napaisip ako sa sinabi niya. Nagpatuloy siya, "Achiever ka sa lahat ng bagay, 'di ba? Then prove it! Do your best to win him back."

Those were probably the only relevant words that came out of Jake's mouth.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Where stories live. Discover now