Chapter 33 - Congrats

2.1K 33 2
                                    

Me: Sa 7Eleven ako nag aantay.

Trevor: ok! malapit na tung matapos ang meeting namin. i have good news!!!! i cant wait to tell you :))))

Nakatambay ako sa 7-Eleven habang naghihintay kay Trevor na lumabas sa building. Alas singko imedya pa naman ng hapon. Nag-iinternet lang ako sa phone ko. Antok ako buong araw at ngayon ay inaantok na naman ako. Kalaunan ay nabitawan ko ang aking phone at nakatulog sa lamesa.

---

"Savannah," Narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Unti-unti akong dumilat at nakita si Trevor sa harap ko.

"Pagod ka ba? Sorry, natagalan ang meeting namin." Pahiwatig niya.

"Nakatulog pala ako?" Tanong ko sa kanya. I stretched my arms at yinakap siya. Tumingin ulit ako sa kanya. Mukhang ang saya-saya niya. "Anong meron? Ano ba 'yung good news mo?"

"Sav," Ngumiti siya ng pagkalaki-laki, "I'm going to be promoted!" Yinakap niya ulit ako ng mahigpit.

"Oh my god, really? Ahhh, congrats!!!" Napasigaw ako.

"Sir Cris will announce it this Tuesday, dapat nandun ka, ah?"

"Oo naman! Ako ang magiging number one cheerleader mo dun." Sabi ko, "Ano, tara na? Anong oras na ba? Baka ina-antay na ako ni Mom."

It's been more than a month na nakikitira si Mom sa condo ko. We never had a proper confrontation, medyo awkward parin kami. Hindi siya nanghingi ng tawad sa ginawa niya sa Germany, hindi ko rin naman iyon dinemand sa kanya. I want the apology to come out from her naturally. 

Ipinakilala ko rin si Trevor kay Mom since palagi niya naman akong hinahatid sa condo. Hindi na rin maiwasang matanong ng mom ko ang tungkol kay Trevor kaya pinakilala ko na siya. Mukhang nagkakasundo naman sila. 

Me: What time matapos ang event bukas?

Trevor: probably around 9pm. bakit? do you want to go home early? 

Me: Yeah. Puyat ako these past few days. I dont wanna stay long sa event. Okay lang sayo?

Trevor: oo naman! pwede akong magrequest kay sir Cris to make the announcement of my promotion earlier para makauwi tayo kaagad.

Me: No. You can stay longer, baka hanapin ka nila. Kaya ko naman umuwi mag isa

Trevor: nope not happening. ihahatid kita ok? hindi mo ako mapipigilan :p

Me: Sige na nga.

---

Present ang karamihan sa amin sa event. Iisa lang ang lamesa sa buong team. Magkatabi kami ni Trevor. Bukod kay Beatrice, hanggang ngayon ay hindi parin alam ng buong team na magkarelasyon kami ni Trevor. Siguro, may naghihinala na dahil sa kung paano ako alalayan ni Trevor. Wala namang diretsong nagtanong sa amin kung kami na ba.

Sir Cris asked our team to tell everyone what we love about our Team Lead. Isa-isa kaming nagpahiwatig sa harap ng micropono. Pagkatapos ay in-announce na rin ni sir Cris ang promosyon ni Trevor. Everyone congratulated him. We are so proud of him—I am so proud of him.

Hinatid na niya ako pauwi pagkatapos ng announcement. Ang saya-saya niya sa bus habang pauwi. I'm happy for him too kaya lang masama talaga ang aking pakiramdam. Ang sakit-sakit ng puson ko. Hindi na ako nagpahalata sa kanya.

"Mom, matutulog na ako." Sabi ko at pumunta na sa kwarto.

"Okay Sav, tatapusin ko lang 'tong pinapanood ko." Sagot niya.

Humiga ako sa kama at mabilis na nakatulog. Maya-maya ay humiga na rin ang mom ko sa tabi. 

Iba parin ang pakiramdam ko kahit nakahiga na ako. Bumangon ako sa kama. Chineck ko ang phone ko. Alas dos na pala ng madaling araw. Medyo nahihilo ako kaya umupo ako sa gilid ng kama. Maya-maya ay iba na talaga nararamdaman ko. May kung anong kulo sa aking sikmura. Tumakbo ako sa CR at di napigilang sumuka. I washed my mouth. Nakatukod ang aking mga kamay sa sahig. 

What is wrong with me? May sakit ba ako? Nakaupo lang ako sa sahig habang nakabaon ang ulo ko sa aking mga kamay. Umiikot parin ang mundo ko.

Nagising si Mom at nakita akong nakaupo sa sahig ng CR na umiiyak. Dali-dali niya akong yinakap.

"Sav, what's wrong?" 

"Mom," Pinilit kong magsalita habang nalulunod ako sa luha, "Mom, ayoko pang mamatay."

"Bakit? What's wrong? Should we go to the doctor?"

Yinakap ko lang siya habang umiiyak ako. Kinumbinsi niya akong magbihis para pumunta sa ospital. Pumayag ako. I need to know what's wrong with me kahit na natatakot ako.

Dumiretso kami sa emergency room dahil sarado pa ang out-patient department sa oras na ito. Nakatulog na ako sa ospital pagkatapos nila akong kabitan ng dextrose.

I informed my manager na I need to take an emergency leave today. Pinayagan ako, I just need to submit a medical certificate once I get back to work. Nagtext na rin ako kay Trevor and told him not to worry. We are just waiting for my lab results, and I'll be discharged after that.

"Your CBC results are normal. Wala namang inpeksyon sa dugo mo." Sabi ng doktor. Nasa tabi ko lang ang mom ko. Nakahawak ako sa kanyang kamay for moral support, just in case hindi ko man makayanang malaman kung ano ang sakit ko.

"We do see some bacteria in your urine." Nagpatuloy ang doktor.

"What does that mean, Doc?" Tanong ko.

"It means you have UTI." Sabi niya, "Your pregnancy test also came out positive. Which makes sense kung bakit nagka-UTI ka. UTIs are common during pregnancy."

"Po?"

"I will be referring you to an OBY-GYN so we can safely prescribe you with antibiotics for your UTI, okay?"

"Teka, Doc, tama ba 'yung narinig ko? I'm pregnant?" Napalakas ang aking boses.

"Yes, you're pregnant," Sabi niya, "Congrats on the baby!"

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon