[2]

3.9K 108 21
                                    

Nagigising na ako ng maaga.

Hindi tulad nung mga nakaraan araw na lagi nalang akong late. Medyo na-disiplina ko na rin yung sarili ko na gumising ng maaga at may oras pa para maglagay ng make-up.

"Salamat naman, nagising rin siya." sabi ni Mama nung nakita niya na akong bihis at kumakain na.

Ngumiti ako. I feel a little bit proud of myself for waking up this early. Hindi naman kase ako sanay talaga na gumising ng ganito kaaga.

"Uuwi ka ba ng maaga?" Tanong niya sa 'kin.

Umiling ako. "I have a group project, Mama."

"Okay. Malalate ako kaya kumain ka na ha? Ang laki na ng binaba ng timbang mo." Paalala sa akin ni Mama.

I nodded. "Sure,"

After Mama's sermons, bumiyahe na din ako. Instead of using the LRT, nagbus ako. Wala naman kase ako gaanong hinahabol na oras and I think chill lang naman.

Pagdating ko sa babaan, tumawid lang ako para maglakad na papuntang school. Natanaw ko naman ang isang pamilyar na lalaki sa may fast food chains na abala sa kanyang phone.

I saw Gray standing near the fast food restaurants. Parang may hinihintay. Lumapit naman ako sa kanya at ngumiti para batiin siya.

"Hi!" bati ko.

Mukha naman siyang nagulat. Out of nowhere kase akong sumulpot. Hindi kami close pero ilang linggo na rin naman kami magkasama sa classroom.

"Oh... hi." sabi niya. "Di ka nag LRT?" sunod niyang tanong.

Umiling ako. "I took the bus. Wala naman kase tayong prof sa first sub diba?" I said. Tumango siya.

"Sino hinihintay mo?" I asked. Nakatutok kase siya sa phone at mukhang may hinihintay. Kaya hindi niya rin napansin yung paglapit ko kanina.

"Si Mason." sagot niya.

I nodded. Bigla ko naman naramdaman na may umakbay sa 'kin. I jumped a bit from shock but when I realized that it's Mason, kumalma naman ako.

"Hi! Kakarating mo lang? Lia?" tanong sa akin ni Mason.

I nodded. "Yes, nagbus ako."

Tumingin siya kay Gray.

"Ah... oh dude. Nandito ka na pala. Tara, sabay-sabay na tayo maglakad." sabi ni Mason.

I smiled at naglakad na kami papuntang school. Naka-akbay pa rin sa akin si Mason habang nagkwekwento ng kung ano-ano.

Mabait naman siya, makulit nga lang.

"Sabi nila, mayaman ka daw. Totoo ba yun?" Tanong niya sa akin, inalis niya na rin ang pagkakaakbay niya. Buti naman, medyo hindi ako comfortable eh.

Nagsalubong naman ang kilay ko sa narinig.

"Hindi ah, only child kase ako kaya medyo spoiled. Pero, sakto lang naman kami."

"Talaga? Napapansin kase nila yung mga damit mo. Mukha ka kase mayaman manamit."

Tumawa ako. "Hindi naman lahat ng 'to, galing sa mall. Sometimes, I go to tiangge din. Sa nagdadala lang yan."

Rule #1: Rule of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon