[11]

2.3K 58 13
                                    

Nakasandal lang ako sa likod ng pinto ko. Hindi ko alam kung gaanong katagal na akong nandun at nakatulala lang sa harap.

I slapped myself para bumalik ako sa dati. Parang nawala na rin lahat ng epekto ng alcohol sa akin. Agad ko rin naman binaba ang bag ko sa lalagyan nito at nilabas lang ang cellphone ko at pinatong ko nalang ito sa kama ko.

Nakaligo na ako at lahat ay para pa rin akong tulalang naglalakad sa kwarto ko. Hindi ko man lang namalayan na unti-unti na rin sumisilay ang araw sa labas. Hala, gaano na ako katagal nakatulala dito?

I shooked my head and forced myself to sleep. Wala naman kaso kina Mama kung magising ako ng tanghali na, since wala naman pasok since tapos na ang sem. At saka, kaka-birthday ko lang, pagbibigyan niya naman siguro ako.

Nagising na ako ng mga hapon. The first thing I did after waking up is to check my phone for any messages. I replied to some messages nina Aria na nag-sorry at hindi na daw sila nakapag-paalam. Sinabihan rin naman kase daw sila ni Prince na si Gray na ang bahala sa akin.

Speaking of, si Gray.

Siguro nga, totoong gusto ko na siya. I mean, I wouldn't feel like this if that's the case diba?

Pero... may gusto siyang iba...

Paglabas ko nang kwarto ay agad din ako bumaba para kumain. Sa tagal nang tinulog ko parang mas lalo lang ako nagutom.

May narinig naman akong nagtatawanan sa may living room. Sino na naman bisita ni Mama? Madalas kase may bisitang pinapunta dito si Mama, marami kase siyang mga kaibigan. Ayoko na magpakilala kaya madalas nagkukulong ako sa kwarto.

Pagsilip ko doon ay nakita ko si Kale na nakaupo sa may sofa namin at nakikipagtawanan kay Mama. What the? Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman kung saan ako nakatira?

"Kale?" tawag ko.

Napatingin si Mama at si Kale sa akin. Ngumiti si Kale at tumayo. Bigla naman akong nahiya. Ang ayos niya, tapos ako medyo magulo pa ang buhok dahil bagong gising. Hilamos lang siguro ang nagawa ko.

"Lia! Buti naman gising ka na! Nandito si Kale, hindi mo naman sinabi sa akin na pinsan siya ni Emma." sabi ni Mama. "Napakagwapong bata!"

Lumapit ako sa kanila. Inaayos ko rin ang buhok ko para mukha naman akong maayos tingnan. Nakakahiya at ganito pa itsura ko!

"Nako, ikaw na bata ka hindi ka man lang ba nag-ayos? Nakakahiya naman kay Kale! Ang gulo-gulo ng buhok mo oh."

"No. It's okay, Tita. Okay lang naman po sa akin kahit anong itsura pa ni Lia."

May sumilay na ngiti kay Mama. "Nililigawan mo ba ang anak ko?"

"Mama!" suway ko. "Kale, pasensya na. Ganyan talaga si Mama."

"It's fine." he replied.

Iniwan kami ni Mama at pumunta sa kusina para ipaghanda kami ng merienda. Umupo naman ako sa tabi ni Kale.

"Sorry, I wasn't able to bring you home. Something came up, are you fine though?"

Tumango ako. "Okay lang. Hinatid naman ako ni Gray." sagot ko. "Bakit ka nga pala nandito?"

He smiled. Kale is really handsome. Kaya rin siguro crush na crush ko siya noon.

"I came to give you my gift, I was supposed to give it to you when I saw you, but then you were so drunk and something came up... so I decided to give it to you now. Emma told me where you live, kinulit ko pa nga siya para lang sabihin sa akin. Inis na inis pa siya sa akin." natatawa niyang sabi.

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now