[44]

2.5K 58 8
                                    

Nanatili pa rin siyang nakatitig kay Kaia. Tumingin naman ang anak namin sa Daddy niya. Nagtataka.

"Daddy, who is she?" Kaia asked.

Mas lalo naman nagulat si Tita Soledad sa sinabi ni Kaia. Napatingin naman siya sa akin na para bang tinatanong ako kung iyan na ba ang anak namin ni Kale.

Kale sighed, he glanced at his mother first before looking back at our child.

"She's my mom, Kaia. She's your grandmother." Kale explained.

Kaia's mouth formed an 'o' and looked at Tita Soledad. Nakaramdam naman akong ng kaba na baka may pagdududa pa sa kanya na hindi anak ni Kale si Kaia. Pero kitang-kita naman sa mukha ni Kaia na si Kale talaga ang tatay nito. Kaya tingin ko'y hindi na 'yon ang iisipin niya.

Binaba ni Kale si Kaia dahil gusto niyang bumaba. Pagkababa naman ni Kaia ay lumapit ito kaagad kay Tita Soledad. Nakangiti siyang nag-angat ng tingin dito bago kinuha ang kamay nito para magmano. Nagulat pa ng konti si Tita Soledad sa ginawa ni Kaia.

"Hello po..." Kaia said, looking back at the two of us first before looking back at Tita Soledad. Lola?"

Nakita ko naman ang pagtutubig bigla ng mga mata ni Tita Soledad dahil sa sinabi ni Kaia. Nung tumingin naman siya samin ay may tumulong luha sa mga mata niya. Eto na ata ang unang beses na nakita kong umiyak siya.

"I'm Kaia Maxene!" nakangiti niyang sabi sa Lola.

Mabilis naman na bumaba si Tita Soledad para maabot ang level ni Kaia. Niyakap niya ito ng mahigpit, habang patuloy na tumutulo ang mga luha niya. Kale just looked down, while his mother looked at the two of us with tears on her eyes.

Nung kumalas naman si Tita Soledad kay Kaia ay ngumiti ito sa kanya. Hindi ko aakalain magiging ganito ang reaksyon niya sa pagkakita kay Kaia.

"Nice to meet you, Kaia. I'm your Mamita."

"Mamita?" nagtatakang tanong ni Kaia.

"It's another name for lola." nakangiting sabi niya sa anak ko.

Nag-angat naman siya ng tingin sa amin ni Kale. I could see how Kale seemed a little uncomfortable to look at his mother. Ngumiti lang naman si Tita Soledad sa amin kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti.

"Kale Xavier," tawag niya sa anak. "It's been... awhile since I last saw you."

Nagtaka naman akong tumingin sa kanila.

"Yes, Mama. It's been almost two years." sagot ni Kale.

Nagulat ako nung marinig ang sinabi ni Kale. Two years? Two years silang hindi nagkita? Pero bakit?

Malungkot na ngumiti naman si Tita Soledad at tumingin sa baba. Nung tumingin naman siya sa akin ay may ngiti ito na para bang may halong pagsisisi.

"Hija. It's good to see you again," sabi ni Tita Soledad. "The two of you have a... beautiful daughter."

I glanced at Kale first before smiling at her. Kahit kailan naman hindi ako nagalit sa kanya. Naiintindihan kong baka nagawa niya lang 'yon dahil pinoprotektahan niya si Kale. Si Mama lang naman ang pinaka nagalit sa mga sinabi niya sa akin, kaya niya nagawa ang lahat ng 'yon.

"Thank you po, Tita. It's nice to see you, too." bati ko.

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Nagulat ako nung niyakap niya ako. Hindi ko alam kung paano dapat ang magiging reaksyon ko, niyakap ko nalang siya pabalik.

"I'm sorry," she whispered. "I'm sorry for everything I said back then." sabi niya at kumalas sa yakap namin.

Umaawang ang labi ko sa narinig mula sa kanya. Hindi ko inaasahang magsosorry siya sa akin. Nakakagulat lang.

Rule #1: Rule of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon