[27]

1.7K 57 3
                                    

Tumatak lahat ng sinabi ni Tria sa utak ko.

Even though, I had my doubts or fears about my future, parang nawala ang lahat ng 'yon sa mga sinabi niya.

She's married with the love of her life at kitang-kita rin namin kung gaano silang dalawa kasaya. At kahit pa may mga trabaho silang iniwanan eh okay lang basta maalagaan nila ang mga anak nila. They work hand in hand to raise their kids, and to raise them with good manners as well.

Pero...parehas na rin naman kase silang established sa mga karera nila. Kaya kahit tumigil pa sila'y, walang kaso. They already made a name for themselves. Pero kami ni Kale, halos nagsisimula palang.

"What are you thinking about?" he asked, on the way home.

Hindi ko pala napansin na kanina pa ako nakatulala dito. Our shift ended and as usual, Kale brings me home and stays there for awhile before he goes home.

"Oh, wala. Ang cute nung anak nina Tria at Trent 'no?"

He chuckled. "Yeah, never thought they'd actually be back together and eventually get married with kids. They were apart for almost 7 years but I guess if they really fated for each other, then it's really them in the end." he said, with his eyes straight on the road. Halos malapit na rin kami sa village namin.

Umawang ang labi ko sa narinig. Hindi ko man lang alam na naghiwalay pala sila. I guess, not all relationships are perfect. May mga naghihiwalay, pero nagkakabalikan rin, as long as they really love each other. Normal lang naman na may struggles o problema sa relasyon. It's not always perfect.

Sa ilang taon na magkasama kami ni Kale, ni isang beses hindi kami nag-away. Siguro, sa pagkain o maliit na bagay lang pero ni minsan hindi kami nagkaproblema nang malaki. Natatakot tuloy ako. Pakiramdam ko masyadong perpekto naman ata kung ganun, o baka naman paranoid lang ako? Ewan.

"Seven years silang hiwalay? Saan mo naman nalaman 'yan?" tanong ko, dahil magkasama naman kami palagi. Hindi naman niya malalaman 'yun dahil nasa Japan siya.

"From Prince. Alam mo naman 'yun, madaldal. Kaya nga nagulat ako nung malaman na kasal na pala sila. They got married twice, once nung buntis pa si Asteria. Tapos pangalawa, a grand wedding. Noon pa man, kitang-kita ko na kung gaano kamahal ni Trent 'yang si Asteria. Kaya sigurado akong gagawa 'yun nang paraan para magkakabalikan rin sila in the end, tingnan mo nga at kambal pa ang unang anak nila." kwento niya sa akin.

Minsan may pagkachismoso rin 'tong si Kale. Kaya siguro kinausap niya rin si Trent kanina para makachismis. Ang dami niya na agad alam.

Pero ganon siguro talaga 'no? Kung mahal niyo ang isa't isa, mahahanap at mahahanap niyo rin ang daan pabalik, kahit maghiwalay pa kayo.

Hindi ko naman alam kung bakit dumaan sa isipan ko ang posibilidad na baka magkahiwalay rin kami ni Kale. Masyado kasing... ayos ang lahat. Parang tuloy-tuloy na lahat nang mga plano namin. Parang nakakatakot talaga, baka magising nalang ako bigla na may maging problema kami.

I shook my head, trying to remove my thoughts. Hindi ko dapat iniisip 'yun. Hindi kami maghihiwalay. Hindi ako papayag at sigurado akong hindi rin siya papayag. Hindi ba't mas ayos nga 'yon? Wala kaming problema. Tuloy-tuloy lang ang mga napagusapan naming mga plano.

Pagkarating namin sa bahay ay agad din kaming kumain. Parehas kase kaming gutom na gutom. Inuwian din namin nang pasalubong si Theo. Baka kase magtampo 'yun. Matampuhin pa naman siya na bata.

"I'll just stay in my room," Theo said. Patalikod na sana siya nung may napansin akong pasa sa mukha niya.

"Theodore, sandali." sabi ko, dahilan para tumigil siya sa paglalakad at harapin ako. Kunot naman ang noo niya sa akin na nakatingin.

Rule #1: Rule of FateNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ