[20]

2K 50 14
                                    

"Akin na ang bag niya, bro."

Pabalik-balik ako ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi ko alam pero may napapansin akong tensyon.

Gray sighed and handed my bag over to Kale. Nanatili naman na nakangisi si Kale dito at sinakop ang kamay ko. Nanlaki pa ng konti ang mga mata ko nung ginawa niya 'yon at napatingin kay Gray. He only had a neutral expression.

Pinagbuksan naman ako ni Kale nang pinto. Hindi ko naman maiwasan na lingunin si Gray. He only had his hands on his pockets while looking at us and the hand that Kale is holding. Nandoon din pala 'yung singsing na suot ko at ang bangle na bigay ni Kale.

Pagkapasok ko naman ay nakita ko na ang pag-alis ni Gray. Hindi man lang ako nakapagpaalam.

Pagkapasok ni Kale sa kotse ay hindi ko alam ang gagawin. Ito rin kase ang kauna-unahang beses na nagkita kami pagkatapos ng ilang buwan.

"Sa condo mo tayo?" tanong ko.

Tumango siya. "Don't worry. My sister's there. Hindi lang naman tayong dalawa."

I nodded. At least, it won't be awkward. Hindi ko alam na may kapatid na babae pala 'tong si Kale? Ang kilala ko lang kase ay si Kuya Dash. Yung kuya niya.

"May kapatid ka palang babae?"

He nodded. "Yep. The only girl in the family."

"Tatlo kayo?" tanong ko.

Umiling siya. "Apat. I have another older brother, aside from Kuya Dash."

Oh. I didn't know that. Maybe I didn't really know that much about him, huh?

Hindi rin pala gaanong kalayuan ang condo niya dito. Kaya rin siguro ang bilis niyang nakarating doon. Parang 10 minutes palang kase nung sinend ko 'yung location, ay nandoon na siya agad.

"Bakit parang ang bilis mo atang nakarating doon?" tanong ko nung nasa elevator na kami.

"You have your location, on your IG story. Malapit lang naman 'yun dito, kaya nagsimula na akong mag-drive sa malapit."

Napaawang ang labi ko sa narinig. Oo nga pala nilagay ko 'yun kanina. Parang ang lutang ko na, kanina pa. Alam ko pa ba ang pinagagawa ko? Lasing na ata ako.

Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Uminom ka 'no?" he asked.

"Huh?" sabi ko sabay angat ng tingin sa kanya.

He chuckled. "Cute." I heard him whisper.

Hindi ko nalang 'yun inintindi. Sinundan ko nalang din siya. Mayaman sina Kale, kaya sa isang mamahaling condo na para bang pang mayayaman din siya nakatira. He entered his passcode and pushed the door.

Pagdating naman sa unit ay nakita ko agad na may babaeng naka pajamas at nakaupo sa may sala. Her eyes quickly averted to us. She smiled and did a little run towards me.

Halos mapatulala nalang ako sa ganda ng kapatid ni Kale. Sobrang ganda niya...gaya ng kanyang mga kapatid ay katamtaman lang ang kulay nito at may napakagandang ilong. Ang ganda rin nung hugis ng mukha niya, mula katawan hanggang sa pagngiti nito ay ang perpekto. Ang unfair...

"Hello! I'm Kylie! You must be, Lia, right? Kuya's crush?" she cheerfully said.

I suddenly felt awkward when she said that I'm her Kuya's crush. Napatingin naman ako saglit kay Kale at umiling lang ito sa inasta nung kapatid. Kylie giggled by the way her brother reacted.

She held my hand and pulled me to a room. Nakita ko naman na may nakalapag na damit doon. Kinuha niya iyon at inabot sa akin.

"That's for you! You may take a shower too, and use any products! All of them are mine, so you can use them all! I don't mind." she said with a smile. "Sorry... I think I just felt too excited that Kuya brought a girl. Majority of my life kase, puro sila kasama ako eh. All of them are boys." dagdag niya.

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now