Epilogue (Part 1)

3.7K 59 13
                                    

Kale Xavier Buenavista

"I want you to come to the game. You promised, remember?"

It's another day of training because we have another game this Saturday. Dala ko ang training bag ko habang kausap ko si Liz sa phone. Sinasabi niya kasing hindi siya makakapunta sa nalalapit namin na game.

"Yeah, but I'm really busy, Kale. I'm sorry."

I sighed and just ended the call. Gusto ko lang naman na nandoon siya sa game dahil kailangan ko ng inspirasyon. Mas malaki ang chansang ganahan ako sa laro dahil nandoon siya.

Halos ilang taon na rin ako nangangapa kung gusto niya ba ako. Nakailang girlfriends na ako at lahat pero wala, sa kanya pa rin ang bagsak ko. Hindi ko nga lang alam kong parehas ba kami ng nararamdaman. Ewan ko, sobrang labo.

As soon as I entered the gym, I quickly spotted Prince talking to two girls. Yung isa 'yung pinsan ko, 'yung isa... parang hindi ko pa nakikita.

I sneakily went to them, surprising Prince. Sa team namin, siya ang pinakaclose ko. Siya rin kase ang kasing edad ko. Ayoko naman na makibarkada sa mga kaibigan ni Kuya. Tanging si Prince lang talaga ang ka-vibes ko sa buong team. Siya at 'yung pinsan niyang si Trent.

"What the fuck, dude! You scared me!" singhal niya.

Tumawa lang naman ako habang nakahawak si Prince sa dibdib niya dahil sa pagkagulat. Agad naman akong tumingin sa dalawang babae na kausap niya. Tama nga ako at si Emma 'yung isa. Agad naman akong inirapan ni Emma. Tsk. May galit talaga 'to sa akin. Hindi pa rin ata siya nakakamove-on sa pagsunog ko sa barbie doll niya nung mga bata kami.

Nung mapatingin naman ako sa babaeng katabi niya'y parang nakatulala lang ito sa akin. She's pretty, I gotta admit. She has such strong features and she looked really foreign. Her skin's almost white as a paper like my cousin. Her features make her look so innocent, yet a little bit snobbish. Pero sa tingin ko naman ay mabait ito.

"This is Lia," pakilala ni Prince. Kumunot ang noo nito sa babae. Nakatulala pa rin kase siya sa akin at parang hindi na gumagalaw. "Lia? Are you okay?"

Lia? Hmm, it sounds familiar?

Nung matauhan naman 'yung babae ay parang gulong-gulo pa rin ito sa nangyayari. I tried not to smile.

Cute.

"Huh?" sabi niya.

Natawa lang kaming dalawa ni Prince.

"Sorry, bangag lang si Lia. She stayed up all night watching something," sabi ng pinsan ko.

I looked back at her again and smiled.

"Is that so?" I asked. "You watch a lot of series?"

Tumango siya. Parang ang inosente talaga niyang tingnan. Mukha siyang batang nawawala. Parang ang sarap alagaan.

"I'm Kale, by the way." pakilala ko sa kanya, sabay lahad ng kamay ko.

Nahihiya pa niyang tinanggap 'yun. Ang lambot din nung mga kamay niya. She really looks so cute. Pansin ko rin ang pagkakaiba ng height nila ng pinsan ko kahit nakaupo lang. Mas maliit ito at ang laki rin talaga ng tangkad ni Emma sa kanya.

"Hoy! Buenavista! Asuncion! Tama na ang landi!" rinig kong sigaw ni Kuya Elijah.

Sabay kaming umiling ni Prince bago nagpaalam sa dalawang babae. We would never want to get in Kuya Elijah's bad side. He's kinda a strict senior. Na kahit pinsan niya ako'y wala siyang patawad. Baka patakbuhin niya pa ako sa buong gym kung hindi kami susunod agad.

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now