[29]

1.7K 46 16
                                    

Mabilis kong tinanggap ang kamay niya. Tumingin naman siya doon at napatitig sa singsing na suot ko. Hindi ko naman mabasa ang nasa isipan niya habang tinititigan niya 'yon. Nakaramdam ako ng kaba kaya agad din akong bumitaw.

"Please take a seat," the principal said.

Umupo na ako sa tabi ni Theo, habang si Gray naman ay doon kay George. Pamangkin niya pala 'yun... I started thinking about where I saw him. Oh! Siya yung bata sa hospital! Yung kasama ni Sheryl... so pamangkin pala ni Gray 'yun...

I looked at his hand. Nagtaka naman ako at wala akong nakitang singsing doon. Hindi niya ba sinusuot ang singsing niya?

Nung mag-angat naman ako ng tingin sa kanya'y nakita kong nakatitig siya sa akin. I quickly looked away and faced the principal.

"Uhm, ano po bang nangyari?" tanong ko, para mapagusapan na namin 'to.

The principal sighed and looked at the two boys. Both of them are still looking at each other with death glares. Ang bata-bata pa nila pero ang init na nang ulo. Paano pa kayo pag lumaki ang dalawang 'to?

"This two boys had a fight during lunch. They're classmates and seatmates and it turns out, this has been going on for weeks." she said. "I'm really sorry for not telling you this sooner, we just knew about this now. If only we knew we could've handled the situation, properly."

Tiningnan ko si Theo na masama pa rin ang tingin kay George.

"Theo, stop that," suway ko sa kanya.

Nag-angat ng tingin sa akin si Theo. I gave him a look to stop it, pero mas lalo lang ata lumala dahil tumayo siya at tinuro si George.

"It's his fault! He started it!" sabi ni Theo.

"Jaiden Theodore!" saway ko.

Napatingin naman si Gray ulit sa akin. I have less time to care about him. Iniisip ko palang kung paano ko ba papatigilin 'tong si Theo sa galit niya sa kaklase niya'y sumasakit na ang ulo ko.

"What do you mean it's my fault? You're the one who freaking pushed me!" sabi nung George at tumayo.

"George," tawag ni Gray at hinila ito paupo.

Theo's fists clenched. "If you weren't bullying Thyra, then this wouldn't have happened!"

Thyra? Sinong Thyra?

"I'm not bullying her! I told you, I was just playing!" sabat nung George.

"George, ano na naman ba 'to?" sabi ni Gray. "Another case of bullying, again?"

Tumingin naman si George kay Gray na parang may galit. Hinila ko naman si Theo pababa para kumalma siya. Mukhang susuntukin niya na naman si George kung hindi ko pa pipigilan.

"Tito, hindi nga ako ang may kasalanan. Siya! Kung hindi lang siya nangialam, hindi naman kami magaaway eh!"

Naguguluhan na ako sa nangyayari. Para kaming referee ni Gray dito na pinapatigil ang mga bata na mag-away. Away bata lang naman 'to, pero grabe naman ata ang nangyari.

"What? You've always been an ass ever since! Why are you my seatmate, anyway?!" Si Theo.

"Jaiden Theodore, your language!" saway ko sa kanya. Saan niya ba natututunan ang mga salitang niyan?

Tumingin naman sa akin si Theo. He had a look of irritation. Saan ba pinaglihi ni Mama 'to? Mukhang pinaglihi ata sa sama ng loob.

"Calm down yourself, will you? Please. Let's settle this issue in a calm way," sabi ko sa kanya.

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now