[10]

2.4K 75 17
                                    

Naghintay muna ako ng mga 5 minutes bago ko siya nireplyan. Ayoko naman kase maging atat na reply agad. Kahit na kanina pa talaga 'to tagalan ko lang naman ng kahit konti.

Lia Dela Fuentes: thank you gray! :)

That would do. Agad ko naman chinat si Emma. Sana gising pa siya!

Lia Dela Fuentes:
Emmaaaa omg binati ako ni Gray!

Nagreply naman siya agad.

Emma Gallego:
what? sc nga?
at saka, teka bat ka kinikilig?
akala ko ba di mo crush ha? Ikaw liliana madeline ah.

Natawa ako. Oo nga, sinasabi ko na hindi ko siya crush. Pero, baka nga crush ko na talaga siya? Bakit ganito ako kasaya nung nagchat siya sa akin at binati ako ng happy birthday?

Lia Dela Fuentes:
eh, basta masaya ako ngayon pagbigyan mo na
baka nga crush ko siya ewan ko dindidjn

Emma Gallego:
damn lia ang rupok mo
pag ikaw nasaktan dyan ah

Lia Dela Fuentes:
oo na, tanggap ko naman na hindi niya ako gusto eh
masama ba magkahappy crush?

Emma Gallego:
hindi.
siguraduhin mo lang na happy crush yan at pag hindi, lagot ka

Kahit kailan talaga napaka over protective sa akin ni Emma. Ako lang kase yung lagi niyang iniingatan. Pakiramdam ko tuloy, Nanay ko siya.

Emma Gallego:
anyways, it's 2 AM I need my beauty rest
see u later!

After that, I just busied myself with watching tv shows I haven't watched yet. Mabilis ang oras pag hindi mo tinitingnan.

I also didn't feel like sleeping again dahil sa haba ba naman ng tulog ko, matutulog pa ba ako?

"Lia, happy birthday!" sabi ni Mama at may binigay sa akin na paper bag.

Nagtataka naman akong tiningnan yun. Kakagising niya lang at ito na ang unang bungad niya sa akin. Agad ko naman din binuksan yun at nanlaki ang mata when I saw that it's the makeup I wanted!

I hugged my mother tightly.

"Thank you, Mama!" natutuwa kong sabi.

"Yung Papa mo, eto daw ang regalo." sabi niya at nag-abot pa ng isang bag. I could already see the brand.

It's a Chanel sling bag! Minsan ko na 'to naikwento kay Papa dahil isa 'to sa mga tiningnan namin ni Emma that one time sinamahan ko siya mag shopping.

"Omg. Hala!" sabi ko at niyakap ang bag.

Mama smiled at me. She looked genuinely happy na masaya ako sa regalo nila ni Papa at sa regalo niya sa akin.

"Sorry, anak at hindi na tayo nakapag-party ah? Hindi kase kaya eh," malungkot na sabi ni Mama.

"Okay lang! I am fine with this! Thank you!" sabi ko at niyakap siya ulit. Wala rin naman akong pakialam kung hindi ako makapagdebut. Gastos lang din 'yun. Masaya na ako sa regalo nila sa akin.

Agad naman akong nag-ayos na. Naligo muna ako ulit at nagskincare before putting on makeup. Siyempre, birthday ko, I have to be pretty.

Rule #1: Rule of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon