[34]

1.7K 40 22
                                    

Pagkatapos nung naging usapan namin na 'yon ni Kale ay naging malamig na siya sa akin.

Kung dati'y sabay pa kami gumising, ngayo'y nagugulat nalang ako at wala na siya sa tabi ko. Hindi man lang siya nagpapaalam kung saan siya pupunta. Madalas sa gym lang naman siya napupunta o dumadaan sa mga drive thru para bumili ng breakfast. Pero kahit na ganon, hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot.

Sinusubukan ko siyang intindihin. Pero may pakiramdam akong kaya siya nagkakaganito ay para sanayin niya ang sarili niya na wala ako.

Nag-uusap pa rin naman kami. Pero pakiramdam ko pa rin ay umiiwas siya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko o sasabihin sa kanya. Sinusubukan ko naman ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal araw-araw eh, pero bakit parang hindi pa rin sapat 'yun kahit ano pang gawin ko?

I'm scared. Takot ako na baka totoo nga ang sinasabi niya. Na baka kaya ko ngang saktan at iwan siya. Pero ayoko... ayokong gawin 'yun. Pero may magagawa pa ba ako kung parang doon na rin papunta 'yun?

"Wanna go to a dinner later?" I asked, in hopes of spending time with him. "Para mapag-usapan na rin natin 'yung ibang inaayos ko sa wedding?"

Gusto ko sanang isipin na baka busy lang din kaming dalawa kaya ganito na siya sa akin, pero alam kong hindi lang dahil doon 'yun. Dati naman kase, kahit busy kaming dalawa nagagawa pa rin namin magkaroon ng oras sa isa't isa.

"Sure," tipid niyang sagot at hinalikan na lamang ang noo ko sabay lakad palayo.

I sighed. Pinanood ko nalang ang likod niyang palayo sa akin.

"Do you guys have a problem?"

Halos magulat ako nung biglang sumulpot si Lacey sa tabi ko. She had one of her eyebrows raised at me. Umiling nalang ako at tiningnan ang mga files ng pasyenteng pupuntahan ko ngayon.

"Wala," sagot ko.

"Really?" she said in a mocking way.

I looked at her. She had this satisfied smile, like she is happy with what is happening to the two of us. I was never really fond of her... and I'm just trying to be nice to her because she is Kale's friend. Pero parang unti-unti ko na rin napapansin ang madalas niyang paglapit kay Kale at pakikipagusap dito. I know how a girl looks when she likes my fiancé, and I think, from the way she acts and the way she smiles around Kale, ay may gusto nga ito dito.

"May gusto ka ba sa fiancé ko?" taas kilay kong sabi sa kanya.

She spared me a look before giving me a sarcastic laugh.

"If I do, will you do anything about it?" she said. Sinandal niya ang palad niya sa table and cocked her head a little to the side. She had a mocking expression, as if she's gonna laugh anytime. "Why? Are you threatened? Are you scared that I'm gonna steal him away from you?"

I pushed my tongue to my cheeks as I gave her a glare. Just what did she mean by that? So, may plano nga siyang agawin si Kale sa akin?

"Don't be innocent, Lia. I know what you're doing." rinig kong sabi niya sabay kuha nung mga papel at nilagpasan nalang ako.

Hinawi ko ang buhok ko sa inis habang pinapanood siyang maglakad palayo. Umiling nalang ako at kinuha nalang ang mga kailangan kong dalhin at nagsimula nang maglakad. At kung minamalas ka nga naman, si Gray pa ang nakasalubong ko. Nagtama ang paningin namin na agad ko rin naman iniwasan. Dumiretso nalang ako ng lakad, hindi gustong kausapin pa siya.

If I have to prove to Kale, that I won't leave him for Gray, then I have to avoid him. Lalo pa at wala siyang balak na respetuhin ang relasyon ko kay Kale. He just proved to me that he doesn't deserve to be chosen by me.

Rule #1: Rule of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon