[43]

2.6K 55 15
                                    

Halos ilang minuto din akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Hindi ako sigurado kung tama ba ang pagkakarinig ko. Did he just say that I'm his wife? O baka naman kapangalan ko lang?

I didn't realize how long I was standing here. Pagtalikod ko naman ay nakita ko agad siyang nakatayo sa may pinto.

"You're still here?" he asked, with a teasing smile on his face. Nakapagpalit na rin siya ng damit. He's now wearing his usual white t-shirt and black sweatpants.

"I was just admiring the plants," palusot ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Tiningnan niya rin 'yun, habang humahakbang palapit sa akin.

"Si Kaia?" tanong ko.

"She's in her room," he said. "Baka pagod ka na. You should rest. You can admire the plants tomorrow,"

Bigla ko naman naalala na wala akong damit dito. Bakit nga ba pumayag ako agad na pumunta dito?

"Wait, I don't have clothes." sabi ko sa kanya.

He smirked. "Do you still need those?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit kung tratuhin niya ako parang hindi kami nagkahiwalay ng apat na taon? He's acting as if we're still together!

Tumawa lang naman siya. "Just kidding, I still have the clothes you left before sa condo."

I suddenly remembered that I left so many stuff in his condo. Mula kase nung naghiwalay kami doon ay hindi na talaga ako bumalik para makuha ang mga gamit ko. The only thing I got was my usual handbag, since yun yung madalas kong dala.

Parang hindi ko na rin naman kase gugustuhin pang bumalik doon. Puro masasakit na alaala lang namin ang maalala ko kaya hindi ko na rin kayang balikan pa.

"Okay." sabi ko at dire-diretsong pumasok na sa bahay.

Pagkapasok ko naman ay mas lalo naman akong namangha sa ganda nito sa loob. There's a huge chandelier by the living room and the furnitures looked so clean and classy. I still can't believe that he is living here all by himself. Hindi ba nakakalungkot na tumira sa ganitong kalaking bahay na mag-isa?

"You're really living here by yourself?" I asked.

He was just following me closely. Ramdam ko ang matalim niyang tingin sa akin mula sa likod ko.

"Yes," he replied, looking around his house as well.

I faced him with a small smile on my face.

"Why not get a girlfriend?" I suggested, although it hurts me.

Kumunot ang noo niya sa naging suhestiyon ko. Humakbang ulit 'to palapit sa akin.

"Why should I get a girlfriend if I already have a wife?" he said.

Pansin ko ang paraan ng titig niya sa akin kaya umiwas muli ako ng tingin. Bawat tingin niya kase sa akin ay naiilang ako.

"Who's your wife?" tanong ko.

Tumitig lang naman siya ulit sa mga mata ko na para bang kailangan alam ko na 'yun. Agad ko naman naisip ang sarili ko.

"Ako?" sabi ko at tinuro ang sarili ko. "Ako ang asawa mo?"

Tumango lang siya. So... does he still feel the same way about me? He does right? Kaya niya nasasabi 'to?

Naalala ko pa rin ang sinabi niya sa akin noon. He wanted to just fix the custody of our child, because he can't be with me anymore. Hindi niya na kaya na makasama pa ako noon...

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now