[9]

2.3K 81 5
                                    

Pagkatapos namin kumain ni Kale ay agad din naman niya ako hinatid. Medyo gumaan na din naman ang pakiramdam ko nung kasama ko siya.

Patapos na ang 1st semester, kaya naman halos lahat busy. I decided that I'll just continue exerting more effort in my study kaysa abalahin ko pa ang sarili ko sa feelings ko kay Gray.

We were having an event in the community as a part of our last requirement for this semester. Maaga naman ako nakarating sa venue.

"Lia babes!" sigaw ni Tina at inakbayan ako. Himala, at maaga siya ngayon. Usually, nagpapalate 'to eh.

"Nasa tamang venue ba tayo?" tanong ko at ginala ang mata dito. Halos wala pa kasing tao.  "Hindi ba sa building muna tayo pupunta?"

"Hindi! Dito na daw! Sadyang maaga lang tayong mga taga-Rizal! Tingnan mo nga oh, nandyan na rin si She!" she exclaimed and waved at Sheryl na nakangiting papalapit sa amin.

"Pres, kamusta?" maingay na tanong ni Tina.

Sheryl smiled at us and sat beside me.

"Ayos lang, aga niyo ah."

"Of course! Baka malate eh! Takot nalang namin sa 'yo." pabirong sabi ni Tina.

Sinamahan nalang namin si Sheryl na mag-ayos pa ng mga iilang mga bagay. Maya't maya naman ay dumating na rin ang mga iba pa namin kasama.

Kahit hindi ito ang role ko ay tumulong pa rin ako sa pagaayos. I just want to be of help to the best that I can.

"Lia, pabuhat naman niyan doon, please." utos nung isa naming blockmate.

Tumango ako at binuhat na 'yon. Ang bigat! Pagtaas ko naman 'non ay naramdaman ko ang pagtama ko sa ata sa isang tao sa likod. Napahawak naman siya sa siko ko.

"Oh, ingat."

Natigilan ako at napa-angat ng tingin kay Gray na nakangiti sa akin. Agad naman niya din kinuha ang mabigat na box na hawak ko.

"Payat mo na nga, ikaw pa ang pinabuhat nito, tsk." he said at siya nalang ang nagdala noon sa kung saan ko dapat dadalhin.

I tried to stop my heart from beating fast again. Bakit ba lagi nalang siyang sumusulpot kung saan-saan?

I decided to just busy myself with other stuff. Nakita ko naman na kasama na rin siya sa pagbubuhat. Matangkad naman siya at kayang-kaya niya magbuhat ng maraming bagay.

"Maliit nalang kaya paakyatin niyo dyan?"

"Oo, para hindi gaano kahirap saluhin pag nalaglag."

"Tangek! Gusto niyo pa may malalaglag!"

Inaayos ko ang mga dapat ayusin sa may table. Halos lahat talaga busy sa mga ginagawa nila.

"Lia!"

Napatingin ako sa tumatawag sa akin. Kumaway sila sa akin kaya nagtaka naman ako bakit nila ako tinatawag. Lumapit naman din ako agad.

"Mukhang mahaba naman ang braso mo. Pwede ba ikaw nalang umabot 'non?" tanong nila sa akin.

Inangat ko ang tingin ko. Pakiramdam ko naman, kaya ko 'yon. Sabi nga nila, medyo mahaba ang braso ko.

"Sige." sabi ko.

Umakyat na ako ng ladder na nakalagay. Kailangan lang naman mailagay yung decoration sa taas. Kayang-kaya ko naman siguro abutin.

"Okay na ba 'to?" tanong ko.

"Taasan mo pa!" utos nung isa.

Tinaas ko pa ng konti. Hindi ko nakikita ang itsura at taga-dikit lang naman ako dito.

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now