[35]

1.9K 44 5
                                    

Hindi ko na binanggit pa kay Kale ang lahat nang nalalaman ko.

I didn't wanna be the one to break the news to him. I respected Gray's family wishes not to tell the Buenavistas about Grazielle's paternity. Maski 'yung halikan na ginawa namin ni Gray ay hindi ko na rin sinabi kay Kale. That would only bring unnecessary drama, and I don't want that. Ayokong magkagulo pa, kaya itatago ko nalang ito.

"Nandun na sina Mama," I told Kale.

Ganon pa rin kami ni Kale. Tinutulungan niya naman ako sa mga paghahanda sa kasal, pero sobrang lamig na talaga nung pakikitungo niya sa akin. Gusto ko sanang kausapin siya tungkol doon, pero hindi ko magawang kumprontahin siya, baka kase mag-away lang kami pag nagkataon.

"Okay, sabihin mo may inaasikaso lang tayo." sabi niya at pumasok na sa walk-in closet namin.

I sighed. Namimiss ko na ang pagiging malambing niya. Ngayon kase parang nakatira nalang ako sa bahay niya. Pakiramdam ko parang hindi na kami ikakasal. Nakakalungkot.

Nakabihis na rin naman kase at nakamake-up na. Galing din kaming dalawa sa hospital kanina, kaya medyo pagod na rin.

Mula nung may nangyari sa amin ni Gray, ay todo iwas na ako sa kanya. Hindi ko na rin nabisita pa si Grazielle, dahil baka kulitin lang din niya ako ulit na sabihin kay Kuya Dane ang totoo. I didn't wanna be the one to break it to him. Gusto kong pamilya nila mismo ang magsabi sa mga Buenavista.

"Let's go?" Kale said, all dressed.

Tumayo na ako sa kama at ngumiti sa kanya. He just looked at me coldly before getting his car keys.

Pagdating namin sa bahay nila'y nagkwekwentuhan na sina Mama. Sa ilang taon na kami ni Kale, ay nanumbalik rin ang pagkakaibigan nina Mama at Tita Soledad. They used to be so close in college, and they drifted apart for so long. Kaya nga botong-boto rin si Tita Soledad sa akin nung nalaman niyang nagpropose na si Kale sa akin.

I still remember what Gray told me. Kung hindi nga kaya magkakilala sina Mama at ang mga magulang niya at kung hindi kilalang Engineer si Papa o Senator si Tito Remy, matatanggap nga kaya ako nung mga magulang niya? At lung hindi, maipaglalaban nga kaya ako ni Kale?

"Good evening, hija." bati ni Tita Soledad sabay beso sa akin. Ngumiti lang din ako, habang binabati ni Kale si Mama at si Tito Remy. Binati ko rin si Tito Kenneth at si Dash. Pansin ko naman na wala pa sina Kuya Dane at ang asawa nito.

"Mama, Tito Remy." I greeted, hugging them both. I also crouched a little to see Theo, who's standing beside them. Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "Theo." I smiled, sabay high five sa kanya.

Pumunta na kami sa main dining nina Kale, habang ang braso niya'y nakapulupot sa bewang ko. Nakita ko naman si Kylie na pababa ng hagdan, kasama ang asawa niya habang buhat ang isa taon nilang anak. She was still in medical school when she got pregnant and got married. Kaya si Kale nalang din talaga ang nag-iisang walang anak sa kanila. Dahil meron na rin si Dash.

"Ate," she said and kissed me on the cheek.

Natuwa naman ako nung makita ang anak nila. Bumungisngis ito nung nakita ako. Inaanak rin namin ni Kale ang unang anak ni Kylie. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba siya sa residency niya dahil kakatapos niya lang ng med school.

"Can I hold him?" I asked her.

She nodded and smiled. Gusto ko na rin sanayin ang sarili ko na humawak ng bata. Hindi man ngayon, pero pinaplano na namin magkaanak pagkatapos makasal, kaya mabuti pa na ngayon palang ay sanayin ko na ang sarili ko sa ganito.

Inabot naman sa akin nung asawa ni Kylie ang anak nila. Nakangiti naman itong nagpakarga sa akin.

"Kuya, bigyan mo na kase ng anak si Ate, mukhang gusto niya na oh," Kylie teased.

Rule #1: Rule of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon