S5 | Maling Numero

134 15 5
                                    

• • •

Author: PAINTERPEN
Critic: Suzainie

| BOOK COVER

Simple siya; nandoon iyong essence ng pagkakaroon ng textmate. Atsaka readable ang font. Nakulangan lang ako. Suggest ko sa iyo na kung puwede ay mas lakihan pa iyong font. Tapos pakiayos din iyong quality. Add filters. Rearrange mo iyong font, pati iyong picture.

| TITLE

Maling Numero. Maganda ang title mo actually kasi dito naman umikot ang buong story. Mas lumakas ang impact dahil sa blurb mo.

| BLURB

Hooking siya. Naibigay mo naman lahat ng kailangan naming malaman. Nandiyan ang introduction mo sa character, conflict, goals, at ang uniqueness ng story.

| PLOT

Simple and a little bit of cliche. Still, maganda ang characterization kaya hindi ko namamalayan ang pagbabasa. Maganda rin ang pacing ng story; hindi ako nabagalan o nabilisan. Sakto lang ang story mo.

Holes?

In Chapter 7, may nag-text kay Jaxon na may maghihintay sa kanya. But then pagdating sa may Chapter 8, wala naman palang phone sina Denise at Jasmine dahil nga sa iniwan nila. So sino iyong nag-text kay Jaxon?

In Chapter 14, kinilig ako sa may dulo kasi nga sa may ILY J. Pero panira iyong author's note dahil ang sabi ay I love you Jesus daw iyon. So kaysa umasa kami at kiligin ay medyo na-down ako. If ever, okay lang naman na paasahin ang readers. If gusto mong i-explain sabihin mo na lang sa ibang convo nila Denise at Jaxon.

Nga pala, hindi ko alam kung anong chapter iyon, e. Pero nalito ako sa number of years talaga na nakalipas. Kasi mukhang magkaiba ang nasabi mong number of years sa magkaibang chapter. Check mo na lang iyon.

| WRITING STYLE / NARRATION

Actually, nagustuhan ko iyong narration mo dahil feel ko talaga ang 2010 vibes kasi nga Tagalog ang story mo. Tapos iyong setting talaga at pangyayari ay ramdam kong nandoon ako sa panahon na iyon. Ang advise ko lang sa iyo ay kapag familiar ang mga tao sa bagay na iyon (printer, cellphone, etc.), puwedeng kahit huwag mo na siyang i-describe nang malalim kasi nakakalito siya. And also, i-work mo pala iyong dialogue ng mga characters mo. Hindi kasi siya natural dahil ang lalim nila magsalita. To think na 2010, at 2019 ang time pero malalim talaga, e. Work on writing natural dialogue. Basahin mo nang malakas at pakinggan mo kung may tao bang nagsasalita ng ganoong paraan.

| SCENE EXECUTION / FLOW

Actually, maganda talaga ang pacing mo. Ito iyong tipong kapag binasa ko ay hindi ko namamalayan na nasa dulo na pala ako ng chapter. Tapos naipakita mo rin sa amin ang mga bagay na kailangan naming malaman. Kaya hindi ako nalito sa story at nakakasunod ako dahil maganda ang delivery sa question and answer ng story.

Nakulangan lang ako ng kilig moments. Kung kaya mo pa sanang mag-singit ganern. Para naman mas nakakatuwa kasi nga nakakatuwa talaga sina Jaxon at Denise. Kasi madaming taon talaga ang lumipas, like 8 years ba? Pero sa tagal ay hindi sila naka-get over sa isa't isa. So kung mas dadamihan mo ang sweet moments nila mas magiging believable ang love nila para sa isa't isa.

Pag-aralan mo pala kung paano magiging positive form ang sentence mo, adverbial tag, tonal dialogue tag, dialogue tag, and action tag.

| CHARACTERIZATION

Jaxon, gustong-gusto niya si Jasmin pero dahil kay Sonia, ang naka-textmate niya ay si Denise. Mahirap pero mag-iipon para sa taong mahal. Broken family at iyon ang naging hugot niya para maging mabuting teacher. Maganda ang characterization mo sa kanya. Naintindihan ko ang pag-ayaw niya kay Denise noong nalaman ang katotohanan. Well, bata pa sila, e. Pero kahit na ganoon ay maganda ang character development ni Jaxon. Nakita ko kung paano siya nadapa at bumangon.

Denise, may gusto kay Jaxon pero boyish kung kumilos. Nakita ko rin iyong moment na nagpakababae talaga siya para sa date nila ni Jaxon. Though, gusto ko ring makita si Denise kung paano siya unti-unting nagkilos babae. Like, kung paano niya unti-unting baguhin ang pananamit at kilos niya.

| TECHNICALITIES

For correction mo rito ay kinomment inline ko na.

| OVERALL

Rating: 7/10

You are successful in getting your readers' attention. Buhay ang characters mo at sweet ang plot. Nagawa mong dalhin kami sa ibang oras. Keep up the good work. Friend pala tayo sa FB. Magse-send ako sa iyo ng lessons for writing tips.

• • •

Hey! What's your take/feedback on this critique? Please feel free to share in the comments.

Wordsmith Tavern [Closed]Where stories live. Discover now