S2 | Disorder

193 16 44
                                    

• • •

Author: _thrinine-blue_
Critics: Preshy-chan & ColoredGenes

| BOOK COVER

(P) I'm not really a graphic artist. So, hindi ako expert pagdating sa technicalities ng book cover. The font styles and the font sizes are visually okay to me. Also, tama rin na dark ang theme ng book cover since mystery siya and may pagka-bloody ang kwento. However, I think puwede mo pang ma-improve 'yong background picture because naging horror ang impression sa akin. The girl looked like a ghost.

(C) First of all, wala akong masyadong alam sa kung ano nga ba ang magandang book cover. Pero kung gagamitin ko ang aking opinyon, siguro'y mas maganda kung ang letters na ginamit mo ay naka-capslock at nakaarrange in a distorted or jumbled way just like how the title portrays.

| TITLE

(P) Disorder. The title itself suggests conflict. It may mean a psychological disorder. Or pwede ding disorder as in kaguluhan lang. Nung nabasa ko yung schizophrenia sa blurb, and also knew that the genre is psychological, psychological disorder talaga ang pumasok sa isip ko. It's kind of 'obvious' and may tendency na majudge talaga agad ang title na masyadong predictable and plain.

Hindi ako nahatak ng title mo, pero sa kabilang banda, may nakita akong advantage dito. Since mystery ang genre nito, pwede mo itong gawing trap. Like ang disorder na akala naming mental disorder, tapos yun pala, ang twist hindi lang pala yun ang disorder na nakapaloob sa kwento.

Nasa iyo na kung papalitan mo ng mas nakakahatak na title ang kwento mo o kung hahayaan mo lang para magsilbing trap. Ikaw na bahala. Either way, it's okay.

(C) It's good. Kung sa tingin mo ay ito ang nararapat na pamagat ay wala nang mas makakaalam nito kundi ikaw. Since hindi pa tapos ang kwento, maaaring meron kang isusulat na mas magpapabigay pa ng hustisya roon. Connected naman siya sa story kaya it's so okay.

| BLURB

(P) The blurb got me curious about the story. Nung nabasa ko 'yong sinulat mong blurb, napaisip ako kung paano mo isusulat at mapu-pull-off ang ganitong klaseng genre since psychological pa talaga siya. This is kinda hard because kailangan mo ng matinding research nito lalo na kung hindi ka psychology major/psychology graduate. Maraming authors dito sa Wattpad ang nagtangka nang magsulat ng psychological na mga kwento pero mali-mali ang diagnosis at symptoms. Hindi umaakma at may iba naman, nag-fail na i-incorporate ang symptoms sa karanasan at nararamdaman mismo ng character. At ang pinakaikinatuwa ko sa lahat, I wondered kung hindi schizophrenia ang may cause, ano? Ano nga ba? You did a good job here. Thumbs up!

(C) Nang mabasa ko ang story description mo, I realized na hindi mystery story ang sinusulat mo kundi thriller. Sa mystery kasi, dapat ay may sinosolve na case o scene ang isang bida while sa thriller alam na sa simula pa lang kung sino ang villain, suspect o antagonist. Anyway, maganda na ang story description mo; I just don't know how it actually affects the other readers.

| PROLOGUE

(P) Honestly, naguluhan ako sa part na ito. Hindi ako sigurado kung ang ambulansya ay dumaan lang ba o ano. Bukod doon, maayos naman ang flow ng sentences at paragraphs. Smooth naman silang lahat at kahit na halos purong Tagalog ang ginamit mo, hindi naman nakakaasiwa dahil flowy ang pagkaka-construct mo ng mga sentences. Nice one.

Minimal lang ang nakita kong pagkakamali sa technicalities. Ayon sa rule ng Filipino grammar, ang mga salitang inuulit-ulit ay dapat nilalagyan ng dash sa gitna.

Wordsmith Tavern [Closed]Where stories live. Discover now