S18 | Hate to Love You

66 3 7
                                    

• • •

Author: jho-llybhie
Critic: TeacherAnny

Hello @jho-llybhie! Thank you for waiting.

|TITLE|

Wala akong problema sa title mo. Nandoon ang literal meaning na they will start to hate each other hanggang sa dumating sa point na mare-realized na nila ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Connected naman sa kuwento ang pamagat kaya okay lang sa sarili kong panlasa.

|STORY DESCRIPTION|

Unang pasok pa lang ay ramdam ko na ang lalim ng emosyon like kahit nasaktan ka na, kahit may masakit na alaala, at kahit hindi naging maganda ang naging nakaraan ninyo, handa ka pa rin ba na mahalin ang isang tao kahit na sobrang galit ka rito? Mapanghikayat ang story description mo kaya wala rin akong problema rito.

|INTRODUCTION|

Well, na-curious ako sa unang chapter ng kuwento at napatanong kung bakit ganoon na lamang ang galit ng nanay ni Vivien sa kanya at sa kanyang ama. At nasagot naman ang tanong ko na iyon sa bandang dulo ng kuwento. I also love the way you connect it sa pinakadulo by giving a flashback kaya kung hindi mo babasahin, aakalain mo na walang sense ang pinakaunang scene sa chapter 1. As the story progresses, magugulat ka na lang na kaya pala nakalagay iyon doon dahil may pasabog ang author.

|NARRATION|

I like the uniqueness of your narration. Gusto ko ang pagpili mo ng mga words na bibihira nating nababasa. Maganda rin ang paglalarawan mo sa mga lugar. Hindi mo pinapalampas ang bawat detalye. Maging ang paglalarawan mo sa hitsura ng mga characters ay nakamamangha rin. Kaya nga lang, since third person omniscient ito, ingat sa paggamit ng siya, niya, kanya, nito at iba pa. Minsan nalilito ako kung sino ang tinutukoy mo sa "siya" at "niya" mo lalo na sa kalagitnaan ng story. Ang akala ko ay si Jayson ang tinutukoy mo sa "niya", ayon pala ay si Vivien. Make sure na kung gagamit ka ng panghalili sa pangalan ng isang character, bigyan mo muna ng clue ang readers. You can put name first sa isang paragraph para malaman ng mga readers na ang tinutukoy mo ay ang character na isa at hindi pala iyong pangalawa. Gamit ka ng next paragraph para i-narrate ang ginagawa o ang nangyayari sa ibang characters para may palatandaan ang mga readers. Pag-aralan mo rin lalo ang paggamit ng dialogue tag at action tag. Mamaya ilalagay ko sa baba ang tungkol doon.

|CHARACTER/CHARACTERIZATION|

Vivien

Malungkot ang napagdaanan niya pero sa kabila noon ay makikita pa rin ang kabutihan sa puso niya. Mapagpakumbaba ang character ni Vivien. Hangga't maaari ay ayaw niya ng gulo o umiiwas siyang makipagtalo. Medyo nakulangan lang ako sa character development ni Vivien. I understand na napakabuti niyang tao, pero minsan kahit gaano pa kabuti ng isang tao, kahit gaano pa siya mapagpasensya at mapagtimpi, may pagkakataon pa rin sa buhay niya na maiisip niyang lumaban sa halip na ang umiyak nang umiyak na lamang. Gusto ko makita ang isang side ni Vivien, hindi ang good one, kundi ang bad one.

Kung baga, bigyan mo siya ng flaws. Kasi not all people are born good right? Kung kailangan niyang magmura sa galit, go! Kung kailangan niyang magpakamaldita sa kahit sandaling panahon, go! Kung kailangan niyang gumawa ng maling desisyon para maipagtanggol ang sarili niya, go! Sa buong kwento kasi, wala akong ibang nakita kundi ang good side niya. Nandoon iyong masakit na napagdaanan niya at nandoon iyong emosyon niya pero hindi ako masyadong nakuha ng character niya. Bigyan mo siya ng isa pang quality na tatatak o magbibigay ng impact sa mga readers mo.

Jayson

Dito naman ako natuwa sa character ni Jayson. Kitang-kita ko ang character development niya. From being a bad boy, nakita ko kung paano siya nagbago. Kung paano niya unti-unting binuksan ang heart niya para makapag-share or makapag-open up kay Vivien. I love his character kaya ganoon na lang din ako nasaktan dahil sa ginawa mo sa kanya author. Minsan ko lang sasabihin 'to pero...pashnea ka, author! Bakit mo ako sinaktan? Napamahal ako sa character niya tapos ganoon ang ginawa mo? Hindi ako galit hahaha.

Wordsmith Tavern [Closed]Where stories live. Discover now