S9 | Life. Dreams. Romance.

119 20 5
                                    

• • •

Author: ThisIsAyaMiranda
Critic: oliviaaatale8

| BOOK COVER

'Yong book cover ng story ay napaka-simple, 'yong tipong 'pag tiningnan mo siya, ang classic ng dating nito sa mata. Simple lang din ang mga ginamit na font style at mga kulay na nandoon.

Medyo may kulang lang nang kaunti. Suggest ko na 'yong sa "NEW ADULT" na nakalagay sa taas ng book cover, mas maganda kung papalitan 'yong kulay para mas mapansin siya. 'Yong name din ng author sa baba siguro gan'on din, palitan din 'yong kulay.

| TITLE

'Yong sa title mo, nahatak ako dahil sa kakaiba niyang dating sa 'kin. Hindi ko siya madalas makita sa mga pamagat ng kuwento. Marami agad na pumasok sakin na ideya kung tungkol saan yung kwento mo n'ong hindi ko pa nababasa yung blurb mo.

| BLURB

Maganda at simple ang pagkakasulat mo sa blurb. Isa sa hinangaan ko 'yong pagde-describe mo sa main characters ng story mo.

Suggest ko lang 'yong first sentence mo sa blurb, para kasing sinabi na agad doon 'yong nilalaman ng kuwento mo. Medyo less interesting na 'yong story kasi. Hindi na mae-excite ang mga mamababasa dahil nasabi na sa blurb agad ang nilalaman ng kwento.

'Yong second paragraph, ang ganda niya at simpleng-simple na kahit hindi siya ganoon kahaba, nakuha niya 'yong interesting part kung bakit kailangan basahin yung story mo.

| PROLOGUE

Ang ganda ng Prologue, nakaka-touch siya lalo na sa dulong part kung saan sinasabi ni Kaori yung tungkol sa purpose na mabuhay with matching violin instrument na tumutugtog.

Nakaka-amaze basahin ng Prologue mo. Keep it up! Kaunting edit lang sa mga technicalities tsaka choice of words, but the flow, kahit hindi na.

| PLOT

Hindi ko masyadong naramdaman 'yong depression sa kuwento. May mga scene na naipapakita 'yong mood na 'yon pero 'yong consistency ang medyo kulang. Suggest ko na i-improve ito. Try mong i-outline 'yong plot at important keys sa kwento mo para ma-emphasize mo 'yong theme and emotion ng story mo.

'Yong story ay minsan medyo cliche na 'yong scenes pero yung iba naman hindi. Suggest ko lang na focus ka sa mga susunod mong update dito. Makakabawi ka para mas mapaganda pa ang story mo.

| WRITING STYLE / NARRATION

'Yong narration is character's POV. Minsan nga lang nalilito ako kung nagpapalit ba ng POV o still 'yong chaaracter pa rin na 'yon ang nagsasalita sa next chapter.

Madaling intindihin 'yong kuwento at mahu-hook ka talaga sa ibang scenes. Suggestion lang, maglagay ka ng palatandaan every chapter kung kaninong POV na 'yon. 'Yong title ng every chapter mo is good, as in nagkakaroon ng hint ang mambabasa which is good points.

| SCENE EXECUTION / FLOW

Maganda ang flow ng kuwento; maayos naman ang bawat scene. 'Yong mga typos at mga paragraph na kulang sa thought ang minsan na nagpapagulo sa flow at sa scenes.

Suggest ko na tanggalin mo 'yong ibang paragraph na sa tingin mo ay hindi naman kailangan sa story o kaya naman i-edit mo ito para mas malagyan ng ibang twist ang kuwento mo. Try mo rin gumamit ng ibang way para ma-sustain 'yong depression mode sa mga characters.

| CHARACTERIZATION

Sa characters, ramdam ko si Kaori. Kung gaano siya mainis, tumahimik, pati sa speech na binigay niya sa prologue pa lang ay tumatagos sa puso. Minsan nga lang hindi ko maramdaman 'yong consistent na emotions ng mga characters o 'yong gusto nilang iparating dahil sa certain errors. Kaya pa itong maayos; kaunting edit lang sa mga conversations at point of view nila.

| TECHNICALITIES

Sa spelling at sa kaayusan ng mga salita, dito medyo maraming problema.

May mga salita na minsan ay kulang ng isa pang letra. Katulad ng sya dapat ay siya, ang eksen dapat ay eksena, at 'yong nyo na dapat ay niyo. Minsan din ay may mga umuulit na paragraph na hindi buo ang thought o nilalaman nito.

Katulad noong nasa Chapter 1:

"Madalas ay ganitong eksena rito sa apartment."
"Madalas ganito ang eksen"

Suggest lang na i-edit mo yung mga part na may ganito. Nasisira kasi nito ang ganda ng kwento. Bukod doon ay nagkakaroon din ng agam-agam ang mambabasa kung kasama ba ng parte na 'yon sa kwento o typo lang.

Isa rin sa madalas kong mapansin ay ang may mga paragraph na hindi pa tapos yung nilalaman. Katulad ng pinakilala ni Kaori 'yong dalawang babaeng kasama niya sa kwarto si Kate at Missy.

"May dalawa akong kasama na babae dito rito pero sila lng ang close at wala..."

Ito na-hang dito 'yong paragraph at bigla kang nag-proceed sa next paragraph at binanggit na 'yong pangalan ng dalawang babae. Ito 'yong isa sa mga pagtuunan mo ng pansin kung mag-e-edit ka.

May mga ginamit ka din na Fancy Tags. Hindi naman ito masama pero siguro mas maganda kung gagamit ka ng Dialogue Tags at Action Tags para 'yong momentum ng conversation ay hindi nawawala sa ganda ng pag-uusap.

Example:
*kalmado kong wika.
- "Sorry din... at salamat," sabi ko sa kalmadong boses.

| OVERALL

Kailangan na i-edit ang story especially sa mga technicalities kasi marami ang mga typos at mga paragraph na kulang sa thoughts. Sa spelling, ayon, focus ka rin dito kasi minsan 'yong mga words, may kulang na letters. 'Yong consistency ng story, mahalaga rin ito.

Try mo mag-outline for your plot. Sobrang makakatulong ito lalo na sa characterization at sa mga scene execution mo.

Keep it up! Kaya mo pang mapaganda ang story mo.

• • •

Hey! What's your take/feedback on this critique? Please feel free to share in the comments.

Wordsmith Tavern [Closed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon