S4 | Trouvaille Fate

155 20 4
                                    

• • •

Author: ooh-kaye
Critic: myungjunjun

Note: Thank you for waiting. Please read until the end. You are a great writer, so don't stop writing.

| BOOK COVER

First of all, ang cute ng cover. So ito 'yong tipo ng book cover na minimalistic lang with text and some designs around the border. From first look, isang romance/teenfic story kaagad ang naisip ko... which is a good thing since may impression na kaagad na maiiwan sa mambabasa. Light at very casual lang ang story, kaya akma ang book cover na ito. Siguro ang maisu-suggest ko lang ay i-darken ang gradient nang kaunti para mas maging visible ang text.

| TITLE

Trouvaille Fate. Uncommon ang word kaya ang tendency, mapapa-search ang readers. Advantage mo, unique ang title; ang disadvantage, baka hindi maintindihan 'yong title. Owkey... trouvaille means a lucky find. Connected naman siya sa kuwento. Of course, puwedeng ma-interpret ang story sa maraming paraan, but the way I see it, nagre-revolve siya sa kung paano maaapektuhan ni Les Paul ang buhay ni Ileana. The title screams romance, and kinda teen fiction? All in all, bagay naman (and unique nga).

| BLURB

Ang issue ko lang naman sa blurb mo ay ang flow ng first sentence; medyo malabo kasi ito. Kulang siya ng verb, kasi pag binreakdrown natin into simple parts (tinanggal ang clause sa gitna):

"When Maria Ileana Pangilinan, days were going ... "

See? Si Maria ang subject, tapos may additional detail sa gitna about her, then walang action.

Moving on, hooking na ang blurb mo. Dagdagan na lang ng kaunting details, since na-introduce na ang main character (Ileana) pati ang magiging conflict/twist (Les Paul's arrival). I love the ending part though. Nakaka-hook talaga 'yon kasi nasabi doon ang themes ng story.

| PLOT [Chapters 1–9] 

Kung tutuusin, common na ang setup na school, but what I liked about your story is you deviated from that. Because of the setup of the setting and the characters, naging unique siya (to be expounded more on the following sections) So ang plot mo rito ay ang journey ni Ileana sa school, which involves her own dreams and discovering/realizing new things (because of Les Paul probably).

Nasa umpisa pa lang ng story kaya wala pang gaanong makokomento rito. But, it already has the potential to become something really beautiful and heartbreaking. Marami na ring narireveal like their pasts regarding Contherson, Ileana's dreams, etc. Maganda rin na nag-incorporate ka ng lessons/realizations sa kuwento mo, since maaaring makapulot ang mga readers ng aral. All in all, good job.

| WRITING STYLE / NARRATION

To be honest, napapangiti ako rito sa narration ng story mo. The details of the setting, the actions of characters, pati 'yong iniisip ni Ileana, are described SO WELL that it's just insane, really. Buhay na buhay ang kuwento dahil dito. Mayroong mga simpleng bagay/aksyon na napapahaba dahil sa pagkaka-describe. This is probably one of your writing srengths. Medyo flowery ang prose but not too much na hindi na naiintindihan ng readers, balanced naman. Tipong nagkukuwento lang si Ileana, but the subtle things... lahat ay naina-narrate sa mga chapters. May disadvantage nga lang ito which I'll discuss after this section.

• One thing na maiko-comment lang dito siguro ay ang 'yong paggamit ng fancy tags.

Example:

Wordsmith Tavern [Closed]Where stories live. Discover now