ER1 | Truly, Madly, Crazily

216 18 29
                                    

• • •

Author: 1jeixx
Critic: Aphrodisia_11

Warning: The critique will contain vulgar words due to the word choices on the story.

| BOOK COVER

The book cover is simple but it's eye-catching which is good. I justifies the story's genre and it also hints that it is an Erotica so good job in this part dahil binigyan mo ng hint ang readers using book cover.

| TITLE

The title speaks of Romance which is good dahil binibigyan mo ng hint ang readers mo na itong akda ay mayroong romance sa loob. However, romance po ang lumulutang at medyo kulang sa erotica. That’s okay since nakita ko sa isa mong chapter na ito ay kanta, na connected pala ito sa kanta and that’s good.

| BLURB

I would definitely give the blurb an A because it uses the correct formula of blurb and it's a big thumbs up, author. It wasn't dumping a lot of information and minimal lang talaga ang pagbibigay ng information. Parehong naipakilala ang characters so I am giving you a big thumbs up for the blurb. Not just that, it piques the readers' interest, but it's also well-structured. Good job.

| PROLOGUE

The Prologue was a good start because it can spark the curiosity of the readers regarding their love story. Napansin ko rin po sa Prologue natin ay more on telling. Bawasan po ito and more on showing and body language po sana para po mas ma-imagine and to avoid telling na rin po.

| PLOT

It didn't take long for me to grasp the plot and that's good dahil nakikita ng readers na mayroong patutunguhan ang kuwento. Isa sa nakakagulat dito ay ang ugali ni Jacob. Doon bumawi dahil hindi niya tanggap si Hannah. Makikta mo ang flaws ni Jacob at makikita mo rin ang rason ni Hannah kaya siya nagtatrabaho as bayaran. Isa sa maganda rito ay hindi siya tinanggap ni Jacob kaagad. Pinili niya ang prinsipyong pinaniniwalaan niya tungkol sa mga “magdalena” which gives a good message.

For me, medyo cliché na rin kasi ang ibang tagpo pero what matters most is the message. It may be simple, often used, but what’s good about it was the way you mirrored the society by simple situations and words. Totoo, hindi lahat ay natatanggap iyon at mas lalong hindi lahat ay nauunawaan ang situwasyon ng mga babaeng ito.

Plot Holes

- Napansin ko kasi, doon sa Chapter 1, magaling daw sa s*x itong si girl, pero virgin siya. Sa akin lang, mayroon kasi talagang magaling kahit na first time pa lang nila, kaya lang for a first timer ay medyo… magaling ‘ata si Hannah hikhok. Katulad nga noon, first time niya, wala bang signs na nanginginig siya or kinakabahan dahil first time niya noong mga oras na iyon? Ang tip ko lang po ay lagyan natin ng kaunting kaba o kaya naman ay maipakita na hindi siya sanay.

- Chapter 2, ang sabi ni Hannah ay babaeng bayaran siya, pero bakit nagko-contradict doon sa isang statement niya na nagsasabing hindi naman daw siya katulad ni Joy? Sumasayaw lang siya as Lady Rose pero ang sabi roon sa una ay nagpapabayad siya. Please make it clear. Suggest ko po talaga rito is gumawa ng outline to avoid plot holes.

- Nakakagulat ang isang pangyayari sa Chapter 2 kung saan na-operahan kaagad ang nanay niya na walang pasabi man lang. Alam ko kasi, sa hospital, hindi naman kaagad ma-ooperahan ang isang tao na hindi informed ang guardian days before, unless urgent. But if it’s urgent, hindi ba dapat ay tinatawagan ng nurse ang guardian para ma-inform ang guardian or to get the permission of the guardian?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wordsmith Tavern [Closed]Where stories live. Discover now