S16 | Forgotten

95 10 5
                                    

• • •

Author: RileyAvery
Critic: oliviaaatale8

| BOOK COVER

The book cover has a good combination of the images and the faded effects. Ang ganda ng pagkaka-faded ng title at ng babae sa cover. Hindi masyadong marami ang components ng cover na nakakapagpasakit sa mata minsan kung titingnan.

Siguro suggestion lang na ang kulay ng title mo is medyo i-darken mo pa para mas ma-emphasize ito. 'Yong font style and the font color ng name mo sa taas ng cover is good. Maayos siyang nakikita at nababasa.

| TITLE

Tugmang-tugma 'yong title sa story mo. Sa blurb pa lang ng story mo, malalaman mo na agad kung bakit "Forgotten" ang title ng kuwento. Medyo cliché 'yong word na ginamit mo for the title pero ang maganda dito is short and catchy ito. It is a good key point na nakita ko for your story kasi nagawa mong ilagay 'yong main idea ng story sa iisang word na pamagat.

Suggest lang, try to use other terms or words na sa tingin mo is magdadala pa ng excitement pag nabasa nila yung title mo.

For example: Forgotten
Other terms: lost, unremembered, abandoned, buried, gone.

| BLURB

Sa blurb, napaka-consistent ng language na ginamit mo. Direct to the point mo agad na nasabi 'yong sypnosis ng story mo. Isa pa sa kahanga-hanga dito ay kahit mahaba ang blurb, nakuha mo pa rin na lagyan ng mysteries 'yong story lalo na noong nag-iwan ka ng isang short sentence bago yung mga tanong sa baba. Keep it up!

| PROLOGUE

Ang galing kung paano naglaro 'yong mga salita sa bawat talata. Hindi masakit sa mata o pakinggan 'yong mga malalalim na salita sa Filipino na ginamit mo tulad ng relong pang-bisig, gangis, etc. Ang ganda ng pagkakahalo ng dalawang lenggwahe, kahit kasi na gumagamit ka ng Filipino, alam mo pa rin kung paano isisingit 'yong English na hindi magmu-mukhang conyo ang dating.

Kahit mahaba 'yong Prologue mo, 'di ako nakakita ng mga scene na "paningit" 'yong dinadagdag para humaba yung mga sentence. Direct to the point 'yong pagkaka-describe mo sa settings at sa kung paano siya humingi ng tulong nang dalhin siya ng lalaking driver sa ibang lugar.

'Yong excitement tsaka tindi ng emotions, naipakita nang maganda lalo na sa pag nagbabalik 'yong bida sa alaalang namatay 'yong kaibigan niya tsaka doon sa konsensya na bumabagabag sa kanya. Good job sa mga malalalim na words na ginamit mo para tumindi yung emotions.

| PLOT

'Yong plot ay nag-revolve talaga kay Liah na naging Lisa. Every chapter, unti-unting nari-reveal 'yong ibang mga nangyari sa past ni Liah. May mga scene pa nga na parang nakakarinig siya ng mga bumubulong sa kaniya na nagiging cause ng pagkasakit ng ulo niya dahil sa kakaiisp.

Hindi cliché 'yong story. 'Yong uniqueness ng story makikita mo sa writings pa lang tsaka sa execution ng mga scenes. Good job!

Suggest lang na bigyan mo ng point of view 'yong mga taong naiwan ni Liah sa past or kahit 'yong dalawang parents na kilala ni Lisa. Sa tingin ko, makakadagdag 'to ng excitement o kaya ng mystery especially paano ba pilit binabaon nila Tatay at Nanay 'yong tungkol kay Lisa o ano na ba nangyari sa mga naiwan niya kung hinahanap ba siya o pinapahanap.

Wordsmith Tavern [Closed]Where stories live. Discover now