CHAPTER 2

1.6K 69 1
                                    

"Nandoon na sa kwarto mo ang uniform mo. Bilisan mo na riyan." Kumakain ako ngayon sa dining at as usual wala na naman akong kasabay, pero ayos lang, mas sanay pa ako sa sanay.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis.

"Ang ikli naman." Halos magdikit ang kilay ko sa pagsalubong dahil sa ikli ng skirt ng uniform. Ayaw na ayaw ko pa naman sa maiikli na skirt.

Pero wala akong choice kaya sinuot ko nalang ito at sinukbit ang bag pagkatapos ay bumaba na at tinungo ang garahe. Sumakay kaagad ako sa Mercedes Maybach Exelero ko — ako mismo ang bumili ng isang 'to.

Pinaharurot ko iyon patungo sa school na papasukan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumuntong hininga habang nagmamaneho.

Kaagad kong pinark ang sasakyan ko sa parking lot ng school at bumaba na roon, sinalpak ko sa tenga ko ang earpods ko at naglakad na parang walang pakealam sa paligid.

"I.D. Miss." Pigil sakin nung guard nang makapasok ako.

"Transferee ako, pero heto ang info ko, kukunin ko pa sa dean ang I.D. ko." Pinakita ko pa sa kanya ang info ko.

"Sige miss, pasok ka." Kaagad naman akong lumakad papasok sa loob.

Syempre, pagkapasok ko pa lang ay bumungad na sakin ang iba't ibang klase ng estudyante.

Syempre, andyan yung mga nerd na feeling loner sa gilid at palaging libro ang kaharap, yung mga papoging lalake na akala mo naman ay gwapo, syempre, hindi mawawala yung mga chismosa na panay ang bulungan kahit naririnig ko naman.

Napailing-iling nalang ako saka naglakad patungo sa dean's office para kunin ang I.D. at student info ko.

Clinton's POV

"Naks! May ibang estudyante na palang malakas ang loob na magpark sa parking spot mo, 'no, Clint?" I tsked when Hashiro playfully smacked my head when he said that.

I stared at the Mercedes Maybach Exelero na nakapark sa parking space ko. The audacity of the owner to park on the space of the king, which is me by the way.

"Hand it to me, Asher." Utos ko kay Asher at ibinigay nya naman kaagad ang spray paint. This is what always happens kapag may ibang nagpark sa parking spot ko.

I started painting the side of the car. Ang mga kaklase ko naman ay binabasag ang lahat ng pwedeng basagin.

"Tsk. Ang lakas ng loob kalabanin tayo." It was Bryle who said that. James playfully smack his head.

"Ano ka ba, baka naman kasi bago, ngayon ko pa nga nakita yan eh."

I hissed, "Let's go." Saad ko at nagpasiunang naglakad papasok sa campus.

SKY

"Seryoso dean? Sa last section? Saklap naman!" Bugnot kong saad nang makuha ang info ko. Anak ng tokwa naman kasi! Sa last section pa ako napunta, yun pa namang mga last section ang kadalasang pinakaworst.

"Hija." Ngumiti sya sakin pero yung ngiting naasasar, "Gusto mo ireread ko lahat ng records mo?" Puno ng sarkasmo nyang saad, napasibangot ako.

"Tsk. Oo na." Patamad akong tumayo mula sa visitor's chair saka pabagsak na isinara ang pinto.

Wala akong planong pumasok ngayon, kaya naman bumalik ako sa gate kaso nakabantay don si mamang guard at sigurado akong sisitahin nya ako kung aalis man ako.

Luminga-linga muna ako sa paligid hanggang sa mapadpad ang paningin ko sa bakod na nasa likod ng isang classroom.

Pasimple akong pumunta roon at inakyat yon ng walang paligoyligoy. Hindi naman ganon kataas kaya madali lang maakyat.

"Yeeeess!" Sigaw ko nang makalabas na sa school, dumiretso ako sa parking lot kung saan nakapark ang kotse ko.

Ngiting-ngiti ako habang naglalakad pero kaagad yung nawala at napalitan nang pagsasalubong ng kilay, halos mawala na ang pagitan ng kilay ko sa nakita.

Bwesit! Mamatay sana gumawa nito!

Yung sasakyan ko! Putangina, basag lahat ng bintana pati windshield na nasa harapan tapos punong-puno ng maraming pintura ang gilid.

Halos maiyak na ako sa nakita ko, ako pa naman bumili nito, hindi pa 'ko nanghingi ng pera kila mommy, aish!

Nakarinig ako ng mahihinang pagtawa sa may likod ko at ramdam ko rin ang mga tingin nila. Lumingon ako roon at halos manggalaiti ako sa galit dahil tinatawanan nila ako.

Sila siguro gumawa nito.

Tsk, akala siguro nila wala na akong ibang sasakyan. Kinuha ko agad ang cellphone ko na nasa bulsa ng uniform ko at tinawagan si Mang Rudy, ang driver namin sa bahay. May sarili kasing driver sina mommy, tapos si Mang Rudy, driver ko sya pero dahil marunong naman ako mag-drive pang emergency nalang sya.

"Hello Ma'am." Kaagad nyang sabi nang sagutin ang tawag ko.

"Pakidala yung isa kong sasakyan mang Rudy, tapos mag-dala kayo ng mga tao, patapon nyo na tong kotse ko, sira na eh, may sumira kasi." Nakatingin na ako ngayon sa Mercedes ko at salubong parin ang kilay.

"S-sige po ma'am." Halata ang gulat sa tinig nya pero hindi ko na iyon pinansin at binaba na ang tawag.

Halos ilang minuto na akong nag-aantay at nandito parin yung bwesit na mga lalake na tumatawa. Mga lima silang lahat iba ang uniform kaya sigurado akong taga ibang school sila.

At sa wakas. Dumating na rin si Mang Rudy dala ang Porsche ko at may kasama rin syang mga tao ni daddy.

"Heto po ma'am." Kaagad kong kinuha ang susi na nasa kamay nya at sumakay sa Porsche ko pagkatapos ay pinaharurot iyon palayo sa school.

The Worst Section's Brat [✓] Where stories live. Discover now