CHAPTER 5

1.4K 59 4
                                    

Alam nyo yung feeling na parang hindi ka nageexist? Yung nandyan ka pero hindi naman napapansin, yung para kalang hangin.

Feel na feel ko yan ngayon.

Isang linggo na ako dito sa section na to pero hindi ko parin sila kilalang lahat maliban kay Hash, Clinton at sa jowa nyang si Mia Arkanghel.

Ang mas masaklap pa ay hindi nila ako pinapansin maliban kay Hash, sya lang ata ang pumpansin sakin eh. Tapos yung isa ko pang pinagtataka ay kung bakit pinapalipat ako ng mga teacher.

Hatid sundo naman ako ni Clinton pero pasekreto lang yon, pero ngayon hindi na, naiinis na kasi ako sa kanya nitong nakaraan. Palagi kasi nyang inuuna ang girlfriend nya kaya naiiwan akong nakatunganga, mabuti nalang ibinigay na ni dad ang susi ng mga sasakyan ko kaya hindi ko na kailangan sumabay sa lintek na anak ni satanas na si Clinton.

"Suot mo pa 'tong isa, Sky." Rinig kong saad ni Hash sa gilid ko. Bumili kasi ako ng isang balot ng chuchirya kanina, tapos hindi ko naman alam na may laman pala iyong mga laruan, singsing halos, kaya ako pa tuloy napagtripan ni Hash. Isinuot nya lang naman sakin ang lahat.

"Ayoko na. Puno na kamay ko oh." Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko na puno na ng laruang singsing, napanguso naman sya.

Akmang magsasalita ulit sya nang biglang sumigaw yung isa naming kaklase.

"Naghahamon ang Aries, sa likod daw ng school." Bigla naman silang nagtayuan kasama na si Hash.

Asan kaya sila pupunta?

Ayoko rin namang mangealam kaya naman hinayaan ko nalang, bahala sila sa mga buhay nila, para naman kasing hindi nila ako tanggap dito.

Nakatunganga lang ako sa kawalan nang biglang may mga estudyanteng hinila na lang ako basta basta.

"Ano ba!? San nyo-" Napatigil ako biglang sa pagsasalita nang mapagtanto kung saan nila ako dinala.

Sa likod yun ng school, nandoon halos lahat ng estudyante, karamihan lalake. Nakipagsiksikan ako para mapunta sa harapan para mapagtantong mali ang ginawa kong pagpunta.

Hindi alam ng school to? O talagang wala silang pakealam?

Bagsak lahat ng mga kaklase ko tapos si Mia hawak ng isang lalake habang may duck tape sa bibig. Pabiro pang hinawakhawakan nung lalake ang hita nya at todo piglas naman sya.

Lalo pa akong nainis sa eskwelahang to nang makita ang bawat lalake na may hawak na baril na itinutok sa mga kaklase ko.

Hindi na tama to.

Nakita kong pilit nilang pinatayo si Clinton na halos bugbog ang buong katawan at mukha.

"Tingnan mo nga naman oh. Ang leader ng worst section napatumba ko." Saad nung ungas habang nakatutok ang baril kay Clint, "Ngayon, tingnan natin kung ano pang magagawa mo dito." Akmang kakalabitin nya ang baril nang walang alinlangan ko iyong sinipa kaya nabitawan nya.

Batid kong lahat ng atensyon nila ay nasa akin dahil ramdam ko ang tingin ng lahat, maging ng mga kaklase ko.

"Sino ka naman!?" Pasigaw na tanong sakin nung lalake nang makabawi sa gulat. Hindi ko sya sinagot at nanatili lang na nakatingin sa kanya ng walang emosyon.

Sinenyasan nya yung mga nasan nya na hindi hawak ang mga kaklase ko, marami kasi sila. Halos sabay-sabay silang sumugod sakin pero hindi ako natinag.

Panay ang suntok at sipa ko, walang pakealam kung sino man ang matamaan hanggang sa napagtanto kong lahat sila bagsak na at dinadaing ang bawat tama na natamo.

Bigla namang sumugod yung leader ata nila. Akmang susuntukin nya ako sa mukha nang umilag ako dahilan ng muntik nyang pagkatumba, hinawakan ko ang batok ng damit nya saka inikot ang kamay ko sa leeg nya.

"Pakawalan mo ang mga kaklase ko, o ako mismo ang papatay sayo." Sinabi ko iyon sa pinakanakakatakot na paraan, sinipa ko palapit sakin ang baril na nabitawan nya kanina saka iyon pinulot habang sakal sakal parin sya.

"B-bitawan..m-mo..'k-ko." Nahihirapang saad nya pa pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya dahilan para mapaubo sya.

"Sundin mo nga ang sinabi ko." Halos hindi na sya makahinga sa higpit ng pagkakasakal ko sa kanya, napapikit-pikit pa sya.

Isenenyas nya sa mga kasama nya na pakawalan ang mga kaklase ko, ibinaba naman nila ang mga baril nila saka pinakawalan ang mga kaklase ko.

"B-bitawan m-mo na ako." Dahan-dahan kong niluwagan ang pagkakasakal sa kanya pero nakatutok parin sa ulo nya ang baril.

Napaubo-ubo pa sya nang bitawan ko saka ako binigyan ng masamang tingin bago tuluyang umalis.

Bumuntong hininga ako saka kinuha ang panyo sa bag ko at pinunasan ang baril saka iyon ibinaba sa sahig at sinipa palayo.

Nakahinga ako ng maluwang nang magsialisan ang mga estudyanteng nakapaligid samin. Pero nagsalubong ang kilay ko nang masalubong ang masamang tingin ni Mia, yung tingin na parang sinusumpa nya ako.

Luh? Anong ginawa ko?

The Worst Section's Brat [✓] Where stories live. Discover now