CHAPTER 10

1.2K 51 0
                                    

Una, yung engagement ko kay Clint, pangalawa yung paghahanap sa kakambal ko, pangatlo si Tchauder, pang-apat yung galit ni Mia, panglima, kung bakit napadpad sa casa inferno ang worst section, pang anim itong bwesit na home activity.

Nakakinis. Sunod-sunod na problema dumadating sakin, nakakabwesit rin yung mga teacher ah.

Pinoproblema ko kasi yung home activity na ipinapagawa samin. Ang mas masaklap pa, parang mas lalong nagalit sakin si Mia.

"Ma'am, hindi po ba pwedeng magpalit ng partner?" Sabi na eh, duo kasi itong activity na to pero ang hindi ko maintindihan kung bakit si Clint ang kailangan kong makapares.

"No Ms. Arkanghel, that's final." Lagot na! Yung tingin sakin ni Mia ay yung parang handa na syang patayin ako.

"Anyway, we're having a retreat this coming next week. Prepare yourselves." Saad ni Ms. pero para lang yong hangin na dumaan lang sa pandinig ko.

Iniisip ko lang yung mga problema ko habang nagkaklase, hindi ko alam kung anong ginawa ko para madeserve lahat to.

Siguro nung umulan ng kamalasan sakin napunta lahat.

"Hoy! Ano ba!" Napaigtad ako dahil sa lakas ng tawag na iyon. Sinamaan ko ng tingin ang gagong may gawa non, si Clinton.

"Bakit ba!?" Inis na sigaw ko pa sa kanya, kitang nagiisip yung tao eh.

"San natin gagawin yung home project?" Tanong nya sakin, nangunot naman ang noo ko. Ipinalibot ko ang tingin ko at putang'ina! Hapon na? Tulala ako buong maghapon.

"Anong nangyare? Nag-isip lang naman ako ah, bat naging hapon na?" Wala sa sariling tanong ko pa. Ano yon? Magic?

"Tulala ka buong araw, nakatulog ka hindi ka namin ginising. Nagising ka around 2 pm in the afternoon then tulala ka na naman ulit." Saad nya pa, palaki naman ng palaki ang mata ko.

Seryoso Ginawa ko iyon?

Nameke ako ng ubo saka sinalubong ang tingin nya. "Sa inyo na lang." Nagpaaiuna pa akong maglakad palabas patungo sa parking lot.

Kaagad akong sumakay sa kotse nya at sumunod naman sya, pinaharurot nya iyon patungo sa bahay nila.

Napatingin ako sa cellphone ko nang my magtext don. Kaagad kong binuksan iyon nang makitang si Shan ang nag text.

From: Shan

'Clinton Blake Clifford, the heir of Clifford Industry, may girlfriend syang si Mia Arkanghel.'

Nangunot ang noo ko, lahat ng nandito ay alam ko na, yung pinagawa ko kasi kay Shan ay ang imbestigahan si Clinton, at hanapin ang kakambal ko.

Io-off ko na sana ang cellphone nang bigla iyong tumunog ulit, tiningnan ko muna si Clint na busy sa pagdadrive bago buksan ang message.

From: Shan

'Sya ang leader ng Dark Camp Gang, sya rin ang namumuno sa isang malaking grupo ng mafia, well, sort of. Yung mafia mo parin ang pinakamalaki. He entered the underground world when he's 15. May kasama syang namumuno, it's Tchauder Scoth, yep, magkakampi sila dahil magpinsan sila. Clinton Blake Scoth Clifford.'

Kaagad akong kinabahan sa nabasa, what the heck? Kalaban ko si Tchauder ibig sabihin kapag nalaman ni Blake na kalaban kami edi may gagawin rin sya sakin?

"Hey" Natinag ako sa pag-iisil nang bigla nya akong tawagin. Tiningnan ko sya bago sumilay ang pilit na ngiti sa mga labi ko.

"May iniisip lang." Tumingin na ako sa labas ng bintana pagkatapos sabihin iyon. Ilang minuto rin akong nakatunganga roon hanggang sa marating namin ang bahay nila.

Kaagad kaming inasikaso ng mga maid, inaya naman nya ako sa study room daw nya.

Sanaol may study room!

Naaalala ko pa, pinagawan rin ako ng dad ng study room pero dahil wala naman akong balak magstudy, ginawa nalang iyong bodega.

Malaki ang study room nya, may dalawang computer, isang malaking study table, may mga bookshelves na puno ng mga libro.

"Ano bang topic?" Tanong nya sakin at humarap sa PC nya, kumuha naman ako ng libro at kunwaring nagbabasa.

"Plans for the environment daw." Tumabi ako sa kanya, saka nakiusyoso sa ginagawa nya.

"What—" Pareho kaming nabigla nang bigla nalang syang tumingin sakin, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, as in sobra, halos isang hibla nalang ang pagitan.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pag galaw ng parang mga paru-paro sa loob ng tyan ko.

"Sir, andyan na po ang mommy at daddy nyo, may bisita po sila, pinapababa na po kayo." Saad ng isang maid nila na nagpabalik sakin sa realidad.

Ako ang unang iniwas ng tingin saka nameke ng ubo. Bigla nalang nyang hinawakan ang kamay ko saka hinila pababa.

Hindi ko maialis ang paningin ko sa kamay naming magkahawak. Kelan pa ba bumilis ng ganon ang tibok ng puso ko? May sakit naba ako? Magpapacheck-up naba ako?

"Skylar?" Nagulat ako nang marinig ang pamilayar na boses na iyon. Nilingon ko ang pinanggalingan nun at nanlalaki ang mga mata nang makita kung sino ang naroon.

"Mommy? Daddy?" Tanong ko at naramdaman kong humigpit ang hawak ni Clint sa kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya naman kaagad kong binitawan ang kamay nya.

Alanganin akong napatingin kila mommy at halos lumuhod na ako sa kakahiling na sana lamunin na ako ng lupa.

The Worst Section's Brat [✓] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora