CHAPTER 14

1.1K 53 23
                                    

Kaagad akong napatayo nang sabihin 'yon ni Shan. "Sino?" Aligagang tanong ko sa kanya at hinawakan pa sya sa balikat para tingnan ako. "Sino sya? Pano mo sya nahanap? Sigurado kaba? Ano?" Sunod-sunod na tanong ko kaya mahina syang napatawa.








"Chill, isa-isa lang ang tanong." Saad ni Shan at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. "So, sino nga?" Tanong ko uli sakanya, this time ay kumalma na'ko.








"Si—" Hindi nya naituloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto, sabay kaming tumingin ro'n. "Ah eh, andyan na kasi sina Clint at Mia, Sky." Saad ni Asher na kakamot-kamot pa sa ulo.








Tiningnan ko si Shan, "Mamaya mo nalang sabihin." Tumango naman sya saka lumabas. Saktong pagkasara niya ay bumukas uli ito saka pumasok sina Clint.








"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko pagkapasok palang nila. "Rude." Rinig kong bulong ni Mia kaya napairap nalang ako.








"We're here to check you up." Saad ni Clint, lumingon ako sa gawi nila saka sya pinagtaasan ng kilay. "Bakit? Doktor ba kayo?" Tanong ko sa kanila ulit, nang-aasar.






"I guess you're fine." Saad ni Clint saka inilapag sa bed side table ang dala nilang basket ng prutas saka walang sire-serimonyang umalis. Padabog pa nyang isinara ang pinto kaya napairap ulit ako.






Bumukas ulit ang pinto at sunod-sunod na pumasok ang mga kaklase ko, unang pinuntahan ni Nathan ang basket ng prutas na dala nila Clint, napatawa pa ako dahil nag-uunahan pa sila sa pagkuha.
















Ang tatakaw talaga kahit kailan.








Bumukas ulit ang pinto at halos sabay-sabay kaming tumingin doon. Akala ko ay si Shan ngunit biglang nagbago ang mood ko nang makita sina mom at dad sa pintuan.










"Sa labas muna kami, Sky." Saad ni Klein, tumango ako sa kanilang lahat, dala-dala pa nila ang basket ng prutas.










"Kung nandito kayo para sermunan ako, please wag muna ngayon." Panimulang bungad ko sa kanila. Bumuntong-hininga si Dad bago nagsalita.










"Nandito kami dahil nag-aalala kami sa'yo." Saad nya, sarkastiko akong ngumiti pero hindi na nag-abalang magsalita.








"Where's Shan?" Tanong ko nang mapansing hindi pa sya bumabalik simula kanina. "Pinauwi ko na. Sigurado akong pagod na ang pinsan mo." Saad naman ni mom kaya napabuntong-hininga nalang ako.










"May gusto rin sana akong sabihin sa'yo." Saad ni Dad kaya napatingin ako sa kanya. "After your 18th birthday, ikakasal na kayo ni Clint." Gulat na gulat akong napatingin sa kanya.










Masyado ko yatang prinoblema ang tungkol sa kakambal ko maging ang sa gang para makalimutan ang engagement ko kay Clint.






"Ha? Ba't sobrang aga naman yata?" Tanong ko, aba'y gago, hindi pa nga ako nakakaisip ng paraan para makawala sa lecheng engagement na iyon.








"Dahil sa nangyayari sa'yo." Itinuro nya pa ako saka sinuyod ng tingin ang buong katawan ko na puno ng bugbog. "If you'll be married with Blake, may poprotekta na sayo." Bat Blake ang tawag nya kay Clint? Parang hindi ako sanay.








"Kaya ko naming protektahan ang sarili ko." I insisted, totoo naman kasi eh.








"Kayang protektahan? Tingnan mo kaya yang sarili mo." Saad nya, napatungo naman ako. "Pero dad-" Hindi ko natapos ang sasabihin nang magsalita sya.








"No more buts, papakasalan mo sya sa ayaw mo at sa gusto mo." He said saka hinila si mommy palabas ng hospital room. Argh!! Bat ba punong-puno ako ng problema? Hay, mamaya na yang engagement na yan. Kailangan ko pang malaman sino ang kakambal ko. Lintek!












Kinuha ko ang phone ko saka idinial ang number ni Shan, naka-ilang ring ito bago nya sinagot. "Sabihin mo na kung sino sya."










"Your twin.." Hinintay kong tapusin nya ang sinasabi nya. "Is Clint."

The Worst Section's Brat [✓] Where stories live. Discover now