CHAPTER 19

950 44 0
                                    

'6:00 AM'




Alas sais na ng umaga pero hindi parin ako nakakatulog.


Bangag.



Binabagabag kasi ako ng nangyari kahapon kaya wala akong ginawa buong gabi kundi ang tumitig sa kisame at umisip ng paraan para hindi na magalit sa'kin si Clint.




Bakit ba kasi para syang babae kung magtampo? Aish.





Inis akong napasabunot sa sarili kong buhok at bumangon nang wala sa 'wisyo. Pumunta ako sa banyo saka nagtoothbrush bago naligo.






Pagkatapos no'n ay bumaba na ako para.. para ano nga ba? Nag-dadalawang isip ako sa kung ano ang gagawin ko. Gusto ko sana lutuan si Clint bilang peace offering pero hindi naman ako marunong. Kung mag-oorder naman ako ay parang wala namang effort 'yon.




Napabuntong-hininga ako saka kinuha ang cellphone ko na ipinatong ko kanina sa lamesa.



Nagsearch lang ako sa Google ng pwedeng lutuin na madali lang. Iyong hindi na kailangan ng sobra-sobrang kasangkapan. Wala naman akong ibang na-bet-an kundi iyong kaldereta.


Inilagay ko ang cellphone ko sa lamesa at ginawang stand yung baso, nakakatamad na kasi bumalik sa kwarto at kunin pa yong stand ng cellphone sa maleta ko.




Kinuha ko ang mga kakailanganin, may iba pang wala sa ref kaya nanghingi pa ako sa kitchen.





Namamawis ang kamay ko nang ilagay sa bowl ang kaldereta, pakiramdam ko ay maayos naman ang pagkakaluto pero hindi ko alam kung magugustohan nya.





Nakagat ko ang labi ko nang subukan kong gisingin si Clint pero nag- humm lang naman sya at bumalik sa pagtulog.




"Clint!" Sigaw ko pero hindi gano'n kalakas, pero wala paring nangyari. Hindi ko alam na tulog mantika pala ang isang 'to.





Wala na akong ibang maisip na paraan kaya kinuha ko ang unan at buong pwersa 'yong binato sa kanya.




.

"Fuck! What happened!?" Dali-dali syang bumangon, halos nakapikit pa ang mga mata nya at gulo-gulo pa ang buhok kaya hindi ko maiwasang matawa sa itsura nya.







"Sorry, gusto lang kasi kitang gisingin." Saad ko at ngumiti ng malapad. Inirapan nya ako saka tumayo at tinungo ang banyo.








"ANO TO?"






"Pagkain?" Patanong na sagot ko sa kanya nang magtanong sya pagkadating sa kusina. Basa pa ang buhok nya at ang fresh nyang tingnan sa suot nya.




"Tsk." Kinuha nya ang kutsara nang maupo sya sa upuan kaharap ko, naglagay sya ng kaldereta sa maliit na mangkok katabi ng plato nya.




"Ikaw ang nagluto?" Tanong nya matapos sumubo.



Tumaas ang isang kilay ko saka sumagot. "Oo, bakit? Hindi ba masarap?" Kinakabahang tanong ko.



"Okay lang."


Okay lang!? Ano yon!?


"Okay lang? Hindi ba masarap?" Nanghininayang na tanong ko saka bumuntong-hininga.





"Alam ko namang hindi ka marunong magluto." Saad nya at naglagay ng kanin sa plato nya pero bago pa man sya matapos ay binawi ko na ang plato sa kanya. Maging ang kalderetang niluto ko.





"Bakit? Anong ginagawa mo? Kakain ako." Nagtatakang tanong nya sa'kin, inirapan ko sya saka inilagay sa ref iyong kaldereta.




"Hindi naman masarap, nakakahiya naman sa'yo, oorder nalang ako." Sagot ko at ilalagay na dapat ulit sa lalagyan yong mga plato nang marinig ko syang tumawa.



Bakit ang gwapo nyang tingnan kapag tumatawa?




"Bakit? Siraulo ka na ba?" Tanong ko, hindi ko na nga nagawang isauli yong plato dahil napako ang tingin ko sa kanya.





"Nah, it's just that, I find it funny." Sagot nya habang tumatawa parin nang mahina.








"Ang alin?" Nagtatakang tanong ko. Hindi sya sumagot sa halip ay tumayo sya at pumunta sa ref.






"Because you actually think that's it's not good." Kinuha nya mula sa loob ng ref ang kaldereta saka inilapag 'yon sa mesa.



"Sabi mo kasi-."






"-I didn't say anything, ikaw ang nag-assume na hindi masarap ang luto mo." Pagputol nya sa sinasabi ko at umupo ulit. Hindi ko man lang namalayang kinuha nya na pala sa kamay ko ang mga plato.







"Kumain kana." Saad nya saka nagsimulang kumain.

The Worst Section's Brat [✓] Where stories live. Discover now