CHAPTER 16

1K 48 1
                                    

ALAM NYO ba 'yong feeling na para lang kaming hangin sa isa't-isa. Magkasama pero hindi ngpapansinan.




Putcha. Feel na feel ko 'yon ngayon.



Ano ba kasing nakain nina daddy at kelangan pa ng ganito? Psh, akala ko ba gusto nila akong mag-aral ng maayos? Bakit ngayon inuuna pa nila 'to. Minsan talaga ang gulo rin nila kausap.




"Andito na po tayo." Biglang saad ng driver namin, grabe ang tagal pala talaga ng byahe. Halos umaga pa lang kami umalis tapos nakarating kami dito ay mag-ga-gabi na.




Bumaba kaming dalawa ni Clint, pero ganoon parin. Walang pansinan, parehas kaming may sariling mundo. Wala akong pakealam sa kanya. Wala rin syang pakealam sa'kin.




"Bakit ba kailangan pa ng ganito?" Tanong ko sa sarili ko nang makapasok kami sa resort. May pa banda pa kasi sila tapos welcome welcome daw na kaek-ekan, nilagyan pa kami ng kwintas na parang ewan.



"Here's your room key ma'am, sir. You can call us anytime." Saad ng receptionist nang makapasok kami sa hotel, binigay nya ang key card, akmang kukunin ko 'yon pero nauna si Clint. Mang-aagaw.





Hindi nalang ako nagsalita at nanatiling tahimik. Sumakay kaming dalawa sa elevator. Ganoon parin, sobrang tahimik, as in parang a quiet place na kapag nagsalita or mag-iingay ka ay madedeads ka.





Bumukas 'yong elevator, may mga sumakay at sobrang dami nila. Naging dahilan rin 'yon para masiksik ako sa katabi ko, si Clint.





"Aray ko ano ba!" Pasigaw na bulong ko sa kanya nang matapakan nya ang  paa ko. Grabe tatanga-tanga.



"Tsk."




Ngayon ko lang napansin. Ang bango nya pala. Yung amoy nya, ang sarap sa ilong, hindi masyadong matapang. Teka nga.. kelan pa ako nahilig sa mabango?




Lihim akong napailing at hinintay nalang na makaabot sa floor kung saan naroon ang kwarto namin.





"Nakakapagod." Saad ko saka tumihaya sa sofa. Gusto kong magpahinga, sobrang haba ng byahe at buong byahe ay nakaupo lang ako. Parang namamanhid na ang p'wet ko.




"Are you hungry?" Nagulat ako sa tanong nya. Aba't bakit bigla nalang 'tong nagtatanong?





"Oo, bakit? Magluluto ka?" Nakangising saad ko.



"Well, are you hungry?" Ulit nya sa tanong nya. Tumango ako. "Then cook for yourself." Walang kwentang saad nya saka pumasok sa k'warto!



"Hoi! Tangina mo!" Sigaw ko sa kanya, aba, akala ko naman ay makakapagpahinga na ako.






Ayoko kaya magluto, mag-oorder nalang ako ng pagkain sa baba.




"Sa'n galing to?" Tumigil ako sa pagnguya at nilunok ang kinakain ko. "Sa baba." Sagot ko kay Clint saka ipinagpatuloy ang pagkain.




"Just like what I thought." He said out of the blue. Tiningnan ko sya saka pinagtaasan ng kilay. Hindi ko gets.




"I know you don't know how to cook." He said, smirking.




Tiningnan ko sya ng masama saka ibinaba ang tinidor na hawak ko. "Marunong akong magluto!" Sigaw ko at tumayo.





Tatawa-tawa syang umupo sa kaharap kong upuan. "Yes, you know how to cook." He said, sarcastically.



"Kaya ko nga!"





"Sige, kung kaya mo, anong niluluto mo?" .






"Hotdog saka itlog!" Confident na saad ko. Pero saglit lang ay natakpan ko ang bibig ko dahil narealize ang sinabi ko.




Napainom naman sya ng tubig habang namumula ang mukha. Tangina!




"Ilang itlog?" Tiningnan ko sya ng masama dahil sa itinanong nya. Napairap ako saka bumalik sa pagkakaupo.



"Kumain kana nga lang!" Saad ko nalang.



"Hay ang boring." Wala sa sariling saad ko habang nakaupo sa sofa. Humalukipkip ako saka nagpangalumbaba.




"Do you wanna take a walk outside?"



Gusto ko 'yan!!!



The Worst Section's Brat [✓] Where stories live. Discover now