CHAPTER 4

1.4K 55 1
                                    

Hindi ko parin matanggap na engaged na ako sa isang lalakeng walang modo, walang respeto at basagulero. Basagulero sya dahil sya yung nakita kong nay kaaway dun sa eskinita.

Oo nga, parehas kami, pero ang hindi ko matanggap ay ang engaged ako sa kanya. Sinubukan ko namang kausapin si dad kaso final na daw ang disesyon nya kaya hindi ko na daw mababago ang isip nya.

Ang mas masama pa, next year na yung kasal namin at pareho naming hindi yon gusto. Eto pa, classmate ko sya. As in, classmate! Sa worst section rin pala ang gago.

"Ano ba bilisan mo nga!" Speaking of the devil, nagrereklamo sya ngayon dahil ang bagal ko daw kumilos. Aba, sino ba nagsabi sa kanyang sunduin ako?

"Ayan! Bobo ka kasi, susunduin moko nang wala namang nagsasabi sayo tapos magrereklamo ka." Pabagsak kong isinara ang passenger seat ng limousine nya.

"FYI, sinabi to sakin ng dad mo at hindi ako makatanggi." Sus, aminin nang natatakot ka lang tumanggi.

Hindi nalang ako sumagot saka sinalpak sa tenga ko ang earpods ko saka tumingin sa labas ng bintana.

"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya nang bigla nyang hablutin ang earpods ko, ipinalibot ko ang tingin ko sa paligid at nasa school na pala kami.

"Wag na wag kang magkakamaling ipagkalat ang tungkol sa engagement natin, ako mismo ang makakalaban mo." Pinagtaasan ko sya ng kilay matapos nya iyong sabihin.

"Psh." Binuksan ko ang pinto saka nagpasiunang maglakad papasok sa campus nang may maalala ako.

Hindi ko nga pala alam kung saan yung worst section!

Nagpalinga-linga ako sa paligid saka dumako ang tingin ko sa isang grupo ng mga babae na nagkwekwentuhan sa may locker.

"Pwede magtanong?" Saad ko nang makalapit sa kanila, walang ekspresyon ang mukha ko.

"What?" Maarteng saad nung isa habang inikot-ikot pa ang buhok nya. Bumuntong-hininga ako, nawawalan na ng pasensya.

"Pwede ba kako magtanong?" Pag-uulit ko sa sinabi ko pero tiningnan lang nila ako saka nagmamadaling umalis. Napakunot ang noo ko saka naghanap ng ibang mapagtatanungan.

"Pwede magtanong?" Tanong ko sa isang nerd na nagbabasa ng libro sa may gilid.

"Ano yon?" Ngumiti sya sakin na para bang masaya syang may kumausap sa kanya.

"Asan ang worst section?" Tanong ko pa sa kanya.

"Ahh, nasa fifth floor yon, yung pinakadulo na room." Saad nya pa, tumango naman ako saka nagpasalamat bago tinungo ang fifth floor.

Nasa pinakadulo ang room namin at tambak ang mga basura doon. Nandidiri akong nakatingin sa paligid bago pinihot ang doorknob.

Pagkapasok ko palang ay ramdam ko na ang tingin nilang lahat sakin. Yun bang parang nasa akin ang lahat ng atensyon nila.

"Transferee?" Tanong sakin nung lalaking medyo singkit. Tumango ako, tumungo naman silang lahat kaya naman umupo ako sa pinakadulong upuan.

Napansin ko lang, halos lahat sila lalake at wala pa akong nakikitang babae na kaklase ko na ipinagtaka ko. Ilang minuto lang ang lumipas pumasok ang pahirap sa buhay ko at may kasama syang babae.

Nakaakbay sya sa babae kaya jowa nya yun sigurado ako, hindi maipagkakailang maganda yung babae kaya hindi ko maiwasang magtaka kung bakit sya napunta rito.

"Ang aga naman ng love birds." Biglang sigaw ng isa sa mga kaklase ko at nagtawanan naman ang iba.

"Hi, Ako pala si Hashiro Takahashi." Biglang may nagsalita sa tabi ko kaya tiningnan ko iyon, sya yung lalakeng medyo singkit, inilahad pa nya ang kamay nya sa harap ko.

"H-hello, Skylar Kieth Garcia." Tinanggap ko yung kamay nya saka naman sya ngumiti ng napakalapad halos mawala na yung mata nya.

"Pwede ka bang maging friend?" Parang batang ani nya kaya medyo natawa ako, may pagkaisipbata pala ang isang to.

"Oo naman." Nakangiting sagot ko at ngumiti rin sya kaya naman natawa ulit ako, halos mawala na kasi yung mata nya.

The Worst Section's Brat [✓] Where stories live. Discover now