CHAPTER 11

1.1K 50 0
                                    

"So, what are you doing here Skylar?" Napatingin ako kay daddy nang itanong nya 'yon, nasa dining kami ngayon at kumakain ng dinner.

"Home project." Maikling sagot ko habang salubong ang kilay, nakakainis! Sobra, yung tipong gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa.

"Hmm. Kailan ka pa naghome project?" Tanong nya ulit sakin, salubong ang kilay na iniangat ko ang tingin ko. Pakiramdam ko kasi ay binibigyan nya ng ibang dahilan ang pagpunta ko rito gayong ang home project naman talaga ang sadya ko.

"Ngayon lang, I guess?" Bawi ko sa kanya at para namang napapahiya syang nameke ng ubo. Alam kong gusto na nya akong sermonan o pektusan pero hindi nya magawa dahil wala sya sa teritoryo nya.

"So, I heard that you're having a retreat next week, so I expect that you and Clinton will have a great time." Sabad naman ng daddy ni Clint. Napatingin ako kay Clint na tahimik lang na kumakain sa tabi ko habang salubong pa rin ang kilay.

"Kasama namin ang mga kaklase namin." Pasimple akong napangiwi sa sagot nya, naaaning naman kasi itong mga magulang namin. Kung ano-ano na iniisip.

"Well, it's a great time for the both of you." Sagot naman ng daddy nya, hindi na sya nag-abalang sumagot at nagpatuloy nalang sa pagkain, ganon rin ako.

Ilang saglit lang ang lumipas ay natapos na kami sa pagkain. Nanatili kaming tahimik ni Clint habang nag-uusap ag mga magulang namin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nagpaalam na silang lahat dahil may kanya-kanyang appointments daw. Naiwan naman kami ni Clint na nakatunganga lang sa kung saan.

"Bakit parang hindi ko naman narinig na in-announce ng kahit isang teacher na may retreat ah." Wala sa sariling saad ko at tumingala na parang nag-iisip.

"Nag-announce si Ms. Mendel, lutang kalang. You didn't heard it, or maybe you heard it but your brain didn't processed it." Napatingin ako kay Clint nang sabihin nya iyon. Napatungo ako.

Ganoon ba ako ka lutang?

Nagkibit balikat nalang ako at nagpasiunang maglakad papunta sa study room nya.

Nang dumaan ako sa isang pasilyo ay nakuha ang pansin ko ng isang vase na napapalibutan ng maraming puting bato. Sa gilid nyon ay may sliding door at kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang veranda.

Binuksan ko ang pinto at kaagad na sumalubong sakin ang preskong hangin na nagmumula sa harden na syang nasa harap ng veranda. Napangiti ako nang makita ang fountain at nakaisip nang magandang ideya.

Kumuha ako ng maraming bato saka inilagay iyon sa sahig sa may veranda, nagkalat pa 'yon pero hinayaan ko lang. Para akong bata na nagtatatalon habang binabato ang fountain ng mga bato.

Hanggang sa makarinig ako ng yabag papalapit. Lumingon ako sa pinto sa veranda at naka-crossed arm na humarap roon.

"What the—!" Maging ako ay nagulat nang bigla nalang magslide ang isang paa nya sa mga bato na nakakalat sa sahig.

Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ko, kaagad kong hinawakan ang kamay nyang nakaangat, na sana ay hindi ko nalang ginawa!

Whaaa karma ko na ba 'to?

Dali-dali akong tumayo saka tumakbo sa kung saan. Pumasok ako sa isang silid at kaagad yong sinara. Nasapo ko ang noo pati ang dibdib ko.

Shit! Ano na ngayon!?

Napapikit ako habang pinapakalma ang sarili ko. Lagot na! Sinapo ko ang dibdibko kung saan ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kalma lang heart!

Kung bakit naman kasi! Huhuhu. Yung first kiss ko. Nakuha ni Clint ang first kiss ko! Sana pala ay hinayaan ko nalang syang matumba!

Habol ko ang hininga habang pinapakalma ang sarili. Sapo-sapo ko parin ang dibdib ko habang pilit pinapakalma ang puso kong parang nakikipagkarera.

Nang kumalma ay kaagad akong tumayo at inayos ang sarili hanggang sa dumako ang tingin ko sa bedside table nitong kwartong napasukan ko.

Nilapitan ko iyon at pasimpleng napangiwi nang makita ang picture frame na nakapatong roon. Picture iyon Mia at Clint.
Pareho silang nakangiti kaya hindi ko maiwasang mainggit. Kitang-kita kasi ang pagmamahal nila sa isat-isa, yung kialap ng mata na sa mga taong in love mo lang makikita.

Hindi naman sa nagpapakabitter ako o ano, pero hindi talaga ako naniniwala sa salitang love. Love only exist to some. But me? Hindi sakin.

Mapakla akong tumawa saka lumabas na sa silid.

The Worst Section's Brat [✓] Where stories live. Discover now