SC II: FAMILY AND HOME

567 25 0
                                    

MARRIED LIFE isn't easy at all, and Clint can say it's true. His married life with Sky isn't easy, mayroon talagang mga araw na nag-aaway sila, hindi nagkakaintindihan. But before they would go to sleep, they always make sure to make up.

And the hardship never ends at that. Mas lalo pang mahirap ang pagiging magulang, parenting is so hard but as a parent, they loved their children so much.

Pero may mga araw talagang nasasagad ang pasensya n'ya.

Kagaya nalang ngayon, wala si Sky sa bahay dahil nasa hospital, at dahil wala s'yang hearing or meetings, s'ya ang nagbabantay sa kambal nilang anak, hindi sila kumukuha ng kasambahay dahil hindi kampante si Sky na pabantayan sa iba ang mga anak.

It's Ciah and Seil. Ciahnna Shanelle and Seilianna Camille. They're just ten years old.

Both are girls, pero ang ugali ng mga ito ay parang lalaki, masakit sa ulo. Kapag wala si Sky sa bahay ay hindi mapipigilan ang dalawa, walang nakakaawat sa mga ito. Kahit sa kanya ay hindi ito nakikinig, maliban na lang kung talagang galit na s'ya.

"Seil! Linisin mo 'tong kalat mo!" Sigaw n'ya sa anak na nasa second floor ng bahay, nagkalat kasi ang mga ginawa nitong paper plane.

"Later na, daddy," Nasa may hagdanan na ito. "Naglalaro kami ni ate." Seil calls Ciah 'ate', dahil mas nauna itong lumabas sa kanya ng limang minuto.

"Ciah! Your toys, iligpit mo, pakalat-kalat!" Tawag n'ya sa isa pang anak, pero kagaya lang ng sagot ni Seil ang sinagot nito sa kanya.

"Later na daddy, I'm still playing with Seil." Anito, napabuntong-hininga nalang s'ya saka nag-isip ng paraan kung paano mapapasunod ang dalawa n'yang anak.

"Ciah! Seil! Hindi talaga kayo makikinig sa'kin? Isusumbong ko kayo sa mommy n'yo na inubos n'yo yung buong cake sa ref, pati na rin yung chocolates. Bawal pa naman kayo sa sobrang sweets." Pananakot n'ya, ilang segundo lang ay nagtatatakbo na ang mga anak n'ya pababa sa salas para gawin ang kaniya-kaniyang utos n'ya rito.

"Heto na nga daddy oh, I'm cleaning the mess I made." Ani Seil, habang si Ciah naman ay tahimik na nililigpit ang mga laruan nito.

Pagkatapos, bigla itong naglalambing na yumakap sa kanya habang naka-upo s'ya sa sofa.

"Love you po, daddy." Ani Ciah.

"Please don't tell mommy, daddy. She's scary when mad." Ani Seil.

Napabuntong-hininga nalang s'ya. "As if naman na kaya ko, I love you both." Aniya, their children is really spoiled by him.

"Love you, daddy." Sabay na saad ng dalawa.

They spent their day like that, minsan ay nakikipaglaro s'ya sa mga anak tinuturuan n'ya rin sa pag-aaral ang mga 'to. Their children have high IQ, at the age of ten, they were already in grade seven.

When evening came, Ciah and Seil helped- no, more like, disturbed him- on making their dinner. Panay ang laro mga 'to at panay rin ang kain. Pero hindi naman n'ya mapagalitan dahil ayaw n'yang makitang nasasaktan ang mga prinsesa n'ya.

"And done!" Aniya matapos lutuin ang adobo, it's his speciality, and he is the cook of their house dahil hindi marunong magluto ang asawa n'ya.

"Let's eat na, daddy!" Ani Seil, nginitian n'ya ito at magsasalita na sana pero nagsalita na ang kakambal nito,

"Seil, let's wait for mommy. Mas masarap ang pagkain pag sabay tayong lahat kumain." Ani Ciah, napangiti naman s'ya.

"I'm hungryyyyyy!" Natawa s'ya sa naging sagot ni Seil, pero ilang minuto lang ay narinig na nila ang sasakyan ni Sky na ipinarada sa garahe ng bahay nila.

"Mommyyyyyy!" Sabay na sigaw ng dalawa nang makapasok si Sky sa bahay nila, kaagad namang ngumiti ang asawa n'ya at sinalubong ng yakap ang mga anak.

"Hi babies," Bati ni Sky sa mga ito, bumalik si Seil sa pagkakaupo sa dining table habang naglalambing naman si Ciah sa ina.

"Hi baby." He greeted Sky and planted a soft kiss on her lips. "How's your day?"

"Tiring, pero ayos lang." Ngumuso ito, "Kain na tayo, gutom na 'ko." Anito na kaagad namang sinang-ayunan ng nagrereklamong si Seil.

"Yes, we should eat. Gutom na gutom na 'ko."

After their dinner, Sky and Clint tucked Ciah and Seil to bed, after they made sure that the two was in deep sleep, they got out of the room and headed their way to theirs.

"You tired?" Naglalambing na tanong n'ya sa asawa saka niyakap ito mula sa likod habang naglalakad sila.

Tumango si Sky, "Yeah, there are so many patients. Tapos may kinailangan akong operahan kanina." Anito.

He kissed her temple and whispered, "I love you." Aniya,

"I love you more." Clint smiled.

And at the moment he thought, Sky and their twins was the best gift he ever had, hindi n'ya alam kung anong ginawa n'yang mabuti para gantimpalaan s'ya.

He was so damn lucky, and he is willing to risk everything for his family, for his wife and for his kids. Come hell or high water, I love my family so much and I will fight for them 'til my last breath.

The Worst Section's Brat [✓] Where stories live. Discover now