CHAPTER 28

886 36 0
                                    

Nagkaroon ako ng malay pero madilim parin ang paningin ko dahil sa kung anong nakatabing sa mukha ko. Ramdam ko ring nakagapos ang kamay at paa ko.

I almost can't breathe because of that thing na nakatabing sa mukha ko, ilang saglit lang ay nakarinig ako ng yabag at kaluskos na papunta sa direksyon ko.

"Good, you're awake." Pamilyar na pamilyar sa akin ang boses n'ya kaya nakilala ko kaagad s'ya.

Mia.

"Ano na naman ba 'to?" Kahit hirap ay pinilit kong magsalita.

"Well, sabihin na nating kabayaran 'to sa lahat ng ginawa mo sa'kin." Saad n'ya, I can feel her touch on my face, she gripped my chin.

"Kinuha mo na ang lahat sa'kin." Pabatong binitawan n'ya ang mukha ko saka nagsalita ulit. "Gusto mo pa bang isa-isahin ko sayo lahat? Fine with me."

"Una sa lahat, simula ng marating ka sa section ay napunta ang lahat ng atensyon sa'yo ng nga kaklase ko—na dapat ay sa akin lang."

"Pangalawa, palihim mong inagaw sa'kin si Clint, akala mo nakalimutan ko? Iyong engagement n'yong dalawa."

"Pangatlo, noong umalis ako ay tuluyan mo nang inagaw sa akin si Clint! Ano? Naaalala mo na ba? Ha?"

Peke akong tumawa bago nagsalita, "Una sa lahat, hindi ko kasalanan na mapalapit sakin ang buong section, pangalawa, hindi ko kasalanan ang engagement na yon dahil mga magulang namin ang nagplano non, pangatlo at higit sa lahat, hindi ko inagaw si Clint sa'yo. Kasalanan ko bang hindi ka na n'ya mahal!?"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko nang sabihin ko iyon. "Shut the fuck up!" Sigaw n'ya saka tinanggal ang nakabalot sa ulo ko. Akala ko ay hindi na n'ya iyon ibabalik pero naglagay lang s'ya ng tape sa bibig ko at ibinalik 'yon.

"Ipasok n'yo na s'ya." Saad n'ya. "Hindi magiging madugo ng masyado itong laban na to. Dahil ilang kabit lang ng gatilyo ay matatapos na ang buhay mo."

Hindi ko alam ang ibig n'yang sabihin pero may kung anong pumukaw sa nararamdaman ko, kung kanina ay wala akong pakealam, ngayon naman ay umusbong ang kaba sa dibdib ko.

"Handa kana ba?" Tinanggal n'ya ulit ang balot at nang tumingin ako sa harap ko ay nag-unahang tumulo ang luha ko at hindi malaman kung ano ang gagawin. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.

"Patayin mo s'ya kung gusto mong makaalis dito." Nanlalaki ang mga mata ko nang unti-unti n'yang itinaas ang mga kamay na may hawak na baril bago umalingawngaw ang sunod-sunod na putok nito.

The Worst Section's Brat [✓] Where stories live. Discover now