CHAPTER 6

1.3K 54 0
                                    

"Ang galing mo kanina Sky."

"Salamat ah."

Nakakapanibago. Sobra. Hindi ko alam kung ano ang pinuputok ng butsi ng mga kaklase ko at bigla nalang akong kinakausap. Dahil ba yon sa pagtulong ko sa kanila kanina?

"Ano bang nangyayari sa inyo? Kani-kanina lang ayaw nyo 'ko pansinin." Halos mawala na ang gatla sa pagitan ng kilay ko dahil sa pagsasalubong.

"Sorry. Hindi lang kasi kami sanay na may transferee na dito mapupunta samin, lalo na't babae." Saad nung isa, halos silang lahat ay nakapaligid sakin, halos hindi ko rin sila kilalang lahat. Si Hash naman ay nasa gilid ko at natutulog, napagod yata sa away kanina. Hindi ko alam na basagulero rin pala ang batang to.

Wow. Matanda kana, Sky?

"Bakit naman? Eh may babae naman kayo dito eh, si Mia." Bahagya akong kumalma pero naguguluhan parin sa inaasta nila.

"Mahabang kwento, pero salamat kanina." Sabi nung isa ko pang kaklase, sasagot sana ako pero may nakaagaw ng pansin ko kaya naman dali-dali akong pumunta sa pinto.

"Hoy Clint! Gumising ka nga!" Tinapik-tapik ko pa ang mukha nya pero hindi talaga sya gumising kaya naman, "Tulungan nyoko, dalhin natin sya sa clinic." Binuhat naman nila sya saka dinala sa clinic habang nakasunod ako sa kanila.

Bahagya pa akong natigilan nang marating namin ang clinic at nakita kong nakaratay sa isa sa clinic bed si Mia. Tiningnan ko si Clint at inaasikaso na sya ng nurse.

"Paano mo pala nakilala si Clint Sky?" Napatingin ako kay Hash nang tanungin nya iyon, naramdaman ko rin ang tingin ng mga kaklase ko na naghihintay rin ng sagot.

"N-narinig ko sa i-inyo." Sagot ko at iniwas ng tingin. Takte bakit naman nila natanong yon? Buti nalang at mukhang naniwala sila sakin.

"Sobrang pagod at pagkabugbog ang dahilan kaya sya mawalan ng malay, hayaan nyo lang muna sya dito, gigising rin sya mamaya." Saad nung nurse saka nagpaalam paalis.

"C-clint?" Napatingin kami sa boses na iyon at naroon si Mia, nakaupo sya sa clinic bed habang hawak ang ulo.

"Ayos kalang Mia?" Tanong noong isang kaklase ko at inalalayan si Mia, tumango naman sya saka unti-unting napadpad ang tingin nya sakin.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit nya sakin pero sa t'wing nasa paligid ako ay ang sama ng tingin nya. Napadpad ang tingin nya kay Clint at kaagad na nabalot ng pag-aalala ang mukha nya.

Lumakad sya ng paika-ika kay Clint habang nakalalay naman yung isa kong kaklase.

"Kung gising lang si Clint, siguradong pinagbuburulan na si Asher." Dinig kong saad ng kung sino sa likod ko at nagtawanan naman sila nang samaan sila ng tingin nung nakaalalay kay Mia na tinawag nilang Asher.

Nagkibit-balikat lang ako saka napatingin sa wrist watch ko at napangiwi nang makitang alas singko na ng hapon.

Ang bilis naman yata ng oras.

"Uwi na ako, balitaan nyo nalang ako." Pagpapaalam ko, tinanguan naman ako ng iba ang iba naman ay kumaway pa.

Lumakad na ako patungo sa parking lot at sumakay sa kotse ko at pinaharurot yon palayo sa school.

Pagkarating ko sa mansion ay kaagad kong ipinarada ang kotse ko saka pumasok sa loob. Sinalubong naman ako ng isa sa mga maid namin.

"Pinapasabi po ni sir na kapag dumating na kayo ay pumunta raw po kayo sa library nya." Nakatungong saad nito at umakyat naman ako sa kwarto ko.

Naligo muna ako saka nagbihis bago pumunta sa library ni dad.

"Sasabihin na ba natin?" Dinig kong tanong ni mom, kay daddy siguro. Hindi soundproof ang library ni dad kaya rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Wag muna." Bumuntong hininga si dad saka sunod-sunod na nagmura. Ako naman ay nakahawak lang sa doorknob habang nakadikit ang tenga sa may pinto.

"Kristof naman, karapatan ng anak natin na malaman nya." Si mommy ulit.

Anong kailangan kong malaman?

"Scielo, saka na natin sabihin sa kanya kapag nahanap na natin sya."

Hindi ko alam pero gulong-gulo na ako sa mga nangyayare, anong dapat kong malaman? At sinong hahanapin?

Hindi ko alam pero parang may sariling isip ang kamay ko na pinihit ang doorknob. Pumasok ako sa loob habang salubong ang kilay.

Kita ko ang gulat sa mukha nila kaya sinamantala ko ang pagkakataon na magtanong ulit.

"Anong kailangan kong malaman? Sinong hahanapin?"

"Anak-"

"ANONG KAILANGAN KONG MALAMAN!?" Napasigaw na ako, hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam ko na malaking bahagi ito ng pagkatao ko.

“Sky-"

"SABIHIN NYO NA KASI!"

"Yung kakambal mo!" Nanlalaki ang mga mata ko nang isigaw iyon ni mommy. Kusang tumulo ang mga luha ko sa na rinig.

Kakambal?

Parang may sariling isip ang mga paa ko na kusang tumakbo pabalik sa kwarto ko at ini-lock ang pinto ng kwarto ko.

Napaupo na ako sa sahig habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. May kakambal pala ako nang hindi ko alam.

The Worst Section's Brat [✓] Where stories live. Discover now