CHAPTER 18

956 44 0
                                    

This Chapter Is Written In Clint's Point Of View.





"DALI NA NGA!" Sigaw nya mula sa baba. Pinandilatan ko sya ng mata saka bumalik sa pagkakaupo.




"Hoi Clint! Akala ko ba matapang ka!?" I am. I am definitely strong. Pero ayoko sa tubig, ayoko sa talon. Whenever I see a waterfall that memory keeps on coming back, and I always end up hurting myself when my conscience hunts me again.




"Ayoko nga!" Pagpupumilit ko. Ayokong tumalon o kahit maligo man roon.




"Bahala ka nga!" Tiningnan ko sya na masayang nagtatampisaw sa tubig.





Unti-uting gumuhit ang ngiti sa labi ko. Hindi ko akalaing may ganito pala syang side.




I tightly closed my eyes and blew out a loud breath.


I should have not go with her. Mia is waiting for me.



Paulit-ulit kong naiisip na hindi alam ni Mia kung saan ako. Na baka ay nag-aalala na sya. Na baka ay kung ano na ang nangyayari sa kanya.





Gusto ko nang umuwi. I want to go to Mia so bad. Pero hindi ko alam kung bakit, may kung ano sa loob ko na pumipigil sa sarili ko na umalis.





"Cliiiiinnnttttt!" Napukaw ang pag-iisip ko nang sumigaw si Sky mula sa baba. I quickly stand up at tiningnan sya mula rito sa taas.





"Shit!" Paulit-ulit akong napamura nang makita si Sky sa baba na nanghihingi ng tulong. Gusto kong bumaba, kaso natatakot uli ako. Natatakot na mangyari na naman uli 'yon.




Bahala na....





I closed my eyes tightly and blew out a loud breath. Sky needs me. She needs me.





Tumalon ako nang walang pag-aalinlangan. Naramdaman ko ang pagdampi ng tubig sa katawan ko kasabay ng unti-unti kong pagmulat sa mga mata ko upang hanapin si Sky.




There she is, at the center. Kaagad akong lumangoy at pinuntahan sya. Wala na syang malay nang makuha ko sya. Dinala ko sya sa may gilid at doon inihiga.







"Sky! Sky!" Paulit-ulit ako sa pagtawag sa kanya, tinapik-tapik ko pa ang pisngi nya pero wala. I also tried the cpr pero hindi pa rin sya gumigising. Isa nalang ang alam kong pwedeng makatulong sa kanya.






Huminga ako ng malalim saka inipit ang ilong nya at unti-untung inilapit ang labi ko sa kanya pero bago ko pa man maituloy ay may pumigil na rito.






"Tanginamo!" Literal na namura ko si Sky nang takpan nya ang bibig ko habang tumatawa. "Bakit mo ginawa yon!?" Galit na tanong ko, I was gritting my teeth to stop myself.





"Sabi na eh tatalon ka. Nag-alala ka no?"



Nag-alala ba ako?





Iniwas ko ang tingin ko saka umahon mula sa tubig at naglakad na pabalik sa golf cart na sinakyan namin papunta rito.






"Hoy hintayin mo ako!"




Sumakay ako roon at hinintay nalang si Sky.







"HOY galit ka ba?" Hindi ko pinansin si Sky at naglakad nalang papunta sa kwarto kung nasaan ang maleta ko.





Kumuha ako ng ilang damit at pumasok sxa banyo. Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako roon sa kwarto at dumiretso sa sala.






Nakita ko pa si Sky na nakabihis na rin at nakaupo sa sala habang nakatungo.





"Oy!" Rinig kong tawag nya uli nang pumunta ako sa kusina para magluto. Hindi ko sya pinansin at binuksan nalang ang ref para maghanap ng pwedeng lutuin.



"Sorry na." Paulit-ulit na sya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na syang nag-s-sorry. Pero hindi ko naman sya pinapansin.



"Ano ba! Para ka namang babae magtampo, ang hirap suyuin!" Pagmamaktol nya pero hinayaan ko lang sya at ipinagpatuloy nalang ang pagluluto.





Nang matapos ako ay inilagay ko sa lalagyan ang adobo na niluto ko at inilagay sa lamesa, pati ang kanin.






Nanatili akong tahimik nang kumuha ako ng plato at inilatag 'yon sa lamesa.







"Kumain kana." Saad ko kay Sky nang makitang hind nya ginalaw ang pagkain nya.






"Ayoko." Saad nya at ngumuso. Nangunot ang noo ko saka sya tinanong.








"Ayaw mo ba sa pagkain? Hindi ba masarap?" Akmang kukunin ko ang plato nya nang tampalin nya ang kamay ko.





"Masarap naman." Saad nya habang ngumunguya pagkatapos sumubo.





"Eh bakit parang ayaw mo?" Tanong ko ng makitang hindi naman nagbago ang mukha nya, ganoon parin. Parang pinagsukluban ng langit at lupa.





"Gusto ko...." Hindi ako sumagot at allsumubo nalang ng pagkain. "....kaso hindi naman ako makakakain ng maayos kung galit ka sakin."




"Kumain kana, mamaya na tayo mag-usap."





"BAKIT ka ba kasi nagagalit?






Huminga ako ng malalim at hinarap si Sky. "Sino ba namang hindi magagalit kung ginawa mong biro ang gano'n." Seryosong saad ko saka ibinalik ang tingin sa T.V.






"Sorry, bakit ba kasi big deal—" Hindi ko na sya pinatapos sa sinasabi nya, nagsalita na ako nang hindi tumitingin sa kanya.




"Namatayan ako ng kapatid sa gano'ng paraan. Kaya ayoko sa kahit ano mang waterfalls dahil naaalala ko yung nangyari sa kanya." Huminga ako ng malalim habang unti-unting bumibigat ang nararamdaman ko."I failed to save her, that's why I'm blaming myself for what happened. Tapos ikaw, gagawin mo lang yung biro? Tsk." Umiwas ako ng tingin nang maramdamang nag-init ang magkabilang gilid ng mga mata ko.





"Sorry, hindi ko alam."





"Wala ka naman talagang alam." Saad ko saka tumayo at pumasok sa kwarto. Pagod na 'ko, gusto ko nang matulog.

The Worst Section's Brat [✓] Where stories live. Discover now