Chapter 3

124 3 0
                                    


"No, Ma. Malapit na rin kasi ang second semester. Magsisimula na kami sa thesis namin. Baka kapag dito pa rin ako uuwi ay aabutin na ako ng gabi." Halos palakpakan ko na ang sarili ko dahil sa galing sa pagsisinungaling.

Really, Jenny? Magsinungaling ka talaga para sa kanya?

Is this what love is?

Tinanggal ni mama ang pagkakayakap niya sa akin at ganoon din ako. Malalim siya pumakawala ng hangin.

"Can you do me a favor, anak?" Mabilis akong napatunghay dahil sa tanong niya.

Ang kaniyang mga mata ay parang may namumuong luha. "Tapusin mo ang pag-aaral mo. It's for you, Anak. Papayagan lang kita kapag mangako ka sa akin na mag-aaral ka ng mabuti."

Of course, Ma. Kung alam mo lang iyan din ang gusto kong mangyari. Ang makapagtapos at masuklian lahat nang paghihirap mo.

"I will, Ma. I will."

Ang pangako ay aking pinanghahawakan. Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Jolo. Ang paglipat ko sa bahay na kaniyang binili.

"You look sad, love. Hindi ka ba masaya na magsasama tayo sa isang bahay?"

Sad? Siguro nga. Iniisip ko pa lang si mama ay parang gusto ko nang bumalik at iwan siya. But I can't also afford to leave him.

Hilaw akong ngumiti sa kaniya. "I'm fine, love. Nanibago lang ako. Kanino bang kotse 'to?" pag-iiba ko nang usapan at iginala ang tingin sa kotse.

"Sa atin. Binili ko ito kahapon nang malaman kong magsasama na tayo. For easy transportation purposes lang love." Tumango-tango ako.

Perks of having a stable job. Nakakaya niyang bumili kung ano ang gusto niya.

He turned on the radio. Tanging ang musika lang ang nagbigay ingay sa byahe namin. Wala rin naman akong ibang ginawa kundi tingnan ang bawat building na madadaanan namin.

Nang huminto ang kotse ay agad kong ginala ang tingin ko. A huge house. Malaking bahay na nasa dalawang palapag.

"Nandito na tayo, love." Mabilis siyang lumabas at pinagbukasan ako ng pinto.

Laglag panga akong lumabas.

"Binili mo rin ba ito? Dito tayo titira?" my lips parted.

I heard him chuckle. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang tuwa sa mata niya. "Yes, love. I bought this house for us."

"Hindi naman hatalang patay na patay ka sa akin no?" pang-aasar ko sa kanya at inayos ang sling ng bag na nakasabit sa balikat ko.

Natatawa siya umiiling. "Naging mahingin ka na ata, love?"

"Heh! Panira ka talaga," saad ko at pabiro na hinampas ang balikat niya.

Iginaya niya ako papasok ng bahay. Unang bumungad agad sa akin ang tatlong solo couch sa sala at mesa na may halaman na nakapatong. Sa kanan at kaliwa naman ay hagdanan na nagsisilbing tulay para makaakyat sa ikalawang palapag. Ang sahig ay kumikinang pa at halatang kami pa lang ang unang makakaapak.

"Welcome to our house. Our home, love, " bulong sa akin ni Jolo at hinalikan ang tenga ko.

Bago pa madali si Jolo ay ako na agad ang gumawa ng paraan.

"Can I go upstairs?" pag-iiwas ko sa kanya.

He nodded and smiled. "Sure, love."

Nakahinga ako nang maluwag nang nauna siyang lumakad sa akin.

Muntik na 'yon kanina. Alam ko namang masyado akong exaggerated pero it's better to be safe than sorry sabi nga nila.

Jolo tour me around. Sa itaas ay may tatlong kwarto na may kanya-kanyang comfort room, ganoon din sa baba. Isang kitchen at living room. Sa likod ng bahay naman ay may mini pool at mini garden.

Lumipas ang mga araw mula nang magsama kami ni Jolo. Noong una ay hindi pa ako makatulog nang maayos pero ngayon ay naka-adjust na rin.

"Thank you, love. Ingat sa byahe." I gave him a peck bago lumabas ng sasakyan.

Pagkarating ko sa room ay nagkalat na ang mga kaklase ko. Make-up dito, makeup doon, pulbo dito, pulbo doon, tsismisan dito, at tsismisan doon.

Hindi man lang ako na-inform na wala pa lang klase.

Mabilis kong hinanap sa tingin si Vere ngunit hindi ko ito mahagilap. Paniguradong lumabas na naman ito para i-entertain ang boyfriend niya.

"Excuse me, anong mayroon? Bakit ang gulo nila?" tanong ko sa mas malapit sa akin na tahimik lang na nagbabasa.

Mabilis akong umupo sa upuan ko at siya namang paglingon ng nasa harap ko.

"Wala naman. Nag-announce lang si Professor Alona na wala raw tayong klase ngayon araw dahil may event bukas na kailangan paghandaan," sagot niya habang nagmamasid sa kaklase naming naglalagay ng kolorete sa mukha.

My forehead creased. "Anong event? Bakit walang nakapaskil sa bulletin board?"

She shrugged. "Ewan ko rin. But the professor said na compulsory ang event bukas sa mga CTE students."

Napatango na lamang ako sa puna niya. May ideya na rin ko kung ano ang event bukas.

Tumayo na lamang ako at umalis sa kinauupuan. Hindi ko na hihintayin si Vere dahil alam kong matatagalan pa siya sa pakikipaglumpungan niya sa boyfriend niya.

Dahil wala na rin namang stocks sa bahay ay dumiretso na ako sa mall para mag-grocery.

"Jenny, my friend!" Muntik na akong ma-out of balance nang makita ko si Paulo na nakangisi habang papalapit sa akin.

Paulo is my best friend. Best friend na playboy! Halos araw-araw iba na lang ang babae niya. Minsan naiisip ko kung bakit ko ba siya naging best friend?

He walked towards me with open arms. Iyong parang handang-handa nang yumakap.

Napangiwi ako. Plastic talaga kapag maraming tao. Pero kung kami lang? Parang aso at pusa kung magbangayan.

"Oh, hi. My friend." Madiin kong puna at plastic na ngumiti.

Kahit papaano ay ayaw ko naman ipahiya ang mokong na 'to.

"How are you? I missed you so much." Nang akmang yayakap na ito sa akin ay agad ko siya tinulak.

"Yuck! Kilabutan ka nga!"

His Stares: Professor Reyel Bagy Where stories live. Discover now