Chapter 10

104 2 0
                                    

“What? Hindi niya ba pwedeng dalhin ang anak niya?” iritadong tanong ko at tiningnan ang likod niya habang nilalaro ng bata.

“Hindi allowed ang bata sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya, love.” Parang wala lang na sagot niya.

I breathe heavily. Pinipigilan ang sarili na huwag magagalit. Hindi ko na lamang siya pinansin pa at kumain na. Matapos kumain ay nagbihis na ako para pumasok ng school.

“Love, ready na ako. Tara na," aya ko sa kanya.

“Ha? Hindi kita maihatid, love. Umalis na si Shayna. Walang magbabantay kay Justin." tarantang puna niya.

Napapikit na lamang ako nang mariin para pigilan ang inis.

“It’s okay. Magje-jeep na lang ako.” Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita.

Hindi ko aakalain na magiging ganito ang sitwasyon namin. I thought living under the same roof with him will develop us to have a strong bond us together pero parang mali ata ako.

Para akong alalay na nangarap maging donya.

Siksikan ang jeep kaya maslalo akong nairita. Idagdag mo pa ang katabi ko na panay kamot sa ulo niya. Nang huminto ang jeep sa mismong labas ng gate ng paaralan ay agad akong lumabas. Diretso ang lakad at walang lingon-lingon pa.

“Jenny!” Sa lakas ng pagtawag sa pangalan ko ay napalingon ang ilan sa akin.

Imbis na lingunin ang nakakairitang mukha ni Paulo ay nagpatuloy lang ako sa paghakbang.

Paano ko nalaman na si Paulo ‘yon? Well, wala naman ibang tao na kasing tinis ng boses niya. At wala ring ibang tao na may lakas loob na sumigaw na parang tiger dito sa campus.

“Snob mo talaga. Hindi mo man lang ako hinintay," ani niya sa nagtatampong boses habang sinasabayan na ako sa paglalakad.

I rolled my eyes. “Bakit ka na naman nandito? Ang layo-layo ng engineering department dito. Nag-effort ka pa talagang puntahan ako para lang sirain ang araw ko.”

Sa gilid ng mata ko ay kita ko ang pagtingin sa amin ng ilang estudyante na nadadaanan namin. May iba pa na parang kinikilig. Well, hindi na ako nagtataka dahil pihikan naman talaga si Paulo sa babae.

He pout. “Grabe ka naman. Nandito lang naman ako para ibigay sa’yo ang ang pasalubong ko.”

Agad akong napalingon sa kaniya habang kumikinang ang mata. “Kaya naging best friend kita dahil ang bait-bait mo. You're the best talaga.”

“O, kita mo na! Ang bilis magbago nang mood mo. Parang kanina lang bwisit na bwisit ka sa akin pero ngayon nag bait-baitan ka na.”

Napangiwi ako. “Ano ka ba. May PMS ako kaya malamang mainit ang ulo ko," pagdadahilan ko pa kahit wala naman.

“Sus, palusot mo.”

Binuksan niya ang bag niya habang naglalakad. Maya-maya pa ay lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

“Heto. Regalo ko sa masungit na best friend ko.” Inabot niya sa akin ang paper bag na naka-staple pa.

Imbes na magalit ay natawa na lamang ako. “Salamat, best friend," ani ko at talagang diniin sa salitang best friend.

Huminto kami nang nasa tapat na kami ng room.

“Salamat dito,” I said and smiled while lifting the paper bag.

I saw him nod. “You’re welcome.”

“Sige, pasok na ako. Ingat ka,” paalam ko sa kaniya at kumaway pa bago pumasok ng silid.

Nang matapos ang pangalawang subject namin, handa na sana kami ni Vere na pumunta ng cafeteria nang bigla akong tinawag ng guro.

“Yes, Ma'am?” tanong ko nang makalapit ako. Hinintay naman ako ni Vere sa hindi kalayuan.

“Pwede bang magpatulong sa'yo?” tanong niya habang kinakalikot ang mga folder.

Mabilis akong tumango. “Oo naman po, Ma'am. Ano po ‘yon?”

“Uh–can you give this folder to Mr. Reyel? Hindi na kasi kaya ng oras ko kapag ako pa ang maghahatid nito sa kaniya dahil may tatapusin pa akong lesson plan,” saad niya at mapungay na tumingin sa akin.

Napapikit ako nang mariin. Sa lahat ng guro na pwede niya iutos ay si Professor Reyel pa talaga.

Tumingin ako kay Vere na parang nagmamakaawa ka samahan ako pero umiling lang ang gaga. Tinapik ang relo at hinaplos ang tiyan na parang nasasabi na gutom na ito.

Tumingin akong muli sa guro. Lumambot naman agad ang puso ko nang dumapo ang tingin ko sa eyebags niya. Halatang walang tulog dahil puyat ito.

“Okay po, Ma'am. Ako na po ang bahala.”

Really, Jenny? Ang lakas naman ng apog mo. Pagkatapos mo siyang hindi pansinin magpapakita kang muli sa kanya?

“Oh, thank you so much, Ms. Cevu. I'll go ahead first.”

Nang makaalis ang guro at kaming dalawa na lamang ni Vere ay agad siyang umiling sa akin na tila ba alam na niya kung ano ang gusto kong sabihin.

“Gutom na ako, Jenny. Maawa ka naman sa akin,” pangunguna niya sa akin at nagpapaawa pa.

I breathe heavily. “Okay, fine. Mauna ka na. Susunod na lang ako.”

Mabilis siyang ngumiti at yumakap sa akin. “Thank you, Jenny. Una na ako ha. Ingat ka. I love you!" Nag-flying kiss pa ang loka.

Napailing na lamang ako at nagsimula nang lumakad. Habang papalapit ako sa silid ni Professor Reyel ay tumataas din ang kaba ko. Buti na lamang hindi ako pawisin ng kamay kundi baka kanina pa basa itong folder na hawak ko.

I slowly push the door at sumilip sa room. Nang makita ko ang busy na professor na nakatuon lang sa laptop ng tingin ay mabilis na tumibok ang puso ko.

Walang ingay akong pumason at pumunta sa pwesto niya.

“Excuse me, Sir. May pinabigay si Ma'am Candy.” Agad kong inilapag ang folder.

Handa na sana para umalis ngunit agad itong nagsalita.

“Are you really avoiding me, Ms. Cevu?” malalim na tanong niya.

Mabilis akong napako. His voice is scary. Ibang-iba nang nag-usap kami noong nakaraang araw.

“No, Sir. Bakit naman kita iiwasan?” tanong ko nang hindi pa rin nakatingin sa kaniya.

Ramdam ko ang pagtayo niya. Ilang sandali pa ay mabilis niya hinawakan ang kamay ko at puwersahan akong pinaharap sa kaniya.

“Bakit nga ba, Ms. Cevu? Is it because you feel something for me? Or Is it because you are afraid to know that you already fell in love with me?” Nanghahamon niyang tanong.

His hot stare is piercing directly on my eyes.

Mabilis akong umiwas at yumuko pero agad niyang hinawakan ang panga ko dahilan para mapatingin ulit ako sa kaniya.

“Answer me, Ms. Cevu. Or else, I'll assume that your answer is both,” nagtitimping tanong niya at binasa pa ang labi.

Mabilis akong napalunok. I don't know what to say. Ni hindi ko nga alam kung ano ang tunay kong nararamdaman.

“I don't know….” halos bulong na saad ko.

I saw the sudden changes of his eyes. Something that I can't explain.

“I like you,” mapupungay niyang saad.

I looked away at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. “I have a boyfriend, Sir. Kung wala na po kayong sasabihin ay aalis na po ako.”

Mabilis akong lumakad paalis. Nang makalabas ako ng room ay mabilis akong napasandal sa pader at napahawak sa dibdib.

Please, stop beating so fast, heart. Baka hindi ko kayanin at maramdaman na lang isang araw na siya na ang tinitibok mo. Nahulog na dahil sa pagiging malikot mo.












His Stares: Professor Reyel Bagy Where stories live. Discover now