Chapter 8

101 3 0
                                    

“I’m sorry. Did I hurt you? Malayo kasi ang payong hindi ko masyadong maabot.” Pinakita niya sa akin ang payong na ngayon ay hawak na niya.

“Wait. You're red. Nilalagnat ka ba?” He was about to touch my face kaya agad akong umiwas.

Baka kapag hinawakan niya pa ako ay magwawala na nang tuluyan ang puso.

“No, Sir. Ganito lang po talaga ako.” Ramdam ko ang pagkailang niya dahil sa ginawa. Umiwas na lamang ako ng tingin para iwas konsensya.

“Okay. Labas lang ako. I'll just open the door for you.” Nang binuksan niya ang pinto sa tabi ko ay agad akong lumabas.

Binuksan ko muna ang gate at saka tumingin sa kaniya. We're facing each other with one inch apart. Nakayuko siya habang ako ay nakatingala sa kanya. His hot stares is melting me. Hindi ako natunaw sa lamig kundi sa init nang titig niya.

“Tatakbo na lang po ako papasok sa bahay, Sir. Ingat ka sa byahe.” Bago pa siya makapagsalita ay mabilis na akong tumakbo.

Wala na akong pake kung magmukha akong walang respeto sa kaniya. Baka kasi kapag magtagal pa kami sa ganoong posisyon ay hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Madilim ang bahay nang pumasok ako. Buti na lang may spare key ako kaya nakapasok ako. Agad kong binuhay ang ilaw. Naligo muna ako at nagbihis bago nagluto ng ulam at kanin para sa dinner.

Nauna na akong kumain dahil alam ko namang matatagalan pa si Jolo. Kinabukasan ay magaan ang pakiramdam ko. Nagpapasalamat na lamang ako at hindi ako sinisipon at inuubo.

Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang nakakasukang amoy ng alak. Dumapo ang tingin ko kay Jolo na nakasandal sa upuan. Magulo pa ang buhok at gusot-gusot pa ang polo.

“Hi, love. Good morning,” bati niya sa akin na parang wala lang.

Nag-stretch pa ito at humikab.

My forehead creased. “What happened to you? Lasing ka na naman?” I asked in a low tone ngunit madiin.

“Hey, chill. Umaga pa, love,” ani niya at tumawa pa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. “Nagkayayaan lang kasi kagabi kaya sumama na ako. Total umuulan naman. Pampawala nang lamig,” dagdag niya pa.

Tumayo siya at inayos ang sarili. Dinampot ang bag na nakalapag sa malamig na sahig.

Napaiwas naman ako ng tingin. “Okay. Magbihis ka na, love. May trabaho ka pa.”

“Okay, love. I love you.” Lumapit siya sa akin. Sandali kong pinigilan ang sarili ko na humingi nang hinalikan niya ako sa pisngi.

Gusto ko mang umiwas at sumuka pero pinili ko na lamang na tumahimik. Sinundan ko ng tingin ang likod niya hanggang makapasok ito sa kwarto.

What happened to you, Jolo? Hindi mo man aamin pero alam kong may tinatago ka sa akin.

Matapos magluto ay tinawag ko na siya para kumain. Wala kaming imikan at tanging ang tunog ng kubyertos lang ang nanaig.

“Love, is it okay to you if may magre-rent sa second floor? May kilala kasi akong naghahanap ng matutuluyan.” Pambabasag niya sa katahimikan.

Malalim ko siyang tinitigan. “Stop that deadly stares, love. Hindi ko ‘yon babae,” defensive niyang saad.

“Wala naman akong sinabi. Bakit ka defensive?” panunuyang tanong ko.

He snort. “Hindi naman. I don't want you to be jealous and overthink kaya inuhanan na kita.”

“So babae nga ang mangungupahan?" pagkaklaro ko.

He nod. “Oo,” mabilis na sumama ang mukha ko. “Pero may kasama siyang anak,” dagdag niya dahilan para mabuhayan ang loob ko.

Akala ko ay babaeng single at katrabaho niya ang magre-rent.

“Okay.” Wala rin naman akong magagawa dahil bahay din niya ito.

I saw how his smile formed. Hatalang tuwang-tuwa ito. “Thank you, love. Pandagdag grocery din natin iyon.”

Agad akong nakonsensiya dahil sa sinabi niya.

How could you doubt him, Jenny. Kung, ang nasa isip naman pala niya ay para lang din sa ikabubuti niyong dalawa! 

How dare I doubt him when he's giving me all his trust.

Matapos naming kumain ay hinatid na niya ako sa paaralan. I gave him quick peck and bid goodbye bago lumabas.

Wala pa masyadong tao sa hallway dahil maaga pa. Dinamdam ko na lang muna ang masarap na hangin bago pa maging polluted. Mamaya ay dadami na ang estudyante.

Nang marinig ko ang mahinang pag-ubo ng kung sino ay naagaw ang atensyon ko roon. Ngunit pinagsisihan ko kung bakit tumingin pa ako.

Umiwas na lamang ako ng tingin. Yumuko ako at binilisan ang lakad habang kagat-kagat ang labi.

“Are you avoiding me, Ms. Cevu?” His hot voice makes me stop.

Sa init ng tanong niya ay pati ako naiinitan na rin. It feels like we're in the same room, embracing the hotness that he erupted.

Imbis na sagutin siya ay naglakas loob akong iwan ito.

I'm sorry, Sir. But I should distance myself before it gets worse.


































His Stares: Professor Reyel Bagy Where stories live. Discover now