Chapter 4

107 2 0
                                    

Mabilis ang ginawa niyang paghalakhak kaya mabilis akong lumayo sa kaniya.

“Shit! Your reaction is epic, Jenny. I like it!” Natatawang saad niya sabay hawak ng kanyang tiyan.

Bago ko pa siya masuntok ay iniwan ko na siya. Bahala siyang tumawa mag-isa. Hindi ko na kahihiyan kapag magmukha siyang tanga habang tumatawa. Pagpikit-pikit pa ang g*g*.

“Hoy, Jenny! Hintayin mo ako, hoy! Langya ka, iniwan mo pa talaga ako. Hindi mo ba alam kung anong kahihiyan ang inabot ko ha? I was laughing hard like an idiot! Buti sana kung walang ibang nakakita pero mayroon! A hot chick saw me laughed like an idiot!” Likramo niya habang hinahabol ko.

I smirked.

Buti nga sa ‘yo!

Hindi ko siya pinansin. May iilan pang napapatingin sa akin ngunit pinagsasawalang bahala ko na lang ‘yon.

“Jenny, I’m sorry. Ano mangnagawa ko sa‘yo ay pinagsisihan ko ‘yon,” pagda-drama niya pa.

Mabilis akong napatigil. Lumingon ako at masama siyang tiningnan.

“Get lost, Paulo.” Akmang lalakad na sana ako nang marinig ko ang bulong-bulungan ng ilan.

“Gosh. She's heartless.”

“Yeah. Nag so-sorry na nga ‘yong tao. Mukhang sincere naman si boy.”

Napakuyom ako ng kamao. Lahat ata ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko.

Nakita ko ang palihim na pagngisi ni Paulo dahilan para mapairap ako.

Jerk! Plastic talaga!

I try to compose myself. Plastic akong ngumiti papunta sa pwesto ni Paulo. Habang ang mokong ay na-pout pa. Yuck!

“I'm sorry too, Paulo. Sabi ko naman sa‘yo ayoko sa public. Alam mo namang gusto ko sa private lang tayo, diba? Like, Netflix and chill,” ako naman ang napangisi.

Kita ko ang pandidiri niya sa sinabi ko lalo na nang hinawakan ko ang kamay niya.

Acting pala ang gusto mo? Pwes, pagalingan tayo!

“How dare you. Ayokong ma-link sa katulad mo. Baka isipin nila nakama pa kita,” may diin na bulong niya.

Gigil na gigil. Kulang na lang maputol ang ngipin niya dahil sa gigil.

I smirked. “You played me first. Sinakyan lang kita.”

“Pero hindi naman ganito! Ghad, you're embarrassing me,” hysterical na bulong niya at nauna nang lumakad habang tinatakpan ang mukha gamit ang kamay niya.

Napahalakhak ako. I won!

Sinundan ko siya. Tawang-tawa ako habang siya ay halos lamunin na ng lupa sa hiya.

Ang OA niya. Dapat nga ako ang mahiya dahil ako ang nagsabi.

“Hey! Huwag mo nang takpan ang mata mo. Malayo na tayo sa pwesto natin kanina. Baka mapagkamalan na ka namang may sira sa ulo dahil diyan," ani ko pa habang natatawa.

Nilibot niya ang tingin. Nang mapagtanto na malayo na nga kami sa pwesto namin kanin ay agad siyang lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin.

“O, chill. Concern lang ako sa‘yo,” saad ko at tinaas ang dalawang kamay na parang sumurender.

“Ano? Ipapahiya mo pa ulit ako?” pang-aasar ko pa.

He scoffed. “Hindi na. Hindi na talaga.”

“Buti naman at natauhan ka na,” I said them smirked.

Sinamahan niya akong mag-grocery. Siya ang taga-tulak ng cart habang ako naman ang taga-lagay ng kung ano-ano. May mga can goods, biscuits, napkins, sabon, at iba pa.

“Para naman tayong mag-asawa nito,” out of nowhere na saad niya habang namimili ako ng magandang brand ng tinapa.

Mabilis akong napalingon sa kanya. Lumapagas ang tingin ko sa likod niya. May dalawang lola na nag bulong-bulungan. Hindi ko man narinig ang usapan nila ay alam kong kami ang pinag-uusapan ng mga ito.

I smirked. “Bakit hindi na lang tayo mag-asawa?” I joked.

He sarcastically laughed. “Funny.”

“Na-trauma ka na talaga sa akin? At ayaw mo nang sabayan ang trip ko?” mapang-asar na tanong ko.

“You wish,” labas sa ilong na saad niya.

Natapos kami sa pag-grocery nang matiwasay. Hindi na ako nagpahatid pa sa kaniya dahil baka malaman niya pa kung saan ako nakatira. Baka mabuking pa ako dahil sa kaniya.

Dahil maaga pa naman ay napagpasyahan ko na magluto na lang ng adobo para sa dinner. Lagpas alas otso na pero wala pa rin si Jolo. Tapos na akong magluto at kanina ko pa siya tinatawag ngunit hindi ito makontak. Hindi rin nag-reply sa mga text ko.

Nang may huminto na sasakyan sa harap mismo ng pinto ay agad akong tumayo. Binuksan ko ang pinto at ngumiti. Handa na sanang salubong ito nang yakap ngunit agad akong napako. Ang ngiti ay unti-unting nabura.

“Hi, love. I miss you,” saad niya habang pasuray-suray na lumapit sa akin bitbit ang kanyang bag.

Bago pa siya mapahiga dahil sa kalasingan ay agad ko suya inalalayan. Sinarado ko ang pinto at inakay siya papunta sa kwarto.

Sa aming dalawa ay parang ako pa ang nasusuka. Alcohol reeks on his shirt.

Nang mapahiga ko siya sa kama ay mabilis akong kumuha ng basin at nilagyan ng tubig. Kinuha ko rin ang isang towel na nakasabit sa sampayan bago pumasok sa kwarto.

Ang maamo niyang mukha ay namumula. Nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog.

Pinunasan ko ang mukha niya pababa sa leeg. Akmang tatanggalin ko na sana ang polo niya nang mapansin kong nabahidan ng pula ang puti niyang pulo. It looks like a lipstick. Pinagwalang bahala ko na lamang ito at pinagpatuloy na lamang ang pagsisilbi sa kaniya.

Kinabukasan ay wala na sa tabi ko si Jolo. Hinanap ko ang gamit niya pang-opisina ngunit wala na rin. Hudyat na pumasok na ito sa trabaho.

Napabuntonghininga na lamang ako. Ganito pala ang feeling na magkasama sa iisang bahay? Bakit feeling ko, mas lumalayo kami sa isa't-isa?

Diba ito naman ng gusto mo, self? Ang may distansya at limitasyon sa isa't-isa? Bakit

Naghanda na ako papunta ng paaralan. Tahimik ang hallway. Malayo pa ako sa gym ngunit rinig ko na ang tugtog. Pagkarating ko sa gym ay wala pa masyadong tao.

CTE's Day

Iyan ang nakapasik sa stage. May balloon pa sa bawat gilid at may iba't-ibang disenyo. Halatang pinaghahandaan at pinaglalaanan ng oras.

Agad kong hinanap si Vere. Dahil wala naman masyadong tao ay agad ko itong natamaan na kausap ang boyfriend niya.

“Kaya ayaw kong pumasok ng paaralan i. Andaming langgam," I joked.

Agad silang napalingon sa akin. Ang boyfriend niya ay ngumiti lang sa akin kaya ginantihan ko rin ito nang ngiti.

Vere pouted. “Inggitera ka talaga.”

His Stares: Professor Reyel Bagy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon