Chapter 7

107 2 0
                                    

Tumango lamang ako. Pagtalikod ko sa kaniya ay saka ako madiin na napakagat ng labi.

Normal pa ba ‘to?

Nagtimpla rin ako ng sarili kong kape at saka muling bumalik sa pwesto ko kanina bitbit ang apat na biscuits. Nilapag ko muna sa mesa niya ang dalawa bago umupo.

“Thank you,” he said and smiled at me.

“Thank you rin, Sir. Sana hindi ka galit na pinakialaman ko ang mga gamit mo,” I said while rubbing my back na tila nahihiya.

I saw him smile while facing his laptop. “It’s okay. Bibili rin naman ako bukas para i-stock.”

My lips parted. “Wow! Parang gusto ko tuloy maging estudyante mo, Sir. Libre kape at biscuits," puna ko at marahan pang tumawa.

“Hindi pang lamay ang silid ko, Ms. Cevu," masungit niyang saad. Nakataas na ang kilay habang nakatutok sa laptop.

Napangiwi ako. “Sabi ko nga po, Sir.”

Tumayo ako nang maalala ko ang selpon ko. Kinuha ko sa upuan kung saan nakalagay ang bag ko at saka muling umupo. Agad kong kinuha ang selpon ko. Bumungad agad sa akin ang tawag ni Jolo.

“Hi,” I greeted.

I was hesitant to say our endearment. Ewan ko ba. Parang may pumipigil sa akin na huwag banggitin iyon.

Dahil ba sa nahihiya ako dahil nandito si Professor Reyel? O Dahil ayaw kong malaman niya na boyfriend ko ang kausap ko?

Nakita ko ang bahagyang pagtingin sa akin ni Professor Reyel ngunit agad ding umiwas nang tingin. Napakagat labi na lamang ako.

“Hi, love. Nasaan ka na?” Sandali akong natahimik.

His voice. Parang wala na akong excitement na naramdaman.

Tumingin ako sa bintana. Medyo madilim na. “Nasa school pa. Bakit?”

I was silently praying na sana hindi niya ma-notice na hindi ko ginamit ang endearment namin.

“Are you okay? Malapit na mag-six. Nasa opisina pa ako. I don't know if I masusundo kita, love. Malakas ang ulan dito.” I felt concern in his voice. Parang nabahala ito na baka ma-stock ako at hindi makauwi.

“I’m fine. Pauwi na rin ako. I think may sasakyan pa rin naman sa labas. Mag-ingat ka riyan.”

I heard him sigh. “Sige, love. Ingat ka ha. I love you.”

I thank God when he hurriedly cut off the line. Baka masuka pa si Professor Reyel kapag marinig niyang mag-I love you ako.

I faked coughed. “Uh-Sir. Una na pa ako sa’yo,” pagpapaalam ko sa kaniya.

Akmang huhubarin ko na sana ang jacket niya nang bigla siyang tumayo. “Sabay na tayo. Sa’yo muna ang jacket ko dahil malamig sa labas. Just wait a bit, tatapusin ko lang ito.”

“Okay po,” magalang kong puna.

I patiently waited him. Bawat pindot niya sa keyboard ay kabisado ko. Ilang saglit pa ay mabilis niyang sinarado ang laptop niya at pinatay ang ilaw.

“Lets go," aya niya. Kinuha ang susi sa lamesa at naunang lumakad.

“Hindi mo ba dadalhin ang laptop mo, Sir?” takang tanong ko nang hindi niya ito dinala.

He grabbed the umbrella na nasa gilid.

“No. Wala namang kukuha riyan kaya okay lang," he said and open the door for me.

I nodded. Hinintay ko muna siya na matapos sa pagsarado ng pinto.

Sabay naming tinahak ang daan papunta sa exit. Tahimik na ang lugar. Hula ko ay kaming dalawa na lang ata ang natira except sa mga security guard.

Nang malapit na kami sa exit ay agad akong napahinto. Wala akong payong at wala na ring takip ang daanan papunta sa may waiting malapit sa exit.

Huminto rin si Professor Reyel nang nararamdaman niyang huminto ako. “Bakit?” kunot noo niyang taong.

“Uh-wala pala akong payong, Sir," nahihiyang saad ko. Napakamot pa sa batok.

“Kaya nga sinabi kong sabay tayo dahil sasabay ka sa akin. It means susukob ka sa akin at ihahatid kita,” paglilinaw niya.

I felt my cheeks heated. “Sabi ko nga po.”

Binuksan niya ang payong niya kaya sumukob na ako. I'm hugging my bag habang nakahawak siya sa balikat ko. He's trying to fit ourselves in his umbrella. May iilang butil na dumadaloy sa balikat ko ngunit mas marami ang sa kanya.

Nang makarating sa parking lot ay agad niyang pinatunog ang kotse niya.

“Get in," utos niya, na agad ko namang sinunod.

Nang makapasok ako ay sinarado niya ang pinto at umikot. Umupo siya sa driver's seat at nilagay sa likod ang mesa.

When I felt that maslalo lang akong nabasa dahil tumagos ang tubig sa jacket ay agad ko itong hinubad. Natamaan naman ng mata ko si Professor Reyel na inaayos ang buhok niya.

“Use this para hindi ka lamigin,” inabot niya sa akin ang tuwalya na hindi ko alam kung saan galing.

“Thank you,” I said, biting my lips dahil sa ginaw. I even rubbed my arms pero maginaw pa rin.

He just nodded and placed the other towel on his shoulder.

Ini-start niya ang makina at nagsimula ng mag-drive.

“Location?” Tipid niyang tanong habang nagmamaneho.

“Ikalawang eskina mula rito, Sir," I firmly answered.

Ilang minuto p ay agad kaming nakarating.

“Dito na po, Sir.” Mabilis niyang hininto ang sasakyan.

Akmang lalabas na sana ako nang bigla niya akong pinigilan.

Lumapit siya sa puwesto ko na ikinapako ko sa kinauupuan ko. His hot breath touched on my skin. Hininga pa lang ngunit nagwawala na ang puso ko.

Nang lumagpas ang mukha niya sa mukha ko ay agad akong napabuga ng hangin nang palihim habang kagat-kagat ang labi na konting diin na lang ay malalasahan ko na ang dugo.

Alam kong iba ang itensiyon niya pero bakit parang pareho ang lakas at bilis nang tibok ng puso namin?

His heart is beating fast like it's going to explode!




His Stares: Professor Reyel Bagy Where stories live. Discover now