Chapter 23

89 1 0
                                    

“Oy, nice!” Mabilis akong nabalik sa reyalidad dahil sa pagsigaw ng isang kaklase ko na may bitbit na selpon.

Huli na ang lahat dahil nakakuha na siya ng litrato bago pa ako napaayos nang tayo. Hindi na ako naglikramo pa dahil naka-save na rin naman nang may-ari ng phone ang picture.

Napatingin ako sa paligid. My classmates were playing a beach volleyball already. Ang ilan ay nasa tabi-tabi lang. Kumukuha ng litrato. At may ilan ay nasa kubo nagtambay.

Napakunot ang noo ko. Really? Naglalaro sila nang volleyball i tanghaling tapat?

“Bakit ka nandito? E, tanghaling tapat?” hindi ko mapigilang tanong.

Naramdaman ko ang paglayo sa amin ni Kyra at Alfred.

He shrugged. “Gusto lang din naming mag-enjoy. Ang saya niyo tingnan kanina i.”

Nauna akong lumakad papunta sa kubo, sumunod naman siya. “Ang ganda kasi sa feeling kasi okay na kami. Okay na rin sila.”

He hummed. Pagpasok sa kubo ay siya ay umalis din ang kaklase ko na nakatambay. Parang sinasadya ng mga ito na iwan kami.

Naghanda ako ng kanin at mangga. Wala nang-available na ulam kaya mangga na lamang ang kinuha ko. Nilapag ko muna sa mesa ang kanin at saka hiniwa ng isang beses ang mangga. Kumuha ako ng dalawang plato. Nilagay ko ang isa sa harap ni Professor Reyel at isa sa akin.

“Kain,” tipid na aya ko sabay subo ng kanin.

Akala ko aalis siya ngunit ilang sandali pa ay may dala na siyang tiyan na parte ng lechon na baboy. Nakalagay ito sa plato.

“Iyan ang ulamin mo. Mamaya na ‘yang mangga.” Kinuha niya mula sa kamay ko ang mangga. Hindi naman ako nanlabam dahil paborito ko naman ang lechon.

Natapos ang araw na wala kaming masyadong ginagawa. Panay swimming lang ang kaklase ko habang kaming dalawa  ni Professor Reyel ay nakaupo lang sa foldable chair habang nanonood sa kanila.

“Hindi ka maliligo?” tanong ko sa kaniya. Kanina pa kasi siya sunod nang sunod sa akin.

He shook his head.. “Hindi. Saka na kapag maliligo ka na rin.”

Napangiwi ako. “Clingy ka pala, Sir," pang-aasar ko.

Malapit na lumubog ang araw kaya maganda tingnan ang repleksyon ng araw sa dagat. It's like yellow, violet, peach and orange in one frame.

“Of course. Kapag akin, akin lang. I'm territorial, baby." Mabilis akong napaiwas ng tingin at napalunok.

Balik na naman siya sa pagtawag niya sa akin ng baby.

Pagsapit ng gabi ay agad kaming naghaponn. Simpleng budol lang. May pa-bonfire sila ngunit hindi na ako sumama dahil gusto ko nang magpahinga.

Kinabukasan ay maaga na naman akong nagising. Maaga pa kaya napagpasyahan kong mag-swimming dahil paniguradong konti lang ang maliligo.

Hindi ko alam kung gising o tulog pa ba si Professor Reyel dahil dire-diretso lang ang tingin ko pagkatapos kong magbihis. Simpleng violet na two-piece lang ang suot ko. Lumitaw naman ang pagka puti ko dahil doon. Tinakpan ko muna ang sarili ko gamit ang tuwalya. Pagpunta ko sa swimming pool kay mayroon ng tao pero konti lang. Kadalasan ay lalaki at iilan lang ang babae. May nagsi-swimming at mayroon ding nagbabad lang ng paa sa pool. Ipagpasalamat ko na lang dahil mukhang desente naman ang mga lalaki.

Tinanggal ko ang tuwalya at saka nilapag sa upuan. Mabilis akong nag-dive. Sinisid ko kung gaano kalalim ang pool kaya pagtunghay ko ay mabilis akong napahabol nang hininga. Masyadong malalim ang pool. Hula ko ay nasa 6ft.

Lumangoy ako papunta sa gilid ng pool. Sumandal ako sa dingding at ginawang pantukod ang braso. Nang parami nang parami ang mga tao ay sinulit ko na ang paglangoy. Sakto namang nagpakita na ang araw kaya napagpasyahan ko na umahon na.

Ready na sana akong aahon ngunit napatigil ako nang magtapo ang tingin namin ni Professor Reyel. Madiin ang bawat hakbang, magulo ang expression at nakakuyom pa ang kamao.

“Where’s your towel?” masungit na tanong niya.

Hindi ko magawang umimik kaya tinuro ko na lamang ang upuan kung saan nakapatong ang tuwalya ko.

“Come here,” mariin na utos niya habang hawak-hawak ang tuwalya na handa nang ipulupot sa akin.

Napalunok na lamang ako at pumunta sa gawi niya.

His deep stares are giving me chills.

Nasa dalawang palapag pa lang ako nang may hagdanan at hindi pa tuluyang naka ahon ay agad niya akong sinalubong ng tuwalya.

Nang makaahon na ako nang tuluyan ay kusa niyang inayos ang tuwalya ko. His hot palms was touching on my skin. Sa seryoso niyang mukha ay ni isang galaw o imik ay hindi ko magawa.

What he's doing right now, is like, he's telling everyone that I'm his property. A belonging that he doesn't want everyone to touch nor to see.

“Galit ka ba?”

Ghad, Jenny! Hindi pa ba halata?

Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko kung paano tumitig sa amin ang mga tao. May nag bulong-bulungan pa at halatang nagt-tsismis.

“Hindi ba obvious?” Napalabi ako.

Sabi ko nga galit siya!
































His Stares: Professor Reyel Bagy Where stories live. Discover now