Chapter 12

100 1 0
                                    

“Wala naman. Nakalimutan ko kasing mag-breakfast kaya ako namumutla.” What a lame excuses!

Sinong tanga ang late nga pero hindi pa nakapag-breakfast?

At paano ako na-late kung 5:30 naman ako nag-aabang ng jeep kanina?

“What?! Edi sana kumain muna bago ka pumasok. Alam mo namang late ka na pero pumasok ka pa rin," pangangaral niya pa.

Palihim akong napamura nang makitang sira na pala ang relo. Kaya pala medyo mainit na kanina habang nag-aabang ako ng jeep.

“Okay lang ako. Anyway, bakit nandito si Professor Reyel?” pag-iiba ko nang usapan.

Tumingin naman si Vere sa harap kung saan nagtuturo si Professor Reyel.

At kailan pa siya nagtuturo ng Educ8? Sa pagkakaalam ko kasi si Ms. Alona ang instructor namin sa subject na ‘yon.

“Siya raw muna ang magiging substitute ni Ma'am Alona.” Mabilis na binuksan ni Vere ang notes niya at ganadong-ganado sa pagsusulat, “Swerte natin ‘no? Buti na lang pumayag si Professor Reyel na siya ang papalit.”

Napangiwi ako.

Swerte? Siguro sa inyo, swerte. Pero sa akin? Hindi!

Hindi na lamang ako umimik at nakinig na lamang. Medyo naiilang pa ako dahil paminsan-minsan ay nakita ko ang pasimple niyang pagtingin sa akin.

Agad na natapos ang klase niya na agad ko naman ipagpasalamat sa panginoon. Hindi siya boring magturo pero wala pa ring pumapasok sa isipan ko dahil panay flash back sa isipan ko ang sinabi niya sa akin kanina.

“Lets go. Cafeteria na tayo para makakain ka na," aya ni Vere at nauna nang tumayo.

Kinuha ko naman ang bag ko at sinundan siya.

“Bye, Sir,” rinig kong paalam ni Vere kay Professor Reyel.

Kita ko pa kung paano niya kagatin ang labi niya para pigilan ang kilig nang tumango si Professor Reyel sa puna niya.

Flirt!

Hindi naman sa nagseselos ako pero bakit ganoon siya umakto? Pinu-pursue pa lang niya ako pero lumalandi na sa iba.

Bago pa ako makalabas ay mabilis akong napatigil nang tawagin ako ni Professor Reyel. Maski si Vere ay napatigil din.

Lumingon ako sa kanya at gano’n din si Vere.

“Bakit, Sir?” Si Vere na ang sumagot para sa akin.

Imbes na tumingin si Professor Reyel kay Vere ay tila nakandado na ang tingin niya sa akin.

“Can you help me bring this in my office?” Mabilis akong umiwas ng tingin dahil sa mapungay niyang mata.

Nakita ko naman si Vere na pinandidilatan ako. Na para bang gusto niyang siya na lang ang tutulong.

“Uh-sir. Medyo mabigat din po kasi ang pakiramdam ko. Pero if you really need a hand po. Nandito naman po si Vere. Puwede niya po kayong tulungan," pago-offer ko pa na ikinatuwa naman ni Vere.

“Oo nga, Sir. Ako na lang po ang tutulong sa–”

“Si Ms. Cevu ang gusto ko. Meron din kaming dapat pag-usapan tungkol kanina,” pagpuputol niya pa kay Vere. Diretso siyang nakatingin sa akin na para bang sinusuri ang buong sulok ng mata ko.

Nakita ko naman ang marahan na pagkagat ng labi ni Vere na parang nahihiya. Na konsensya naman ako dahil sa ginawa ni Professor Reyel.

Lumingon ako kay Vere na ngayon ay malapit nang umiyak. “Mauna ka na lang, Vere. Kita na lang tayo rito after lunch.”

Tumango naman siya. Bagsak ang balikat at walang imik na umalis. Nauna kong kinuha ang gamit niya nakapag sa mesa at walang pasabi na lumakad papunta sa opisina niya.

Oo, galit ako. Galit ako hindi dahil sa pag-utos niya sa akin kundi dahil sa pagpapahiya niya kay Vere. Siya na nga ang tinulungan, siya pa ang bastos.

Rinig ko ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Pabalang kong binuksan ang pinto ng opisina niya at pabagsak na nilapag gamit niya.

Saktong pagharap ko para sana umalis ay siya ring pagpasok niya.

Tila nanlambot naman ang tuhod ko.

Nasaan na ang tapang mo kanina, Jenny? Traydor ka! Ang tapang-tapang mo kapag nakatalikod sa kaniya. Pero kapag kaharap mo na, nanlalambot ka!

Yumuko ako at akmang lalagpasan na sana siya ngunit mabilis na naman niyang nahawakan ang kama ko.

“Bakit ka galit?” Nonsense na tanong niya.

“Hindi ako galit, Sir.” Pagtanggi ko pa.

“Hindi. Galit ka i,” pamimilit na saad niya.

Pilit akong ngumiti. “Hindi nga, Sir!”

“O, sumisigaw ka. Galit ka talaga i.”

Mariin akong napapikit at malapit nang mauubusan ng pasensiya.. “Hindi nga, Sir.”

“Galit ka ata. Kita mo napapikit ka na.” Panggagago niya.

“Hindi nga ako ako galit! Nagalit lang ako dahil ni-reject mo ‘yong tao na gustong tumulong sa’yo!” hindi mapigilang sigaw ko dahil iritasyon.

“She’s clearly flirting with me!” he said frustratedly.

“O, ano ngayon? Proud na proud ka dahil may nagfi-flirt sayo?!” Hindi ko mapigilang sumbat dahil sa inis.

Flirt, flirt! Gusto rin naman niyang pini-flirt siya!

He chuckle. “Of course not. Kaya nga ni-reject ko dahil ikaw ang gusto ko.”















His Stares: Professor Reyel Bagy Where stories live. Discover now